Chapter 28

348 26 0
                                    

                      Long time




1 year passed....

"Zet?"

Gulat akong napabaling sa gilid ko nu'ng may humawak sa balikat ko.

Nagpakawala ako ng ngiti nu'ng si Jaysie lang pala 'yon. Nilapag nito sa lamesa ang umuusok pa na chicken soup.

Dinampi nito ang palad sa leeg at noo ko at napailing. "You're still hot. Sino ba'ng may sabing magpaulan ka kagabi?" Pagsusuplado niya at sinimulan ng ihipan ang mainit na soup at maingat na sinubo sakin

Nilunok ko muna 'yon. "Ang ganda kasi ng langit kagabi tyaka namiss ko na maligo sa ulan." At nagpakawala ng tawa dahil parang napaos din ako

He tsked. "Bakit namiss kaba ng ulan?"

Napangiwi ako. Matagal na kaming magkasama pero parang hindi nababawasan kasungitan niya.

Inagaw ko sa kanya yung isusubo na sana niya sakin at ako ang sumubo no'n sa sarili ko. "Umalis kana nga, kaya ko na sarili ko."

Pagak siyang natawa. "I won't leave you."

Yumuko ako at tumitig sa soup na iniikot ikot ko lang gamit ang kutsara. "Wala naman mangyayare sakin, kaya alis kana." Pilit ko pa at sumubo ulit

"Pagkatapos mo'ng mag 50/50? Ayoko mapahamak ka nanaman." Malamig na usal niya

"K-Kasalanan ko naman..." pabulong na sabi ko

"Your dad is a psycho at hindi na magbabago 'yon."

Muntik na ako mapatay ng tatay ko pagkatapos ko'ng malaman mula sakanya na siya ang nanuod babuyin si Chaser.

Pinatay niya ang mama ko dahil natatakot siya na malaman na isa siya doon at takot lang siya madamay kami kaya pinatay niya si mama.

Nabaliw siya dahil doon.

"Do you heard news about Chaser?"

Napalingon ako sakanya. "What about him?"

Ngumisi ito. "Just kidding. Natulala ka nanaman kase, iniisip mo nanaman siya?"

Napaiwas agad ako ng tingin. "H-Hindi! Si papa ang iniisip ko."

"Bakit mo pa iniisip 'yon? Hindi ka nga niya iniisip."

Napairap ako. "Edi hindi iniisip! Sabing umalis kana eh!" Padabog akong tumayo at hinila siya patayo

"Alright, doon nalang muna ako sa kwarto ng papa mo. Hindi kita guguluhin basta pag lalabas ka magsasabi ka okay? I'll come with you." Sabay pitik ng noo ko

Napangiwi ako sa pitik sa noo at hinipo hipo ito habang naglalakad papunta sa kwarto ko.

Pagkapasok ko napunta agad ang atensyon ko sa maliit na picture frame sa maliit na table ko.

Napangiti ako. Naglakad ako papunta doon at umupo sa gilid ng kama.

Kinuha ko ang frame at nilagay sa hita ko. Napatitig ako sa dalawang tao na nasa frame.

Nakangiti si Louie habang si Chaser seryoso lang ang mukha habang karga karga si Louie.

"Sorry..." kagat labing usal ko dahil nararamdaman ko na ang luha ko

Niyakap ko ang picture frame at basta nalang hiniga ang katawan sa kama ko.

Kamusta na kaya sila?

...

"Zet...bumangon kana dyan.."

Napaungot ako dahil sa pagalog sakin. "Kuya..." nakapikit na tawag ko

I'm Inlove With A CriminalWhere stories live. Discover now