Chapter 12

366 47 14
                                    

I miss you





"Ay malamig!" Napabalikwas ako sa pagkakaupo nung may bumuhos sakin ng sobrang lamig na tubig

Nasaan na ako?

Nilibot ko ang mata ko, at hindi ako pamilyar sa lugar na 'to.

"Buti naman at gising kana," binaba niya ang balde sa gilid niya

Napakagat ako sa labi ko dahil nilalamig na ako! Madaling araw na siguro, ganto kalamig eh.

Sinamaan ko ng tingin ang lalaking nakahoodie at hindi ko masyado maaninag ang mukha niya dahil nasa likuran niya ang ilaw.

"Walang magagawa ang masama mong tingin, alam mo ba kung bakit ka nandito?" Naglakad siya palayo

Binabantay ko lang bawat galaw niya. Kumuha siya ng upuan at bumalik ulit sa pwesto niya kanina.

Pinitik niya ang daliri niya. "Tinatanong kita diba? Bakit hindi ka sumasagot?" Yamot na tanong niya

I frowned. "Aba malay ko, hindi naman kita kilala! Tyaka ano trip mo brad? Ang lamig ng hangin oh! Tas bubuhusan mo ako ng malamig dyan!" Iritableng reklamo ko sa kanya

Suminghap siya, hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Kilala mo naman siguro si Death Chaser?"

Natigilan ako nu'ng binanggit niya ang pangalan ni Chaser. "B-Bakit?! May ginawa ka din ba sa kanya?!" Nagaalalang tanong ko

Natawa siya. "Ibang klase, siguro naman kilalang kilala mo ang taong tinutukoy ko."

"Eh ano naman sayo?!" Pagsusungit ko

Hindi ako masungit na tao, pero tama bang sikmuraan ako eh kakakain ko lang no'n duh.

"Bakit ko sasabihin? Hindi naman tayo close."

Napabusangot ako, hindi malaman kung matatawa ba ako ano, talagang hindi kami close ni hindi ko nga siya kilala!

"At ikaw ang dahilan no'n, hindi naman siguro kawalan pag nawala ka sa mundo 'no? Papakita ko lang sa kanya, na dapat tumupad sa usapan." Nginitian niya pa ako pero yung mata niya nagliliyab na sa galit

Napayuko ako. "S-Sige patayin mo na ako, pero may hiling sana ko." At nagangat tingin ulit sa kanya

Natawa siya. "Ibang klase ka talaga, anong hiling naman 'yon?"

"Nagugutom na kasi ako, pwede ba kumain muna? Last meal gano'n." Sakto no'n tumunog ang tyan dahil gutom na nga ako

"Siraulo kaba?" Maangas na tanong niya

Napalabi ako. "Hindi naman, pero kasi nagugutom ako. Masama ako gutumin!"

Padabog itong tumayo at sinipa ang upuan kaya natinag ako doon. "Masama naman ako magalit!"

Sabi ko nga, panalo kana.

Nginitian ko siya ng napakatamis. "Pero pakainin mo na kase ako, promise hindi ako tatakas!"

Umismid siya at naglakad papalapit sakin. "Asa kang makakatakas ka, dadalhan nalang kita ng pagkain dito." At akmang tatalikod na pero agad ko'ng tinumba ang katawan ko sa paahan niya

"Please! Hindi talaga ako tatakas! Ayoko kumain ng ganto eh kaya sige na!" Nagpuppy eyes pa ako nyan ha

Baket ba kase nangyayare sakin to?! Pangalawang beses na to ha! Pero mas bet ko yung nauna!

Tinabig niya ang katawan ko kaya nakadapa na ang pwesto ko.

Napalunok ako sa kaba nung bahagya siyang umupo sa harapan ko at marahas na inangat ang baba ko.

I'm Inlove With A CriminalWhere stories live. Discover now