Bakit ba kasi kailangan nandun ako? Required ba talagang pumunta? Ano ba siya? Presidente ng Pilipinas? Tch napaka arte naman! Bakit kasi may pa- party pa.

Si mama nga bumili pa ng bago kong dress na isusuot daw, wow ano yun? Debut? Gastos lang yun e! Buti sana kung friend ko manlang yun. Edi sana mas excited pa ako kesa sa kanya.

"Wag kang mag-alala kinansel ko na ang lakad ko sa araw na yun"

Ngumiti naman siya na parang nagsasabing 'mabuti naman'.
Worried siguro siya na tatakas ako, ha! Mag alala talaga siya. Ayoko pa naman ng maraming tao.

Binabalak ko na talagang hindi pumunta pero si mama kasi laging pinapaalala sa akin na nakabili siya ng dress ko. Ayaw ko naman masayang effort niya sa pagbili kaya sige na nga, kahit ayoko ay pupunta ako.

"Kailangan ko pa ba kasing pumunta?" Nagbabakasakaling tanong ko. Tinignan naman ako ni Kuya at nangunot ang noo niya.

Oo na! Edi pupunta!

"Ayaw mo ba siyang makilala?"

Ayoko.

"Gusto"

Sumandal siya sa head rest ng kama ko at tumingin sa harapan. Ginaya ko din naman siya.

"She's expecting you to be there"

Hindi ako nagsalita. Siguro alam na niya na may kapatid si Kuya, malamang!  Baka alam na din niya na ipapakilala ni siya ni Kuya sa amin sa birthday niya. Hindi na ako magtataka.

"Ems please sana wag mo muna siyang husgahan. Mabait siyang babae, magkakasundo kayo"

Hinuhusgahan ko ba siya? Hindi naman ah! Wala naman akong sinasabi.

Hindi kami magkakasundo Kuya. Alam ko napaka immature ko pero ayoko talaga. Kahit mabait pa siya. Hindi ko kayang maging mabait sa babaeng alam kong karibal ni Kelly. Hindi man gusto ni Kuya si Kelly ay nandun padin kay Kelly ang boto ko. Hanggat alam kong patuloy na masasaktan si Kelly kay Kuya ay hinding hindi ako makikipagkasundo kay Arianna. Pero hindi ibig sabihin nun na aawayin ko si Arianna, siguro hindi lang kami ganoong magiging close.

"Hindi magiging madali yun" pag amin ko ng totoo. Mukhang naintindihan naman ako ni Kuya.

"dahil kay Kelly?" Tanong niya.

Tumango ako. Buti naman aware ka Kuya. Mahal ko si Kelly, alam kong alam ni Kuya yun.

"Bakit hindi mo siya kayang magustuhan?"

Umiwas siya ng tingin ay bumuntong hininga. Bakit Kuya? Hindi ba pasok si Kelly sa mga tipo mo? Ano pa bang kulang sa kanya?

"Ems" pagsasalita niya pero hindi tinuloy ang sinabi. May gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya. Hindi siya makatingin sa mga mata ko. Para siyang nahihirapan.

"Bakit Kuya?"

Gusto kong malaman kung ano yun. Ginulo naman niya ang buhok niya na parang stress na stress siya.

"Hindi pwede Ems"

Bakit hindi pwede? Dahil mas bata ng isang taon si Kelly sa kanya? Isang taon lang yun! Dahil ba isip bata magisip si Kelly? Langya hindi ko alam.

"Bakit nga hindi pwede? Dahil may girlfriend ka na?" Tanong ko pa din at mukhang naiinis na siya. Hindi ko alam kung sa akin ba o sa sarili niya.

"Oo. Kaya pwede ba Ems wag mo ng ipagpilitan si Kelly sa akin. Mahal ko si Arianna at kailangan mong tanggapin iyon sa ayaw at sa gusto mo. Hindi ikaw ang magdidisisyon para sa sarili kong nararamdaman Ems. Dapat alam mo yan!"

A Crystal of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon