Chapter 26

291 25 0
                                    

                       Waiting





"Tara na! Nakabihis na ako!"

Bungad ni Kuya Hades sakin pagkapasok ko ng kwarto. Pinasadahan ko ito ng tingin, nakapang alis siya.

Hala! Siya nga pala isasama ko para dalawin si papa!

Napahimas ako sa batok ko. "Ah Kuya hindi kasi tayo tuloy."

Gano'n nalang ang pagkadismaya sa mukha niya kasabay ng pagbagsak ng balikat niya. "Nangtitrip kaba Suzette?!"

Lumapit ako agad sa kanya at hinampas ang braso niya. "Ano ba kuya magigising si Louie sayo!" Saway ko

Tumikhim ito. "Bakit kasi hindi tuloy?" Mahinang usal nito pero nakabusangot pa din

Napangiti ako sa tanong niya. "Eh kasi magdadate kami ni Chaser." Sabay hagikhik

Nagtatakang tumingin ito sakin. "Eh diba may ginagawa siya?"

I groaned. Tinalikuran ko na siya at pumunta sa closet. "Bantayan mo dito si Louie kuya ha?"

Narinig ko naman ang paglalakad niya palapit sakin. Siya pa ang nagbukas ng closet para sakin. "Ano susuotin mo?" Tanong niya

Nagkibit balikat ako at pinasadahan ng tingin ang mga damit ko. Onti lang ang dress at palda ko dahil hindi ko naman hilig ang mga 'yon.

Natabig ako ni Kuya nu'ng kumuha siya ng damit sa closet. Kinuha niya ang pulang dress na bigay pa sakin ni Zoey noon. Natambak ko lang sa damitan ko dahil hindi ko nga hilig magsuot ng mga gano'n.

Hinarap ako ni Kuya at dinikit pa sakin ang damit at may papikit pikit pa siya ng isang mata na para ba'ng tinatansya niya kung bagay ba sakin. Napapitik ito sa daliri niya. "Eto bagay!"

"Diba galit ka lang kanina?" Tanong ko at kinuha sakanya ang pulang dress

Tumawa siya. "Hindi ha! Bat naman ako magagalit? Pasalubong ha!" Tinulak niya na ako papasok sa banyo

"Teka nga! Kaya ko pumasok sa banyo Kuya!" Nakangusong reklamo ko

"Sabi ko nga."

Ganto ata epekto pag wala siyang girlfriend? Kawawa naman siya

Napailing ako at pumasok na sa banyo.

...

"Anak ng Suzette?! Bakit nakapantalon ka?!" OA na bungad sakin ni Kuya pagkalabas ko ng banyo

"Gusto ko kase sa amusement park kami magdate, eh diba puro rides doon edi nakakailang magdress." Paliwanag ko

Napabuga eto ng hangin at tinalikuran ako. Tinabihan niya si Louie na abala sa paglalaro sa cellphone niya. "Saang amusement park? Kung malayo, dapat umalis na kayo." Paalala niya

Nagkibit balikat ako. "May alam kabang amusement park?"

Tiningnan niya ako na para ba'ng may nasabi akong masama. "Ikaw nagaya sa amusement park tapos wala ka'ng alam na amusement park? Huwag ka lalapit sakin, baka mabatukan lang kita."

I giggled. "Suplado mo! Nagagaya kana kay Chaser ha?"

Nakabusangot lang ito. "Sa Enchanted Kingdom."

Napauwang ang labi ko. "Hala! Oo ngaaaaa~" naeexcite na usal ko. Tumayo na ako. "Sige Kuya alis na kami ni Chaser!" Naglakad na ako papuntang pinto

"Pasalubong namin ni Louie!" Pahabol na sigaw niya bago ko isara ang pinto

Pagkalabas ko nakita ko na nasa labas na siya, may kausap siya sa phone. Halatang seryoso ang pinaguusapan o seryoso lang talaga palagi mukha niya? Ay nako Suzette parang hindi kilala yung boyfriend niya!

I'm Inlove With A CriminalWhere stories live. Discover now