Chapter 27

412 29 0
                                    

Di namin akalain na ganito pala karami ang dadalo, muntik na nga kaming maubosan ng ticket. Kanina ko pa din hinihintay sila Zero. Bat kaya sila natagalan?

"Kyla alis na muna ako" paalam ko sa kanila. Tumango ito. Naiihi na kasi ako kaya naman nila yun.

"San ka pupunta Skynie?" tanong ni Eon habang papalapit sa akin. Namamangha parin ako sa mukha niya, diko kasi alam na may ganitong side pala siya. Pabiro kasi tung lalaking tuh, diko akalaing kahit minsan magiging ganito siya ka seryoso.

"Cr muna ako" sagot ko. Agad naman akong umalis. Pero paglingon ko nakasunod pala siya sa akin.

"Cr ka din?" Tanong ko. Tumango lang siya.
"Di nga, tigilan mo ako Eon alam kong inutusan ka na naman ni Zero na bantayan ako. Para naman akong bata niyan" sabi ko sa kanya. Napakamot siya sa noo niya, mukhang tama yung hinala ko.

"Hindi naman sa inutusan ako ni Zero, ayaw ko lang talagang hayaan kang mag isa alam mo naman andaming dayo dito baka pagtripan ka." paliwanag niya sa akin.
"Sige pasok ka na, dito lang ako sa labas" dagdag na niya. Tumango nalang ako. Tama nga siya baka pagtripan ako. Pagkatapos kong umihi ay tiningnan ko na muna yung mukha ko.

Pagkalabas ko ay nadatnan kong may kausap si Eon na babae. Tapos mukhang nahiya ito  sa pagdating ko at nagpaalam nalang ito kay Eon.

"Sino yun?" Tanong ko.

"Ahh yun, may tinanong lang" sagot niya.
Natigilan kami ng may narinig kaming nagsisigawan.

"Ano yun?" tanong ko.

"Baka may nagkakagulo, tara Skynie puntahan natin" yaya niya sa akin, baka nga.

"Kyla anong nagyayari dito?" Agad kong tanong nung makarating kami sa gate.

"Hindi po makakapasok sila Zero, pinagkakaguluhan sila ng mga babae" sagot niya.

"Pinagkakaguluhan?" Tanong ko ulit baka mali lang ako ng rinig.

"Oo, mukhang taga ibang school po yung nanggugulo" paliwanag ni Kyla. Kaya pala, hindi naman kasi ganyan umasta yung mga students dito.

Lumapit ako sa mga babaeng nagsisigawan.

"TUMAHIMIK KAYO!" napalingon sila sa sigaw ko. Pinandilatan ko silang lahat.
"MAKIKINIG KAYO O KUKUNIN NAMIN ANG MGA TICKET NIYO!" sigaw ko naman, nakita kong ang iba ay nagtakip ng tianga. Mukhang mapapaos ako nito.
"Padaan" mukhang natakot naman sila sa  sinabi ko dahil pinadaan nila ako. Lumuwag na yung daan. Agad kong hinanap sina Zero. Nasan na ba sila?

"Hey" napalingon ako sa nagsalita. Isa isa ko silang tiningnan mula ulo hanggang paa. Ngayon alam ko na kung bakit sila pinagkakaguluhan.
Lumapit ako sa kanila

"Kaya pa....

"Val your beautiful" singit ni Zero, umiinit yung mukha ko sa sinabi niya Papagalitan ko sana sila pero wag nalang.

"Woaahh mukhang ako nalang yung kulang" masiglang sabi ni Eon at tumabi siya kina Zero. Tama nga siya, siya nalang talaga ang kulang. Exo din kasi ang ginaya nila Zero. Sa pagkakaalam ko sa Obssesion ito. Zero as Sehun, Liam as Kai, Kris as Suho, Vance as Chanyeol at  Aston as Chen.

Natauhan ako ng may kumalabit sa akin.

"Pres naubos na yung ticket isasara naba natin ang gate?" Tanong ni Kyla. Tumango lang ako. Agad naman kaming pumasok sa campus.

"Liam sigurado ka ba sa suot mo?" Natawa silang lahat sa tanong ko, eh kasi naman naka off shoulder kasi siya.

"Bakit di ba bagay sa akin?" Tanong niya.

"Bagay naman" nakahinga siya sa sagot ko.

"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong ko kay Zero.

"Nag agawan pa kasi sina Vance at Liam kay Chanyeol" sagot niya. Para talagang mga bata.
"Pinaghintay ba kita?" pabirong tanong niya.

"Hindi naman, busy di naman ako" napangiti siya sa sagot ko.

"May dala kang cardigan?" tanong niya sa akin, malapit na din kasing gumabe medyu malamig naka tube pa naman ako. Tumango lang ako sa tanong niya.

"Pasok tayo dun" hinila ko siya papunta sa booth namin. Dahil sa alam niyang mahilig ako sa horror ay hindi na siya umayaw pa.

Hawak kamay kaming pumasok sa loob, ang galing ng pagkakagawa ng booth namin. Kung matatatakotin lang ako siguro kanina pa ako natakot.

Nasa kalagitnan na kami ng may biglang humawak sa balikat ako, umatras ako upang makabitiw siya sa pagkakahawak sa akin at mukhang hindi iyun napansin ni Zero. Pero imbes na bitawan niya ako ay lalo pa siya kumapit sa akin hanggang sa umabot na yung kamay niya sa suot kong tube.

"Ano ba bitawan mo nga ako" napasigaw ako. Para kasing sinasadya niya, manyak ata tuh. Naalarma si Zero at agad naman hinawakan yung kamay ng lalaki.

"Hey bro hands off" diniinan ni Zero ang pagkakahawak sa lalaki kaya ito nakabitiw. Napunit tuloy ng kunti yung tube ko, agad naman itong napansin ni Zero kaya sinubsob niya ako sa dibdib niya para hindi makita nung lalaki. Hindi parin binitiwan ni Zero yung kamay ng lalaki at kanina pa tuh gusto tumakbo. Habang yakap ako ni Zero sa isang kamay ni ay nagawa niya paring tawagan sina Eon.

"Zup dude, may problema ba?" rinig kong sabi ni Eon.

"Pumasok kayo dito sa horror booth, may nangbastos kay Sky" sagot ni Zero.

"Tang*na!" rinig kong mura ni Liam.

"Okay papunta na kami diyan, hooy teka hintayin niyo ako. Cge bro" nagmamadaling sabi ni Eon.

Nagulat ako ng mabitawan ni Zero yung lalaki, hinampas pala siya ng kahoy. Agad naman itong tumakbo palabas. Hahabulin pa sana ni Zero pero pinigilan ko siya. Halatang alam ni Zero na hindi na ako komportable sa suot ko ngayon. Mukhang kita na yung dibdib ko.

"Nasira ata yung tube ko" taranta kong sabi.

"Tarantado kasi yung lalaking yun" galit na sabi ni Zero, naalarma ako ng bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin. Nahihiya kasi akong makita niya yung dibdib ko.

"Relax, huhubarin ko lang tung suot ko para pangtakip mo" sabi niya, panay iwas siya ng tingin sa akin.
"I'm sorry diko sinasadyang makita" paghingi niya ng tawad, sigurado akong nakita niya yun kanina. Uminit tuloy yung mukha ko sa hiya. Matapos niyang mahubad yung damit ay nakapikit siyang inabot sa akin ito.

"Isuot mo" utos niya, agad ko naman itong kinuha.

"Bro hawak na namin yung lalaki" nagulat ako sa pagdating nina Eon, kaya sinubsob na naman ako ni Zero sa katawan niya.

"Lumabas kayo!? sigaw ni Zero.

"Hala bat ka nakahubad? Anong ginagawa niyo?" tanong ni Vance.

"SABING LABAS!" nilakasan na tuloy ni Zero yung boses niya. Agad namang nagsilabasan silang lahat.

"Nadisturbo ata natin sila" rinig naming sabi ni Eon.

"Eon narinig kita" diing sabi ni Zero.

Pinatalikod ko nalang si Zero upang maisuot ko na yung damit niya.

"Okay na, tapos pano ka malamig pa naman" pag aalalang sabi ko.

"Kunin mo nalang yung cardigan mo para yung nalang yung suotin mo. Tara na" sagot niya sabay hila sa akin. Pinigilan ko siya.

"Teka nga patingin sa braso mo" agad ko namang sinuri yung braso niya, nasugat pala siya kanina sa ginawang pagpalo ng lalaki.
"Don't mind it, di naman masakit" sabi niya.

"Masakit man o hindi kailangan parin yang gamutin" sabi ko.

"Wag na" pagmamatigas niyang sabi. Pinandilatan ko siya, kaya tumango nlng siya.

"By the way thank you Val" malambing kong sabi.

"Don't mention it, its my job" masayang sabi niya sabay pisil sa ilong ko.

Officially His Property [COMPLETED]Where stories live. Discover now