Chapter 2

60 12 10
                                    

Friend Request

Bumili muna kami ng gamot at mga dapat bilhin sa pharmacy para kay Mikmik. Pagkatapos ay hinatid ko muna si Gail sa kanilang bahay, bago kami umuwi ni Mikmik sa aming bahay. Pagkarating namin sa bahay ay may narinig akong parang nag-aaway. Sa labas pa lang ng gate ay parang may nagsisigawan.

“Dave! Gawan mo 'yan ng paraan, paano na ang pagpapagamot ni Andrea kung babagsa—” biglang napatigil si Mama at halatang gulat na gulat nang makita ako. Napalingon din si papa sa akin na tila ba may malaking problema kaya sila nag aaway.

“Hey honey… kanina ka pa diyan?” Pilit na ngiti na tanong ni Mama sa akin na para bang wala lang yung narinig kong sigawan nila kanina.

“Kararating lang po Mama. May problema po ba? Parang narinig ko po kasing nagtatalo kayo kanina?” seryoso kong tanong kay Mama.

“Naku anak wala lang 'yon, mayroon lang kaunting problema sa kompanya. Hindi ba Dave? So kumusta si Mikmik? Anong sabi ng Doktor niya?” biglang paglilihis ni Mama . Alam ko na simula't sapot, lahat ng gusto ko ay binibigay nila para lang mapasaya ako, kahit hindi naman ako humihingi sa kanila ay binibili parin ako. Minsan ay kahit pa hindi ko naman talaga kailangan. Nang madiagnose ako sa sakit ko ay talagang binigay nila lahat ng kailangan ko lalo na sa pag pagpapagamot. Kahit sobrang mahal na ay hindi nila pinapansin yun. Minsan kapag nakikita at naririnig kong nagtatalo sila tungkol sa kompanya namin ay lagi ko silang tinatanong, baka kasi may malaking problema na ayaw lang nilang sabihin.

“Ahhh oo nak tama ang Mama mo, may maliit lang na problema sa kompanya.” Pilit na ngiti ni papa sa akin.

“Ganun po ba...pero mama at papa kapag may problema po sa kompanya sana sabahin niyo rin po sa akin para makatulong din ako sa problema. Sige po, akyat na po kami ni Mikmik para makapahinga dahil pagod po sa biyahe.”

“Sure 'nak sasabihan ka namin ng Papa mo. Sige punta kana sa kwarto mo para makapahinga na yan si Mikmik.” Mama said. Humalik muna kami ni Mikmik kina Papa at Mama bago kami pumunta sa kwarto ko.

Matapos kong mapainom ng tubig at gamot si Mikmik ay pinatulog ko na siya sa kama ko. Actually hindi naman malaki ang kwarto ko dahil sabi ko naman kina Mama ay okay na sa akin ang sakto lang sa akin. Pero dahil mahal na mahal ako nina Mama pinaganda nila ito gumatos pa sila ng mahal para lang sa kwarto ko dahil sabi nila prinsesa nila ako. Actually, weird ang kwarto ko, black and white, parang panlalaki. I like those colors. Mostly kasi kapag babae puro pink, kaso hindi naman ako mahilig sa pink, kaya kapag pumasok sa kwarto ko minimalist yung theme ng kwarto ko. Napagdesisyon ko na lang mag online sa Facebook account ko dahil nabo-bored ako. Halos ganito nalang ang ginagawa ko sa buong buhay ko, maliban sa paggala namin ni Gail paminsan-minsan noon. Pero madalas after ng class diretso na ako sa bahay at doon ko nalang uubusin ang oras ko buong araw.

Kalimitan kasi nanood ako ng mga K-drama lalo na ngayon inaabangan ko talaga yung True Beauty, kaso matatapos na. Minsan naman nagbabasa ako ng Wattpad, pinaka favorite ko talagang author ay si Jonaxx. I really admire her dahil sa passion niya sa pag susulat ng kwento.

Pagbukas ko ng fb account ko, ayun at expected ko nang sabog na nman ang messages, friend request at notification ko. Ewan ko ba, ang daming nagchchat na lalaki sa akin. Alam ko naman na maganda ako pero hindi ba sila nag sasawa? hahahaha. Diba ang haba ng hair ko pero dinedema ko nalang sila dahil hindi naman ako interesado, just like what I said before.  Bigla ko nalang naalala si Doc Karl mayroon kaya siyang fb account? Hays, matignan nga, titingin lang naman.
Pagka type ko ng buong pangalan niya, biglang nakita ko yung profile niya. Shit bat ganun ang ganda talaga ng katawan niya. Grabe naka topless siya na may suot na salamin tapos nakaupo sa white sand, hindi ko lang alam kung anong beach ito. Grabe may abs siya at anim pa. Mai-stalk nga. Grabe 50,000 ang followers niya, halatang kilalang-kilala siya. Bukod sa pagiging anak ng may-ari ng hospital, kilala din sa pagiging magaling na Doctor sa mga bata. Ano nga ba ang tawag doon? Pediatrician? Oo nga, 'yon ata ang tawag doon. But anyway, tignan natin yung ibang picture. Naku naku Andrea hindi ka naman intersado sa lalaki noon pero bakit mo iniistalk si Doc Karl? Pagtingin ko sa isang picture, may isang babae siyang kasama. Nakayakap 'yon sa kaniya at mukhang kasing-edad niya lang. Maganda yung babae, morena at sexy pero mas maganda parin ako.

Save Me (Professional Series #1) Where stories live. Discover now