Chapter 7

33 6 0
                                    

Kiss

Haysss .. Ang sakit pa ng ulo ko at inaantok pa ako dahil kagabi kaso naalala ko Sunday nga pala ngayon at kami ay sisimba. This is the day na kung saan kumpleto kami at nakakapagbonding kami ng mag kakasama usually kasi they don’t have time na makapag usap man Lang kami every weekdays kasi halos hating gabi na sila umuwi galing sa kompanya namin nakakausap ko Lang sila kapag may nararamdaman akong kakaiba.

Habang nag mimisa si Father naalala ko yung nangyari kagabi na kung saan narinig ni Doc Karl yung sinabi ko toward him. Jusko isa pa yun tuloy ang iniisip ko hayssss. Bat ba ako naguguilty di ba crush ko lang naman siya kaya okay lang yun besides may girlfriend na siya kaya bat siya magagalit pero iba talaga ang kutob ko kahapon parang hindi niya talaga gusto yung narinig kagabi.

“Minsan sa Buhay ng isang tao hindi natin maiiwasan na magkaroon ng isang pinaka malaking problema satin na magpapatibay sa atin ng pananampalataya sa Panginoon. I had male friend actually nandito siya.” Tinuro ni Father yung lalaking siguro mga 30 years old na nakaupo sa unahan.

“He was leukemia survivor.” Bangit ni Father na nagpatigil sa tibok ng puso ko.

“Naalala ko when the day na sinabi niya sa akin na may leukemia stage 1 siya and ang sabi niya sa akin baka mamamatay na daw siya since wala naman talagang gamot sa cancer. Naalala ko pa nga na hindi niya iniinda ang kaniyang sakit bagkus binuhos niya ang mga oras sa pamilya niya, kaibigan at sa ibang bagay dahil sabi niya habang nabubuhay daw siya ay gusto niya gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa kaniya at sa mga taong nagmamahal sa kaniya. Pero alam niyo ba ang sabi ko sa kaniya manalig ka sa Panginoon dahil kahit mayroon kang malubhang sakit ay hindi iyan ang magdidikta kung kailan ka mamatay dahil tanging ang Panginoon lang makakapag sabi kung kailan niya tayo kukunin.” Nakangiting bangit ni Father. Naramdaman ko din na nakatingin sa aking mga magulang ko pero nakatutok lang ako kay Father.

“So, simula noong araw na sinabi kong magtiwala lang sa Panginoon at siya ay gagaling. Siya ay laging sumisimba, nagdarasal, sinabayan din ang pagkakaroon ng healthy lifestyle para makatulong sa kaniyang katawan at pag papa chemotheraphy. Then, one day pumunta siya sa akin na umiiyak noong una ay natatakot ako kung ano ang sabihin niya pero laking tuwa ko at halos maiyak din ako nung sinabi niya sa akin na wala na siyang leukemia.”emosyonal na bangit ni Father.

“Isa lang ang nais ko sabihin sa lahat na huwag tayo mawalan ng pag asa hangat kasama natin ang Panginoon walang impossible sa kaniya kung satingin niyo hindi niyo na kaya lumapit kayo sa Panginoon at kausapin niyo kung ano ang inyong nais sabihin sa kaniya dahil nakikinig ang Panginoon sa lahat ng ating dasal. Kaya ikaw kung sino ka man tandaan mo kasama mo ang Panginoon ayan huwag mong kalimutan.” Nakangiting sabi ni Father.

Napatingin ako sa banda nina Mama at Papa alam ko masaya sila sa narinig nila kay Father dahil ayun din ang sinasabi nila sa akin na gagaling ako dahil kasama ko ang Panginoon at huwag daw ako mawalan ng pag –asa. Niyakap ko sina Mama at Papa dahil naiiyak na ako na sana isa rin ako sa makasurvive sa sakit na ito dahil ayaw ko pang iwan sina Mama at Papa marami pa akong gusto gawin kasama sila.

“Kaya mo yan honey tandaan  mo lagi lang kami nandito ng Papa mo para sayo at sabay sabay natin malalagpasan ito.” Naiiyak na bangit ni Mama.

“Tama Andrea kaya mo yan dahil ang laban mo ay laban din namin kaya sana huwag kang sumuko dahil kami ng mama mo ay hindi rin susuko gumaling ka lang.”medyo naluluhang sabi ni Papa.

“Opo Papa at Mama promise po lalabanan ko po itong sakit para po sa inyo.” Bangit ko sakanila habang pinupunasan ko ang luha ko.
Ilang minuto ang lumipas at natapos na misa pero bago kami umalis sa pwesto ay may tinignan si Mama sa may kabila ng upuan.

Save Me (Professional Series #1) Kde žijí příběhy. Začni objevovat