Chapter 25

477 24 2
                                    

Sinabi ko na lahat kay Zero, at may importante ng impormasyong binigay si Aliasa sa amin. Kaya sa sabado na namin pupuntahan yung sinabi niyang lugar. Abala na kasi kami sa preparation para sa Halloween party namin, bukas na kasi yun.

Ang bawat courses ay may iba't ibang booth. Horror house yung sa amin. Sa sobrang busy ay nakalimutan na naming kumain. Kanina pa nga ako niyaya ni Eon at Kyla na kumain na pero hindi parin ako pumapayag.

"Mauna na kayo, susunod ako" sabi ko sa kanila, pero mukhang wala silang narinig dahil hindi parin sila lumalabas.
"Sige na Eon kumain na kayo" tumango lang si Kyla, pero si Eon nakasimangot paring nakatingin sa akin.

"Skynie tara na kasi" yaya na naman niya. Humarap ako sa kanya.

"Ano bang sabi ko? Diba hindi niyo na ako pwedeng hintayin pa. Di naman yun magagalit si Zero" paalala ko sa kanya.

"Hinihintay ka naming kumain noon hindi dahil natatakot kaming pagalitan ni Zero, kundi dahil nasanay na kaming lagi kang kasamang kumakain." Natigilan ako sa sinabi ni Eon. Malungkot siyang tumalikod at nagsimula ng maglakad palabas ng office.

Naalala ko na tuloy nung hindi ko pa sila close noon, halos hindi sila kumakain dahil naadik silang lahat sa ML. Kaya nung naging kami ni Zero ay pinapagalitan ko sila pag hindi sila kumakain, at minsan nalang din sila naglalaro.

Hindi alam ni Eon na kanina pa pala ako naka sunod sa kanya. Nakokonsenya kasi ako sa pagtanggi sa kanya.
Pagpasok namin sa cafeteria ay nadatnan namin sina Liam, at mukhang tapos na silang kumain. Wala si Zero dahil may pinuntahan sila ng Mom niya at mamaya pa yun makakabalik. Napansin ako ni Aston kaya agad siyang kumaway sa akin. Habang si Eon ay nandun na sa counter.

"Skynie ako ng mag oorder sayo" sabi ni Aston at tumango nalang ako.

"Akala namin tapos na kayong kumain" sabi ni Liam.

"Ayaw pa kasi niyang kumain, nahihiya kasi kaming iwan siyang mag isa" sabi ni Eon na kararating lang. Grabe ang dami ng pagkain niya, talagang gutom siya.

"Andami naman ng binili mo" sabi ko sa kanya.

"Sayo tung iba" sagot niya.

"Huh? Binilhan na ako ni Aston" paliwanag ko sa kanya. Nakangangang nakatingin sa akin si Eon.

"Ano? Sana sinabi mo. Nag sayang tuloy ako ng pera" reklamo niya sa akin. Ito talagang si Eon napakakuripot eh ang yaman naman nila.

Sino bang maghihirap kung ang lahat ng mga angkan mo ay mga lawyers. Swerte nga siya at hinayaan siya ng mga magulang niya na hindi law yung kunin niya. Spoiled kasi si Eon, sa angkan nila siya lang yung nag iisang apo na lalaki. Kaya minsan para siyang bakla. Kaya nga nagkakasundo kami kasi malapit siya sa mga babae.

"Tulungan mo akong ubosin tuh Skynie" pagmamakaawa niya.

"Sige na...."

"No Val you don't have to, hindi healthy mga pagkain niya." agad akong napalingon sa likod. Akala ko ba mamaya pa siya makakabalik.

"Hai Val, kumain ka na?" agad kong tanong.

"Oo, continue eating" sabi niya, lumipat si Aston sa kabilang upuan para magkatabi kami ni Zero.

Pansin ko kanina pa walang imik sina Vance, Liam at Kris. Panay gamit sila ng mga phones nila. Naglalaro na naman tuh sigurado.

"Naglalaro na naman kayo nuh" napatingin sila sa akin, agad ding umiwas.

"Hindi" sabay nilang sagot. Ang malikot na si Eon ay agad ding hinablot yung phone ni Vance.

"Give me my phone" reklamo ni Vance.

"Sino to?" Tanong ni Eon habang paharap na pinakita ang litrato ng isang magandang babae. Nasa lockscreen pa niya nakalagay. Dali dali namang hinablot ni Vance ang phone niya.

"Wala yun" palusot ni Vance. Lahat kami nakatitig sa kanya, hindi bumenta yung palusot niya.

"girlfriend mo ba yun Vance?" masigla kong tanong, tapos nadin kasi akong kumain. Inabotan ako ni Zero ng tubig.
Matagal pa bago makasagot si Vance sa tanong ko.

"Diba siya yung first love mo?" Nagulat ako sa tanong ni Liam sa kanya. May first love na pala si Vance, bat parang ako lang yung walang alam. Maingay kasing tao si Vance tapos friendly pero never ko pa siyang nakikitang may kasamang babaeng except for me.

"Oo tama naalala ko na, yung iniyakan mo. Si Amarah yung personal tutor mo since high school" sabi naman ni Eon. Tutor? So mas matanda pa sa kanya.

"Kayo na ba bro?" tanong ni Zero. Wala paring sagot si Vance.

"Oo o hindi, simpleng sagot di mo pa masabi" reklamo ni Kris, si Kris minsan lang nagsasalita pero lagi nalang seryoso.

"Hindi pa" sa wakas sumagot na din si Vance.

"Hindi pa so nililigawan mo pa lang?" Tanong ko. Tumango lang si Vance.

"Pare ilang beses ka na niyang nereject tapos ngayon susubok ka na naman?" Sabi ni Liam. Sa kanilang lahat siya talaga ang pinaka bitter, hindi naman dahil sa nasaktan na siya noon. Sadyang bitter lang siya with no reason. Tinatanong nga namin siya minsan kung may nagugustuhan ba siyang babae, laging sagot niya ay 'wala akong panahon sa mga ganyan.'

"Hayaan mo na bro, uso naman yan ngayon mga marurupok" natatawang sabi ni Eon kaya ayan tuloy nasapak siya ni Kris.

"Umayos ka" saway ni Kris.

"Akala ko ba nasa Washington siya" sabi pa ni Aston.

"Kakauwi pa niya nung isang araw, sa amin nga siya nag dinner kagabe." malungkot niyang sagot.

"Ooh dapat masaya ka dahil bumalik na siya" sabi ko.

"Tulad nung una ayaw niya paring ligawan ko siya." Sagot niya.

"Sabi ko na, hayaan mo na siya dude. Wala na talaga yang pag-asa" nag salita na naman ang bitter.

"Huli na to" mahinang sabi ni Vance.

*****
Hinatid ako ni Zero sa bahay kaya habang nasa biyahe kami ay panay tanong ako tungkol sa mga love life nila Aston. Sa kanilang lahat si Aston pala yung may long time girlfriend noon. Nagkahiwalay lang sila dahil umuwi ng probinsya yung babae. Hindi daw nila nakayaan yung long distance relationship kaya minabuting tapusin nalang. Sa pagkaka alam ni Zero di parin naka move on si Aston. Hindi na ako nag tanong pa kay Eon kasi alam ko namang hindi pa yun na inlove. Sanay kasi yun sa mga babae kaya never siyang nagkakagusto. Magaganda kasi yung pinsan at kapatid niya.

"How about Kris? May naging girlfriend naba siya?" Tanong ko.

"Wala pa pero may babaeng mahal siya" hindi ako makapaniwala sa sagot ni Zero. Si Kris inlove? Parang wala nga siyang pakialam sa mundo.

"Kilala ko ba?" Tanong ko.

"Hindi, sa litrato ko nga lang nakita. Pero sa pag kakaalam ko pinsan niya yung babae" sobra akong nagulat sa sinabi ni Zero. Sa lahat lahat ng pwedeng magustuhan ni Kris bakit yung pinsan pa niya. Kawawa naman siya.

"Si Liam bat ang bitter niya?" natatawang tanong ko.

"Ewan ko diyan wala naman siyang nabanggit na may nagugustuhan siya. Hindi rin naman yun nag ka girlfriend. Pero pag minsan nalalasing siya may palagi siyang sinasabing pangalan. Nalilito nga kami kung babae ba yun o lalaki." natatawang sagot niya.

"Ano bang pangalan?" Agad kong tanong.

"Z"

Officially His Property [COMPLETED]Where stories live. Discover now