Chapter 21

515 27 0
                                    

Maaga akong nagising sa kadahalinang diko alam. Sa sobrang aga mukhang ako pa ata yung gising. Kaya naligo ako ng matagal kaya 6:30 na ako nakababa. Pagbukas ng elevator ay may narinig akong pamilyar na boses. Kaya agad akong pumunta sa kitchen, napalingon silang lahat sa akin.

"Sweetie come here, join us" tawag ni Mom sa akin. Ano kayang mero bakit sabay kaming magbebreakfast. Usually kasi tulog pa ngayon sila Kuya.

"Good morning" isa-isa ko silang hinalikan sa pisngi.

"Did you find it?" napalingon ako sa tanong ni Mom. Akala ko ako yung tinatanong niya.

"Yes Tita, Good morning Val" muntik na akong mabilaukan, kaya agad akong inabutan ng tubig ni Kuya Slight at Kuya Light. Kaya pala may pamilyar na boses si Zero pala yun.

Bakit ba niya ako tinatawag na Val nakakahiya kaya nandito sila Mom. Umupo siya sa tabi ko at ngumiti.

"good morning" mahina kong sabi.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kami sa kanila pero medyu natagalan kami sa paulit ulit na paalala nila Kuya na dapat raw mag ingat si Zero sa pagmamaneho.

" Queen don't forget your seat belt" huling paalala ni Kuya Slight. Napansin kong pinipigilan ni Zero ang matawa. May naalala naman tuh, hayys kung alam lang nila Kuya kung anong meron sa seat belt na yan.

Hindi na mapigilan ni Zero yung tawa niya nung makapasok na kami sa kotse. Timang talaga.

"Val tara na baka malate pa tayo." awat ko sa kanya. Agad naman siyang nakinig at ni lock na niya yung seat belt ko. Pero ang loko lumapit pa sa akin kaya hinalikan ko nalang siya sa pisngi. Natigilan siya sa ginawa ko.

Umupo na siya ng maayos, napansin kong namula siya. Si Zero kasi yung taong pag hinalikan mo ng una ay talagang mamumula ito. And I find it cute.

Habang palapit kami sa University ay mas lalo akong kinakabahan. This is our first time na magkasama in public, tapos alam na nilang lahat siguradong pagtitinginan kami nila.

Mukhang napansin ni Zero yung kaba ko dahil hinawakan niya yung kamay ko.

"relax Val" nag nod nalang ako sa sinabi niya. Nang makarating kami sa campus ay pinagbuksan niya ako at hinawakan yung kamay ko.
"let's go" sabi niya at nagsimula na kaming maglakad.

"SKYNIE!" parang batang sigaw ni Eon, kasama niya sila Aston. Kaya marami ang napalingon. Ang tahimik at mahiyaing si Kris ay nauna nang maglakad sa amin.

"Good morning" agad nilang bati sa amin. Tapos natawa pa nga kami ng bumalik si Kris para lang batiin kami.
Natawa tuloy yung kaba ko ng dahil sa kanila.

I'm so happy, sana ganito lang kami palagi yung walang problema.

Pagpasok ko sa room ay maraming ang bumati sa akin, kahit ramdam kong maraming plastic dito. Maraming nag tanong pero amg lahat ng yun ay diko sinagot, nag dahilan nalang ako na nandiyan na yung prof. namin.

Lunch break na at kaina pa text ng text si Zero kung bakit ang tagal ko raw. Mukhang hindi siya ang sumundo sa akin baka si Eon.

"Bat ang tagal mo?" mahinahong tanong niya. Hindi agad ako makasagot, nasanay kasi akong si Eon yung nag aantay sa akin sa labas ng classroom tapos ngayon si Zero na.

Hindi ko alam kong anong nagtulak sa akin kong bakit ko siya niyakap. Nagulat nga si Zero sa ginawa ko.

"Hey whats wrong? " tanong niya.

"Nothing, I'm just happy. Thank you Val" humiwalay ako ng yakap nakita kong namula yung tainga niya. Ang cute. Magsasalita pa sana ako ng biglang tumunog yung tiyan ko.

"Tara na" agad na akong niyaya ni Zero na kumain.

Marami ang lumingon sa amin pagpasok palang namin sa cafeteria. Alam kong ngayon lang tuh, pati sila naninibago din masasanay rin sila. Nakita kong hawak na ni Vance at Liam ang fried chicken nila.

"Bro bat ang tagal niyo, kanina pa kami nagugutom" reklamo ni Vance. Pinaupo ako ni Zero at pinakain.

"kanina pa kaya nila Vance inaamoy yang pagkain nila" natatawang sabi ni Eon. Pinandilatan siya ng mata nila Vance.

"at least inamoy lang ikaw kumain na" namutla si Eon sa sinabi ni Kris.

"napansin mo yun?" tanong ni Eon nag nod lang si Kris.

"bat ngayon mo lang yan sinabi dude, ang daya naisahan tayo" sabi ni Liam sabay subo. Halatang gutom na din sila.

"ang da**" di ko na maintindahan yung sinabi ni Vance, dahil puno yung bibig niya habang nagsasalita.

"Tumahimik na nga kayo" saway ni Zero sa kanila.
"ikaw kumain ka na, kanina ka pa tingin ng tingin sa kanila ikaw pa yung gutom tapos di ka kumakain ng maayos diyan" yan tuloy napagalitan ako. Wala na tuloy nagsalita sa amin. Binigyan ako ni Aston ng tubig at nagpasalamat nalang ako.

Napansin kong ako lang yung may tubig sa amin, tapos softdrinks yung sa kanila. Ang daya, utos na naman tuh ni Zero. Ayaw nilang magkasakit ako tapos sila walang pakialam sa mga sarili nila.

Nagtaka sila ng tumayo ako at kinuha yung mga inumin nila. Pinigilan ni Zero yung kamay ko.

"what are you doing?" tanong niya.

"kung ayaw niyong magkasakit ako, ayaw ko ring magkasakit kayo kaya wala na munang iinom ng softdrinks ngayon at pwede ba pag nagugutom na kayo mauna na kayong kumain wag niyo na akong antayin" deretsu kung sabi. Binitiwan na ako ni Zero, tumayo siya at pumunta sa counter.

Pagbalik niya ay may dala na siyang tubig at isa isang binigay sa kanila Eon. Nakasimangot si Eon, Vance at Liam habang kinuha yung tubig.

Pagkatapos naming kumain ay hindi na ako hinatid ni Zero dahil andyan naman si Eon, may gagawin pa kasi kami ngayon. Pareho kasi kaming lahat na may vacant. Gusto pa ngang nilang sumama sa amin pero pinigilan sila ni Zero baka daw madisturbo kami ni Eon.

Sorbang andaming nangyari sa araw na tuh, at sorbang ko ring saya. Hinatid ako ni Zero sa bahay hindi na siya pumasok dahil wala pa sila Mom baka kung ano raw isipin nila.
Dahil sa wala akong magawa ay inayos ko nalang yung mga gamit ko sa table. Nakita ko yung notebook ni Aliasa, ang tagal na nito di ko pa pala tuh nasauli.

Dahil sa na curious ako ay binuksan ko yung notebook at nagsisisi na ako ngayon kung bakit ko pa yun binuksan. Hindi tuloy ako makatulog, hanggang ngayon naguguluhan parin ako sa nakita ko.

Officially His Property [COMPLETED]Where stories live. Discover now