Prologue

222 16 9
                                    

It's been four years since I left him. Yes, I survived from death but I can still feel the sadness in my heart. I remembered the day before I let him go in the hospital, seeing his eyes with full of sadness is killing me slowly. Hindi ko talaga kayang tumingin ng diretso sa kaniyang mga mata that time dahil baka bigla magbago ang desisyon ko. I'm desperate to stay away from him because I don't want to give him a hope that I will survive in leukemia. Isa pa, he didn't know about my case that's why I lied to him.


"Karl, please stop loving me because I don't want to hurt you! Did you see this?" ipinakita ko sa kaniya ang hawak kong pregnancy test with two red lines. Nakatitig ako sa kaniyang mga mata habang umiiyak. Kita ko sa kaniyang mga mata ang galit, lungkot, at gulat sa aking pag amin.


"Hindi ako naniniwala... alam kong hindi sayo 'yan." Seeing him with that eyes na pagod at sobrang lungkot ay parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko. I don't want to see him like this dahil kapag nakikita ko siyang nasasaktan ay pakiramdam ko ay mamatay ako.


I want him to be happy in life dahil alam ko darating ang araw na kapag pinagpatuloy pa naming ito ay siya ang magdudusa kaya habang maaga pa ay gusto ko nang tapusin ang lahat. Dapat pala noong umpisa pa lamang ay hindi ko na itunuloy itong nararamdaman ko dahil doble pa pala ang pwedeng kong ibigay na sakit sa kaniya.


"Bat ayaw mong maniwala? Iyan na nga ang patunay na niloko kita at hindi talaga kita mahal! Dahil habang magkasama tayo ay nakipag sex ako sa ibang lalaki at two months na akong buntis!" Hindi ko maiwasan ang mapansin ang mga taong nakatingin dito sa labas ng hospital. Kita ko na hindi maipinta ang kaniyang mukha sa lahat ng kasinungalingan na sinabi ko. Hindi totoo na may iba akong lalaki dahil siya lang ang lalaki sa buhay ko. Siya lang ang lalaki na nagbigay kulay sa madilim kong buhay. Pero ayaw ko naman dumating sa punto na siya ang maging miserable dahil lamang sa akin.



"Andrea ple- please stop! Ano yang mga pinagsasabi mo? I know that you're lying to me dahil kahit kailan alam kong hindi mo magagawa sa akin iyang mga kasinungalan mo! Ewan ko kung bakit mo ginagawa ito sa akin! Please talk to me...and tell me what's the problem. I will understand if I didn't have enough time for this relationship but I always tried my best. even I'm tired because of a lot of duties in this hospital. But I didn't gave up because every time na kasama kita nawawala yung pagod ko. Makita ko lang yang mga ngiti mo napapawi lahat ng problema ko... Kaya tell me! Anong problema dahil hindi ko na alam ang mangyayari sa buhay ko kung mawawala ka." Pagod na pagod niyang sabi at kita ko rin ang mga luhang dahan dahang lumalabas sa kaniyang mata at alam kong nag titimpi lang siya.


Hindi ko alam ang sasabihin ko pagkatapos kong marinig ang lahat ng 'yun mula sa kaniyang bibig. It was my first time na makarinig ng mahabang litanya galing sa kanya at makitang umiiyak nang ganito. Nasanay ako na lagi siyang nakatawa at palabiro.



"Doc Karl may emergency po doon sa patient niyo pong bata sa room 201 nahihirapan pong huminga." Sabi ng isang nurse kay Karl pero makikita mo sa mata ng nurse ang pagkahiya na para bang ayaw niya sanang makaabala sa usapan kaso dahil emergency kaya siguro sinabi niya. Biglang humarap sa akin si Karl at alam kong nakatitig siya sa akin pero hindi ko magawang tumingin sa kaniyang mga mata dahil natatakot ako sa kaniya.


"Okay Nurse Mary mauna ka na susunod na ako agad." Biglang umalis yung nurse papuntang room 201.


"Babalik ako, mag uusap pa tayo hintayin mo ako dito mabilis lang ito." malamig na sinabi siya.


"Puntahan mo na yun baka mapaano pa ang pasyante mo, aalis na din ako. Kaya lang ako nandito ay para magpaalam. Balak na naming magsama ng ama ng nakabuntis sa akin dahil pananagutan niya daw ang batang ito kaya ito na ang huling araw ng pagkikita natin sana balang araw mapatawad mo ako." Pilit akong ngumiti kahit sobrang nasasaktan na ako sa sinasabi ko. Hindi ko din ata kakayanin na iwan siya pero ayaw ko namang maging selfish. Gusto ko rin iconsider ang feelings niya dahil simula umpisa, wala siyang ginawang mali sa akin kundi paligayahin ako araw araw. Sa kabila ng kaniyang duties sa hospital ay hindi siya nagkulang sa iparamdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal.


"Sige, Kung ayan ang desisyon mo pero sa oras na bumalik ako dito at wala kana.... Huwag ka ng magpakita sa akin habang buhay... mag-sama na kayo ng lalaki na 'yun dahil sa oras na makita ko yang lalaki mo baka mapatay ko pa siya kaya mas mabuting umalis na nga kayo dito at oo nga pala goodluck sa inyong masayang pamilya." malamig na sabi niya sa akin. Bakas din sa kaniyang mga kamay na galit siya at bigla siyang tumalikod sa akin at mabilis na umalis. Habang lumalayo siya sa akin hindi ko mapigilan ang mabilis na pagpatak ng aking mga luha dahil sa sobrang sakit. Nakakadurog ng puso na makita mo ang isang taong mahal mo na unti-unting lumalayo sayo.


Sa tuwing inaalala ko ang araw na 'yun ay hindi ko mapigilang umiyak dahil alam kong nasaktan ko siya, nasaktan ko siya at ang sarili ko sa naging desisyon ko. Alam ko na dapat hindi na lang ako nagsinungaling at umalis pero 'yun ang hinihingi ng sitwasyon noon. Paano na lamang kung bigla na lang akong mamatay? Paano na siya?


Ngayon, nandito ako sa aming mansion sa Calauan kasama ang aking magulang at bunso kong kapatid na lalaki. Hindi ko nga naisip na makaka-survive ako dahil sa simula pa lang alam kong malapit na akong mamatay. Minsan nga sinasabi ko sa mga magulang ko na huwag na akong ipa-chemotheraphy dahil mamatay din naman ako. Masasayang lang din naman ang pera pero ayaw makinig ng aking mga magulang dahil gagaling daw ako kung maniniwala at gugustuhin ko. So I have no choice kundi pumayag.



"Ate look at the TV." Sabi ni Carlo ang bunso kong kapatid habang nakaturo sa TV. Sobrang cute talaga nitong kapatid na ito lalo na kapag nakanguso. Sabay lingon ko sa tinuturo ng kapatid ko at kasabay ng paglingon ko ang pagkagitla ko at pagbilis ng tibok ng puso ko. It's been four years nang huli ko siyang nakita halos wala na nga akong balita sa kaniya. Ang laki na ng kaniyang pinagbago, parang lalo siyang gumagwapo. Aaminin ko, dati pa ay gwapo na siya pero ngayon mas gwapo siya habang suot niya ang kaniyang puting coat na ginagamit niya sa hospital.

Save Me (Professional Series #1) Where stories live. Discover now