Chapter 1

106 11 4
                                    

EYES

Hindi ko maiwasan tumingin sa paboritong parte ng katawan niya. His deep-set brown eyes na nangungusap na kapag tumitig ako ay tila hinihigop ang aking kaluluwa everytime I see his charming eyes  na first time kong makita sa buong buhay ko. I don’t know why he has that aura, honestly I’m not interested to handsome guys when I was in college and actually hindi ako mabilis ma-attract sa isang lalaki noon. Ewan ko ba…. Siguro ayaw ko lang talaga mag-entertain, dahil simula ng ma-diagnose ako ng leukemia ay biglang gumuho ang mundo ko. Bigla lang nabuhay ulit ang aking pag-asa nang makita ko siya sa Del Vega Hospital na pagmamay-ari nila.

“Alam mo Andrea, balita ko yung anak ng may-ari nitong hospital ay sobra daw gwapo. Halos lahat nga daw ng nurse ng dito hinahangaan siya.” Gail said

“So? Hindi naman siya ang pinunta natin dito. Kaya tayo nandito ay para sa pinsan ko na basta iniwan na lang ni Tita sa akin. May ubo at sipon pa, buti nalang napaka-cute nitong pinsan ko, manang-mana sa akin.” Natatawa kong biro kay Gail.

“Bruha ka! Sinabi ko lang naman na gwapo yung anak ng may-ari nitong hospital kung ano-ano na ang pinagsasabi mo. Feeling mo kapag nakita ka niya kagaya din siya ng mga nagkakagusto sayo dati? Naku naku. Tumanda ka sana nang mag-isa.” Mapang- asar niyang sabi sa akin.

“Tsk. Tara na nga baka hinihintay na tayo ng doctor ni Mikmik at ng makauwi at makapahinga na ito. Kawawa naman itong pinsan kong maganda.” Habang pinipisil ang pisngi ng pinsan ko.

Nang malapit na kami sa sa pintuan ng doctor ni Mikmik ay biglang lumabas na isang babaeng nurse na parang bulate na inasinan, hindi mo malaman kung natatae ba siya o ano.

“Oh my God! Hinawakan ni Doc yung kamay ko! Grabe ang lambot ng kamay niya… Ano kayo ngayon diyan? Daig kayo, hindi pa nahahawakan ni Doc yung kamay niyo.” Mapang asar na sabi ng nurse na lumabas sa pintuan.

“WHAAHAHHAAHAHAHA hinawakan lang naman hindi naman hinalikan akala mo kung sino nang maswerte.” Medyo malakas na sabi nitong kaibigan kong si Gail. Minsan kasi itong kaibigan kong ito may pagkapahid kaya laging napapaaway. Biglang tumingin yung nurse na lumabas sa amin dahil paniguradong narinig niya ang sinabi ni Gail.

“Anong sabi mo?” magkasalubong na kilay na sinabi nung nurse.

“ Wala sabi ko ang swerte mo. Tara na nga Andrea pasok na tayo, baka naghihintay na yung doctor na kapag hinawakan lang ang kamay akala mo naman bulateng inasinan.” Mahina at natatawang sabi ni Gail. HAHAHHAHAHA luka-luka talaga itong kaibigan ko.

Pag pasok namin ay mayroong isang lalaking naka-white coat, nakaupo habang may sinusulat. Ang ganda ng kaniyang katawan lalo na yung biceps mukhang matigas. Haysss ano ka ba Andrea kung ano-ano iniisip mo! Nandito kayo para patignan yang pinsan mo! Kahit mahilig akong mang busted dahil sa sa kalagayan ko, hindi ko naman maiiwasan na makaramdam ng attraction, slight lang naman. Ahahhaahaha konti lang pero hanggang doon lang, walang involve na feelings.

“Aray” Malakas na sabi ko, paano ba naman, e siniko ako ng kaibigan ko.

“Bat mo ako siniko ang sakit kaya nun.” Sabi ko habang hawak ang sa may gilid ng tiyan ko.

“Kung hindi kita siniko hindi mo maalis ang tingin mo kay Doc.” Pabulong na natatawa na sabi sa akin ni Gail.

“Ha?” gutla kong tanong sa kaniya. Hindi kaya kanina pa ako nakatunganga sa Doctor na nakatingin din pala sa akin Nakangiti na ito ngayon sa akin. Teka shit, bakit ang ganda ng kaniyang mga mata? Bakit hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Naku naku tapos ngayon  nakakahiya dahil nakita niya ako na nakatitig sa kaniya. Lord help me, nahihiya na ako kunin niyo na po ako ngayon.

Save Me (Professional Series #1) Where stories live. Discover now