章 4

288 13 0
                                    


"Jax, is there any ATM here?" I asked Jaxon as I entered the villa again, madaling madali na 'ko. After hearing what did Ivory just said, I felt guilty na hindi ko binalik agad sa kaniya 'yong card holder and it's not my intention to do that.


"Yeah, wait. Why? I can just give you cash if you want." He answered me.


"No, no. May... may problem lang ako sa Manila, I forgot to send money to someone." Pagrarason ko.


"Alright, come. Sama ka sakin." He walked with me until we reached the reception area, there, we saw an ATM. He just sat on the couch there and waited for me to finish to deposit this money.


I transferred fifty thousand (50,000) pesos on her bank account. I don't know how much money does that Card Holder have, kaya okay na 'yon. It's just fifty thousand, we can earn the money back.


"Yeah, dude. I'm done." I told Jaxon. 


We went back in our villa but both of us got surprised, wala na 'yong iba naming pinsan don. When I looked on each rooms, nagpapahinga pa rin ang oldies. We got our thinking that maybe they're swimming on the beach, it's the perfect time na rin kasi. Golden hour.


"Why aren't you there?" I sat beside Jin. Nakaupo kasi siya sa buhangin, tumabi lang ako. Tinitingnan niya lang 'yong mga pinsan naming lumalangoy at nag-aasaran duon sa may tubig.


"Nothing. I'm just thinking about someone." Sumingkit ang mata niya nang tumama ang sinag ng araw duon, kaya todo takip naman siya ng palad niya para lang takpan ang araw. "Hindi ko alam if I have a crush on her. But, she's fucking annoying." Inis na sabi niya.


Natawa naman ako duon, parang ngayon lang ako nakarinig ng ganon ah. "Binata ka na ah." Sabi ko sa kaniya at ginulo ko pa ang buhok niya.


"Kuya." Iwas niya sakin, todo ayos naman siya ng buhok.


"Pano mo naman nasabi na crush mo siya kung naiinis ka naman sa kaniya?" I chuckled a bit. 


"I don't know. It's just my heart... race every time she's around. para akong pinapalpitate." He said while placing his hand on his left chest.


"Wow, may ganiyan ka pa lang side." Tawa ko bigla. Hindi ko alam kung nagbibiro siya o ano e, pero mukhang seryoso naman siya at isa pa, hindi 'to marunong magbiro.


"Kuya, can you just... please. Help me?" He looked at me and shook his head.


"I don't know how will I help you. I just had a girlfriend once and hindi ko alam kung uulit pa 'ko. Ang hirap nila intindihin e, pero sobrang laking bonus sa kanila kapag naiintindihan natin sila. Siguro, just take time to understand her. Kung nakakainis siya, may rason naman siguro 'yon. Ano ba nakakainis sa kaniya?" Sabi ko sa kaniya, ang dami kong sinabi ruon ah. Nakakawindang.


"Her patience is this... little." Sabi niya habang nakataas ang kamay na para bang may sinusukat ang point finger at thumb niya, sobrang liit naman non. "Ang ikli. Tapos, nakakairita ang arte niya. Napakasungit pa." Dagdag nito, parang inis na inis nga naman talaga sa mundo.


"Just... just try to understand her. For sure, she has her reasons kung bakit siya ganon." I told him.


"I'll try. Nakakainis sobra e." Sagot niya sakin.


"Ikaw din e, yung pasensya mo ganon lang din kaliit e." Sabi ko sa kaniya.


"Thank you, Kuya.." Sabi niya naman sakin, nagulat naman ako don. Bakit siya nagpapasalamat?


"You talked to me." Simpleng sagot niya sakin. "You know naman, ever since Kuya Jac became the CEO of the Jirananta developers... he became so busy too, hindi na kami nag-uusap masiyado. It's just... sobra sobra na 'yong dinadala niya kaya ayaw ko nang dumagdag." He explained.


"Ano ka ba, andito lang ako kahit anong mangyari." Hinawakan ko ang ulo niya at isinandal sa balikat ko.


"Sige na, lalangoy na 'ko." Sabi niya at tumayo. Naghubad naman na siya ng t-shirt atsaka tumakbo papunta sa dagat.


Ako, wala pa 'kong balak lumangoy kaya pinapanuod ko lang sila at kumukuha ako ng mga litrato para naman may mai-post ako sa Instagram. Minsan lang din kami magkaruon ng Family bonding na ganito lalo na lahat kami abala na sa sari-sarili naming buhay.


Para samin, sobrang importante na ng oras namin. Hindi na kami pwedeng pagpabaya pagdating sa oras. Sobrang daming kailangan gawin lalo na nila Kuya Jac, Jax, pati si Yuze dahil sila talaga 'yong may mga hawak na malalaking establishments. Ako, kapag may lipad lang naman ako busy. Si Jin, hindi pa ganoon, pero abala rin siya sa pag-apply sa gusto niyang trabaho, isa pa may mga raket siyang pinaninindigan. Si Zach, wag na 'yon pag-usapan, kahit kailan pwede siya.


"Kainan na!" Malakas na sabi ni Amah, dinner time na. Lahat kami nakaayos na ng pantulog. Napagod silang lahat kakalangoy kanina, buti ako hindi lumangoy at hindi ako napagod. "Nasan sila?" Tanong ni Amah habang hinahanap mga pinsan ko.


"They're sleeping, Amah. Kami lang ni Yuze at Jin ang gising. Sobrang nag-enjoy kakalangoy e. Ayon, bagsak." Sabi ko.


Naki-upo na lang din kami sa may table nila since tatlo lang naman kami ngayon. Nakisiksik pa nga. Everytime we sit with them, the pressure is real. Grabe, sobrang ramdam na ramdam 'yong pressure talaga. Siguro dahil lahat sila may napatunayan na kela Amah at Angkong? All of them are now successful. Sana all na lang kung ganon.


"Happy Anniversary, Alvin and Antoinette!" Angkong and Amah greated Mom and Dad while holding a cake.


After eating dinner, we went back to our Villa and rested. Kaming tatlo, pumasok na rin sa mga kwarto namin at natulog na. But our Mom's and Dad's are still talking about Business at the Villa's living room. The next day is our last day already, hindi kami pwedeng magtagal dahil may mga businesses na naiwan sa Manila.


"Balesin is nice no?" Jaxon asked, while drinking his black coffee. Kami pa lang kasi gising ngayon, 'yong iba tulog pa kaya hindi pa kami makapag-breakfast buffet.


"Uhm, but Jirananta Hotel is nicer." I chuckled.


"That's a fact tho!" Pagmamayabang ni Jaxon, isa na kasi siya sa may hawak non e.


"Wait, I'll just reply to this." Sabi ko habang nakatingin sa phone ko. It was a message from Ivory Jane Castillo na naman. 


Ivory Jane Castillo: Can we meet once you got back? I need my cards.


Uy, gusto siguro ako makita nito ulit. Pwede na, maganda naman siya. Mukha namang bagay kami. 


Atlas Sanchez: (thumbs up)


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Along Taft AvenueWhere stories live. Discover now