章 7

262 11 0
                                    


"May after party pa raw after bigayan ng Angpao." 


Sabi samin ni Kat habang kumakain na ng dinner, hindi pa rin ako makaget-over sa kanina. Kaya pala close si Atlas at 'yong may ari ng A&A na si Yuze dahil magpinsan sila, pati si Sir Jaxon. Jusko. Gulong gulo pa naman ako kung crush ko ang boss ko dahil kay Kat. Gusto ko 'yong lahi nila, ang gaganda at ang popogi e.


"Stay kayo?" Tanong ni Tom.


"Ako, hindi. May curfew." Sagot naman ni Moo.


"Ako sa sabay ako sayo umuwi e." Sabi ni Tom.


"Kami ni Iv, stay diba?" Yumakap naman si Kat sa braso ko. Wala naman akong nagawa kung hindi tumango na lang din sa sinabi niya. 


Lumibot ang tingin ko at napatingin muli ako sa luob ng bahay, nandon kasi ang pamilya ng Jiraanan. Gumagawa ng Chinese Traditions tuwing Chinese New Year, kaya siguro maya maya pa sila kakain. Onti lang ang kinain ko, ang dami kasing pagpipilian. Kinuha ko lahat pero onti onti lang, para matikman ang Chinese Foods dito. Ngayon, nagdedessert na lang ako tapos Tikoy. 


Tumayo muna ako para pumunta sa Restroom, pasulyap sulyap ako habang naglalakad. Hinahanap ko kung nasan 'yong Restroom e. Sobrang laki kasi, hindi ko alam kung sa luob ba ng bahay nila o mayroon dito sa may garden nila or baka sa pool side. Lumakad na lang ako sa may pool side malapit dahil paniguradong mayroon duon.


"Huy!" 


Halos mapatalon ako sa gulat nang may gumanon sakin at humawak pa sa bewang ko, pagkatingin ko si Atlas lang pala.


"Nawawala ka ata. Kanina pa kita sinusulyapan e." Sabi niya habang tinitingnan kung saan ako papunta. "Walang inidoro diyan, paliguan lang 'yan." Dagdag niya habang papunta 'ko sa direksyon ng cubicle. Tumingin naman ako duon, sisilipin ko pa lang, nangingielam na kasi agad 'to.


"San ba 'yong Toilet?" Tanong ko sa kaniya, lumilibot ang mata ko dahil hinahanap ko nga at isa pa, hindi talaga 'ko makatingin sa mata niya. Medyo magkalapit din kami nang sobra dahil masiyadong malakas ang sounds.


"Tara." Sabi niya.


"Ano?" Paglakas ko ng boses.


"Tara." Sabi niya sabay hila ng kamay pala-pulsuhan ko. Nanlaki naman ang mata ko sa ginawa niya, para akong batang hinihila ng tatay ko. Jusko naman. "Ayan, toilet." Sabi niya. Nasa luob na kami ng bahay nila, malulula ka na lang talaga sa sobrang laki.


"Dito ka nakatira?" Tanong ko sa kaniya.


"Umihi ka muna." Sabi niya sabay tulak sakin papasok ng toilet.


Pagkapasok ko, umihi muna ako. Pagkatapos naman non ay naghugas ako ng kamay at inayos ko nang ka-onti ang buhok ko. Mahaba pa ang gabi, hindi pa nagbibigayan ng Angpao e. Kaya, magsasaya pa kami at may after party pa nga.

Along Taft AvenueWhere stories live. Discover now