Chapter 10

33 3 0
                                    

Trigger: Suicide
---------------------------------------------------------
Mutual Feeling

“Huhuhuhuhu Dave hindi ko maisip bat nagawa ng ating anak na magpakamatay. Kasalaman ko ito kung hindi sana kita inaway hindi sana malalaman ni Andrea ang problema ng kompanya natin at hindi sana niya makikita na nag aaway tayo. Dave hindi ko kayang mawala sa atin ang anak natin” sabi ng isang pamilyar na boses kaso hindi ko lubusan naintindihan dahil medyo mahina ang pagkakasabi.
Unti unti kong minulat ang mga mata ko kasabay ko noon nakita ko ang putting kisame at ngayon nakikita ko si mama at papa na magkayakap habang umiiyak silang parehas.

“Patawarin mo din ako mahal kung idinaan ko lang sa pag inom ng alak ang problema natin sa kompanya kesa gumawa ng paraan ng araw din kasi noon ay hindi ko na alam ang gagawin. Patawarin mo ako mahal.” Naiiyak na sabi ni Papa.

“Patawid din Dave huhuhuhuhu pangako magtutulungan tayo na maiahon natin ang ating kompanya.” Sabi ni Mama habang pinupunasan ang mga luha sa kaniyang mga mata. Tila ang gandang pag masdan ang sitwasyon ng mga magulang ko dahil ayon lang naman ang hangad ko sa buhay ang maging masaya kami nina Mama at Papa.

“Ma… Pa..” mahinang sambit ko. Sabay lumingon sina Mama at Papa. Makikita sa kanila ang kasiyahan ng makita nilang gising na ako.

“Andrea..” sabay na sambit nila habang si Mama ay mabilis na pumunta sa akin paran yakapin ako.

“Darling buti nagising kana… hindi ko kasi alam ang gagawin ko ng hindi ka pa gumigising.” Naluluhang sabi ni Mama habang yapos yapos ako ng mahigpit.

“Andrea huwag mo na yung gagawin ulit na mag suicide dahil hindi namin alam ng Papa mo ang gagawin kung mawawala ka sa amin. Buti nalang at naisipan namin ng Papa mo na puntahan ka din ng madaling araw para kausapin dahil balak na namin sabihin sa iyo ang problema ng kompanya natin kaso nagulat kami ng nakita namin nakahiga ka sahig ng walang malay at may nag kalat na sleeping pills kaya dali dali ka namin dinala sa hospital.” Mahabang sabi ni Mama.

My mama was right after lahat ng narinig ko at nakita that day ay dinamdam ko dahil ayaw kong makita sila ng ganun ng dahil sa akin kaya habang umiiyak ako ng gabing iyon ay hindi ko na alam ang gagawin ko gusto ko ng wakasan ko na yung buhay ko dahil ako ay hirap na hirap na rin dahil kahit buhay ako pakiramdam kong patay narin ako dahil dito sa aking  kalagayan at naginging epekto nito sa buhay ko at sa magulang ko. Alam ko… bakit hindi ko nalang inenjoy ang buhay ko while Im still alive pero hindi ko kayang gawin talaga yun kung alam kong may sakit ako na walang kasigaraduhan na mabubuhay pa ako. Kaya ng gabi iyon dali dali kong kinuha yung sleeping pills ko sa cabinet ko dahil usually umiinom ako noon kapag hindi ako makatulog. Dahil rin sa matinding kalungkutan ko nun ay naiisipan kong uminom ng maraming sleeping pills para wakasan ng tuluyan ang buhay ko pero siguro hindi ko pa oras dahil heto ako buhay na buhay.

“Ipangako mo Andrea sa amin ng Papa mo na hinding hindi mo na gagawin yun? At pangako rin namin na  pagkalabas at kapag maayos kana ay sasabihin namin ng Papa mo ang problema ng kompanya natin.” Seryosong sabi ni Mama. Kita ko ang pag kamaga ng kaniyang mga mata dahilan siguro sa pag iyak.

“Opo Ma at Pa hindi ko napo yun gagawin . Pa- patawarin niyo po ako sa nagawa ko. Hindi ko naman po talagang gustuhin gawin yun nadala lang po ako ng emosyon.” Naiiyak na sabi ko.

“Basta Andrea huwag mo na kaming pagaalahanin ng Papa mo. Hayaan mo promise namin ng Papa mo na sasabihin namin sayo lahat at isasama ka namin sa lahat ng bagay at desiyon ng pamilya natin. Nag alala lang talaga kami ng Papa mo baka makadagdag pa ito sa problema mo kaya inilihim namin ng Papa mo.” Emosyanal na sabi ni Mama.

“Pamilya tayo Ma kaya kung ano ang problem ng isa sa atin  ay lahat tayo ay mag sasama sama para lutasin ang problema natin po.” Sabi ko habang kayakap ang aking Mama at sumunod narin si Papa kung nasan kami para makiyakap din.

Du har nått slutet av publicerade delar.

⏰ Senast uppdaterad: Jun 11, 2021 ⏰

Lägg till den här berättelsen i ditt bibliotek för att få aviseringar om nya delar!

Save Me (Professional Series #1) Där berättelser lever. Upptäck nu