Chapter 4

28 10 3
                                    

Accept

Seeing the smile painted on the children's faces while giving them a simple food melts my heart. I know that simple things is enough for some people who are contented in life. I am one of that some people, because we have to accept that everything has an end and God can only say how are life will end in this world.

Kasalukuyang kumakain ang mga bata kasama ni Gail sa loob ng bahay-ampunan at ako naman ay nandito sa labas para nagpapahangin. Everytime na naiisip ko ang sakit ko, gusto ko lang magpahangin. I don’t know, I just feel relax kapag mahangin and also I’m thinking that this was a dream and I have to wake up.

“Hey.” Biglang may nangutla sa akin.

“Ayyy putragres.” Napatalon kong sabi. Paano ba naman ay nakaupo ako sa may damuhan sa ilalim ng puno tapos mang gugutla ang isang lalaking kauna-unahang nagsabi sa akin mukha daw akong Sadako.

“Ah ah ang sakit.” Sigaw niya habang pinaghahamapas ko siya sa katawan.

“Bwiset ka, bwiset! Ang payapa ng buhay  ko dito tapos guguluhin mo lang… tsk bwiset.” Pinagpagan ko muna yung suot kong pantalon sabay tayo.

“Sorry sorry hahaha peace na tayo.” Pa-cute niyang sabi. Akala mo naman cute nakakaasar talaga itong lalaki na ito. Alam kong maganda talaga ang mata niya, shit huwag kang mag paapekto.

“Bakit ka nandito ha? Bakit mo ako sinusundan? May gusto ka sa akin 'no?” dirediretso kong tanong sa kaniya.

“Wait, wait, isa isa lang ang tanong hahahhahahahahah.” Natatawang sabi niya.

“In the first place kaya ako nandito ay dahil may kinuha lang akong gamot sa kotse ko. Did you see this?” pagpapakita niya sa gamot na hawak niya.

“So ibig sabihin hindi kita sinusundan at ang huli anong sinasabi mo? May gusto ako sayo? Wow ang taas naman ng confidence mo, parang kakikilala lang natin tapos ay gutso na kita? Hahaha sa pagkakaalam ko, maraming babae ata ang nagkakagusto sa akin pero hindi ko pinagyayabang. Don’t get me wrong ha pero paano kita magugustuhan ih hindi ka naman maganda, hindi ka din naman sexy, hindi ka man— aray." sabi niya. Paano ba sinikmuraan ko siya, nakakapanggigil talaga itong lalaki na ito. Anong hindi ako maganda ihh madaming ngang nagsasabi nun sa akin tapos siya lang unang nagsabi sa akin.

“Alam mo kung wala kang sasabihing matino lumayas kana pumasok ka na d'on at baka mapatay pa kita sa inis ko sa iyo. Alam mo ba ikaw lang ang nagsabi sa akin na hindi ako maganda.” Nakikita ko natatawa pa siya kahit hawak niya yung tiyan niya hahaha napalakas ata.

“Pwes tie lang tayo kasi ikaw lang ding babae na nag sabi sa akin na may gusto agad ako sayo dahil nilapitan lang.” natatawang niyang sabi.

“Pumasok kana don baka hindi na ako makapagtimpi” singhal ko sa kaniya.

“Iba ka pala akala ko nung una mahinhin ka, mukha ka palang tigre kapag naiinis ahahhahahahaa” pang asar na natatawang saad niya sa akin.

“ Joke, joke lang hahahhahahhahaha.” Ani niya dahil nakaamba na naman ang mga kamay ko para sikmuraan siya ulit.

“So bakit ka pala nandito? Ayaw mo ba sa loob?” medyo tumigil na siya sa pag tawa.

“Wala kang pakialam.” Sigaw ko.

“ Tskk ang sungit.. nung unang pagkikita natin medyo nihihiya kapang kausapin ako tapos ngayon sinisigaw-sigawan mo na ako.” Nakangiti niyang sabi.

“Sorry ha hindi ko pa po kasi alam na may ganun din pala kayong ugali kung makapanglait akala mo sobrang gwapo.” Pairap kong sabi.

“Bakit hindi ba.” Nakangusong niyang sabi.  SHIT aaminin ko gwapo talaga siya pero lalo atang gwumagwapo kapag ngumunguso siya.

Save Me (Professional Series #1) Where stories live. Discover now