Chapter 15

361 48 13
                                    

Pamilya






"Sige na Kuya sama na kami ni Louie, hindi kami magpapasaway promise!" Nagpuppy eyes pa ako at niyakap ang binti ginaya ko lang naman si Louie na nakayakap din sa kabilang binti niya

Bumuntong hininga to. "Hindi nga pwede Suzette! Pupunta kami sa batangas dahil sa trabaho hindi sa dagat!" Pilit niyang hinakbang paa niya pero mas lalo ko'ng niyakap ang sarili ko doon

"PLEASE KUYAAAAAAA"

"WAAAAHHHH SAMA SAMA!"

Sabay na sigaw namin ni Louie.

"Your voice is irritating! What's your problem?!"

Sumilip ako sa likuran ni Kuya nu'ng may sumigaw doon. Dali dali akong tumakbo papunta doon nu'ng nakita ko'ng si Chaser 'yon.

Sabay kaming yumakap ni Louie sa binti niya kaya mas lalo siyang nainis.

"Chaser sama kami! Hindi kami magpapasaway please!" Nagangat tingin ako sa kanya

"Opo di pasaway!" Dagdag ni Louie

"There is nothing to do at batangas." Mariin na sabi nito

Lumabi ako. "Sige na kasi! Nababagot na kami dito sa loob ng bahay eh."

"Sige na po!" Dagdag ni Louie

Ang mata ni Chaser ay na kay Kuya Hades. "Get them." Tukoy niya samin kaya mas lalo ko'ng hinigpitan ang kapit doon pati na si Louie

Sa kakaatras niya dahil gusto niya makawala sa kapit namin, naging matunong ang pagbagsak niya sa sahig at dinaing ang likod niya.

Nagkatinginan kami ni Louie at sabay na ngumiti. Sabay kaming yumakap kay Chaser.

"THE HELL?! HADES HELP ME WITH THEM!"

"Y-Yes boss!"

Agad na nakuha ni Kuya si Louie pero ako hindi ako titigil hanggat hindi siya pumayag. Pumatong ako sa kanya para hindi siya makatayo talaga.

Nanlaki ang mata niya kasabay ng pagpula ng pisngi niya. "BULLSHIT! UMALIS KA!"

I giggled. "Cute mo pag nagtatagalog!" Inambahan ko na ulit siya ng yakap

"Hindi ako aalis dito pag hindi ka pumayag na sumama kami ni baby Louie." Pagmamatigas ko

Nakarinig ako ng pagsara ng pinto pero hindi ko pinansin yon.

"Then stay." Bigla na lang niya pinulupot ang braso niya sa bewang ko

Napalunok ako. "A-Alisin mo kamay mo! Ako lang!" Pilit kong tumayo sa pagkakapatong sa kanya kaso mas malakas siya sakin

I heard him chuckled. "I like this position." Para akong nakuryente nu'ng binulong niya sa tenga ko yon

Shems! Parang uminit!

Medyo umangat ako para makita ko mukha niya "Para namang tanga Chaser eh! Gusto ko lang naman sumama kami ni baby Louie kasi diba hindi---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nu'ng dumampi ang labi niya sa labi ko.

Namalayan ko nalang siya na ang nasa ibabaw ko at minumukbang na ang labi ko. Shemssss!!!

"I miss your lips." Sabi niya habang nagpapalitan kami ng halik

"I want to touch you,"

Napadilat ang mata ko sa sinabi niya. Humiwalay na ang labi niya sa labi ko at marahan niya akong inupo.

Ngumisi siya. "Nabitin kaba?"

Nanlaki ang mata ko at pinaghahampas ang braso niya. "T-Tigilan mo nga ako! Ikaw ang unang nanghalik dyan!"

"You kissed me back Suzey" hindi pa din maalis sa labi niya ang malokong ngisi

Inirapan ko siya at padabog na tumayo.

Buti nalang lumabas sila Kuya Hades!

Napasinghap ako nu'ng pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko, nakayakap siya sa likuran ko. Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.

Para naman akong hindi makahinga dahil sa sobrang dikit niya sakin.

Bakit ganto ba epekto mo sakin?

"Alright, payag na ako sumama kayo."

Haharap sana ako sa kanya kaso mas hinigpitan niya ang kapit. "But no talking to guys, if you talk to them, you know what will happen to them." Bulong nito sa tenga ko

Lah? Baket naman? Pauso.

Sunod sunod na tango ang nasagot ko at doon na niya ako binitawan.

I beamed. "Yehey! Sige magaayos na ako ng gamit namin ni Louie!"

Saglit niya muna ako tiningnan at tuluyan na ako iniwan dito sa kwarto.

Nakahinga na ako ng maluwag nu'ng nakalabas na siya. Nanakbo ako sa salamin at tiningan ang mukha ko. Napatampal ako sa noo nu'ng nakita kung gaano kapula ang mukha ko!

Grabe ang init!

...

"WHAT?! Stop bothering me!" Iritableng usal ni Chaser

Napalabi ako dahil ang suplado niya. "Magtathank you lang naman ako," bahagya niya ako binalingan at tinaasan ng kilay. "Yung ice cream na binigay mo sakin kagabi, kala ko wala akong pasalubong sayo eh!" I giggled

Pinandilatan niya ako pero hinayaan ko na lang siya. Problema neto? Masama ata loob kasi nagbigay! Kuripot!

Bigla nalang umubo si Kuya Hades. "Grabe may ubo pala ako ngayon." Nakita ko'ng ngumisi siya at napailing

"Huwag ka'ng tatabi kay Louie! Mahawaan mo pa 'to eh."

He laughed. "Boss, may ubo ako." Umubo ulit to at tumawa ng malakas

Lah? Nabaliw na.

"Crazy damn ass." Rinig ko'ng sabi ni Chaser pero tutok pa din sa cellphone niya

Pasimple akong sumandal sa balikat niya pero agad niya akong tinabig. I glared to him.

Ang sama talaga!

...

"BOSS, nagugutom kanaba? May kainan tayong madadaanan."

Sasagot sana ako nang sumandal nanaman ang ulo ni Suzey pero this time hindi ko tinabig dahil alam ko'ng tulog siya.

"Just buy them food, they're sleeping." Mahinang usal ko

Sumipol ito at alam ko namang nangaasar nanaman siya. "Okay dokey boss!"

Nasa kandungan ni Suzey si Louie  pero baka mangalay siya. Kaya maingat ko'ng nilipat si Louie sa kandungan ko.

Napalunok ako at pakiramdam ko uminit sa kotse nu'ng mas siniksik pa ni Suzey ang ulo niya sa balikat ko at niyakap ang isang braso sakin. Dahil alam ko'ng mangangalay din ako, inakbay ko nalang ang braso ko sa kanya.

Konti nalang magiging kamukha na ni Suzey si Louie. Kahit wala pa sa legal age si Suzey, nakakaya niyang alagaan si Louie na para ba'ng ang tanda na niya. Napagsasabay niya ang pagaaral sa pagaalaga ng bata.

Hinalikan ko ang uluhan niya. "I'm proud of you." Bulong ko

Napahikab ako at nakaramdam na din ng antok kaya pumikit na ako.

...

Nakarating na kami sa pagbibilhan ko ng pagkain para sa kanila. Magsasalita sana ako para magtanong kay boss kung ano ang bibilhin ko pero nakita ko'ng nakatulog na din ito.

Napangiti siya kasabay ng pagiling. Hindi niya pinalagpas 'yon, kaya kinuhaan niya ng litrato ang tatlo. "Para silang pamilya."

I'm Inlove With A CriminalWhere stories live. Discover now