Chapter 3

48 10 7
                                    

Sadako

Kasalukuyan kaming nasa biyahe ni Gail papuntang Fort Bonifacio dito sa Taguig para maging volunteer sa pamamahagi ng relief good sa baha-ampunan. Sabi ni Sister Aila, karamihan sa mga bata doon ay pinili na lamang iwan ng mga magulang dahil daw sa kahirapan ng buhay kaysa makitang magutom ang mga anak nila.

Minsan nga iniisip ko kung paano kaya kung ako ay isa sa mga batang iniwan ng magulang ko? Paniguradong ako’y malulungkot kung lumaki ako ng wala sila, pero hindi ibig sabihin nun ay kailangan mo nang itigil ang takbo ng buhay. Kahit wala ka mang kinalakihang totoong kadugo ay meron namang kumupkop nang buong puso at tinuring kang tunay na kapamilya. Iyan din lagi kong sinasabi sa mga bata doon, madalas kasi kaming mag volunteer at magdonate ni Gail dahil naaawa kami sa mga bata. Nag simula akong pumunta doon sa bahay-ampunan when I was in 2nd year collge na kung saan si Gail ang nagyakag sa akin. In the first place, ayaw ko, but when I saw the faces of the children it made me realize how sad they are when they are asking for their parents. Since then I've decided to join Gail in helping them instead of staying at home.  

Habang nagmamaneho ako ay hindi ko maiwasang isipin ang takbo ng bagay-bagay if hindi ako nagka-leukemia. Probably, hangang ngayon ay nag-e-enjoy ako sa buhay at hindi ko nalang hinhintay ang kamatayan ko. Naalala kopa noong bago ako ma-diagnose na may leukemia noong Grade 10, napansin ko na madalas nanghihina ako, nagiging matamlay, at napansin din ito ng mga magulang ko. Noong una, sabi ko sa kanila pagod lang ako sa school kaya hindi ako nakapagpatingin, pero dumating na yung araw na namumutla na talaga ako. Minsan  para bang wala ng dugo sa katawan ko, tataas yung lagnat at sa pagkakatanda ko ay umabot pa sa panginginig at kombulsyon. Dahil doon ay dinala na ako ng mga magulang ko sa hospital at talagang nakikita ko sa mga mata nila ang pag-aalala nila sa akin.

“Nak huwag kang mag-alala malapit na tayo sa hospital.” Naiiyak na sabi sa akin ni Mama. I don’t know what's happening to me. Napansin ko nung mga nagdaang araw ay lagi akong may sore throat, pagbagsak ng timbang ko, laging din akong pagpawisan tuwing gabi, pananakit na buto at ang pinakamalala pa yung pagdudugo ng ilong ko, sa gilagid, sa ihi at mga red spot sa balat. Lahat ng iyon ay hindi ko lang sinabi sa mga magulanf ko dahil ayaw kong mag-alala sila.
Pagdating namin sa hospital ay sinalubong na kami ng mga nurse at inhiga sa hospital bed at unti-unti na akong nawalan ng malay.

“Doc kumusta po ang anak ko? Bakit po may red spot siya sa katawan niya, at bakit po napansin po namin bigla ang pagiging tamlay niya? Bakit hindi pa po siya nagigising?” naiiyak na tanong ni Mama sa pumasok na Doctor. Hindi ko masyadong narinig ng malinaw kung ano yung tinatanong ni Mama at hindi ko padin maimulat ng tuluyan ang mga mata ko dahil feeling ko ay pagod na pagod ako.

“Ganito yan Mr. and Mrs. Aquino, tatapatin ko na po kayo. Base sa isinagawa naming test sa anak niyo, na-diagnose po namin na mayroon siyang acute lymhocytic leukemia stage one.” Ani ng Doctor.

“ Whaaaaat ? May leukemia ang anak namin? Hindi totoo yan Doc ang healthy healthy ng anak ko paanong nangyari yun?” naiiyak na hindi makapaniwalang sambit ni mama sa Doctor. Kinailangan pa siyang alalayan ni Papa dahil halos matumba siya sa takot at kaba.

“ Opo, kaya kung mapapansin niyo ang anak niyo ay matamlay, may mga red spot sa bala niya na tinawatag na petechiae, at iba pang mga sintomas na satingin ko ay hindi sinasabi sa inyo ng anak niyo. Ang acute lymphocytic leukemia ay mabilis lumalala ang uri nito dahil ang mga abnormal blood cells ay immature. At itong sakit na ito ay namamana. Meron po bang isa sa miyembro ng pamilya niyo ang may cancer?” seryosong tanong ng Doctor.

“ Meron po, ang nanay ko po ay may breast cancer.” Seryosong saad ni Papa.

“Bali kailagan po ng anak niyo na mag undergo ng pag papa-chemotheraphy para patayin ang leukemia cells. Tapatin ko na po kayo, maliit ang chance na makasurvive ang anak niyo pero kung tatagan ng anak niyo at ganun din kayo para malaban niyo ang sakit ng anak  niyo.” Seryosong paliwanag ng Doctor. Kaya simula nung nailabas na ako sa hospital ay nag-leave muna si Mama para alagaan ako habang si Papa naman ay nagtatrabaho sa kompanya namin. Simula din ng araw na yun tinanggap ko na malapit na akong mamatay.

Save Me (Professional Series #1) Where stories live. Discover now