Chapter 19

319 33 15
                                    


                           Hug






"Zetzet," nakangiting lumingon ako kay Zoey. Nakakunot ang noo nito na para ba'ng nagtataka. "Alam ko'ng palagi ka'ng nakangiti pero iba yung ngiti mo ngayon eh."

I giggled. Pinatong ko ang siko sa table at inabot ang kamay niya at pinisil pisil ito. "Kasi kami na ni Chaser!"

"Anong kayo na eh diba kayo naman talaga?"

Parang umatras dila ko dahil doon.

Shems! Nagpanggap nga pala kami nakalimutan ko sa sobrang saya!

Bahagya akong humarap kay Jaysie at pabirong hinampas ang balikat niya. "Ang seryoso mo talaga 'no? Joke lang naman, syempre kami na ni Chaser dati pa." Sabay hagikhik

Napangiwi siya na para ba'ng diring diri sa tawa ko. Tumikhim siya. "Bakit ka umabsent ng tatlong araw ha?"

Napalingon ako sa gilid ko nu'ng may sumandal sa balikat ko. "Oo nga naman Zetzet, nagworry kaya ako sayo! Nagkasakit kaba?" Nagaalalang tanong ni Zoey

Nakalabing umiling at inakbayan si Zoey at lumapit sa tenga niya. "Kasama ko si Chaser."

Naangat tuloy niya ang ulong nakasandal sakin. Nakauwang ang labi nito at gulat na mata pero agad napalitan ng pangaasar. Umakbay din siya sakin. "Saan kayo pumunta?" Bulong din niya

Nakagat ko ang labi ko sa tuwa. "Sa batangas." Bulong ko din

She beamed. "Ohmy! What you two do at batangas? Tell me!" Bulong niya

Bubulong na sana ako ulit kaso may naghiwalay ng ulo namin. "Ano kayo lang ba magkaibigan dito?" May inis na tinulak kami ni Jaysie at siningit ang sarili niya sa gitna namin. Umakbay siya samin. "Bulong niyo sakin!" Medyo pasigaw na utos niya

Nagkatinginan kami ni Zoey at nagkatanguan.

Sabay kaming lumapit sa magkabilang tenga ni Jaysie at sinigawan siya ng malakas sa tenga.

Sa lakas no'n muntik na siya malaglag sa kinauupuan niya dahil sa gulat.

Nu'ng nakita na namin ang galit niyang mukha, hinila na ni Zoey ang braso ko at nanakbo sa hallway ng campus.

Nagtatawanan kaming dalawa habang tumatakbo.

"Ohmy! Did you see his face? He's so panget palaging galit duh!" Maarteng sabi ni Zoey at tumawa ulit

Napailing ako at sinabayan siya tumawa. "Hindi kana nasanay sa lalaking 'yon! Hindi naman ganyan sila tita at tito sobrang bait pa diba?" Tukoy ko sa parents ni Jaysie

Hindi na kami nanakbo dahil pagod na din kami, kaya pumasok kami sa gym at naghanap ng bakanteng bench.

Hindi pa din inaalis ni Zoey ang pagkakahawak niya sa braso ko. This girl is clingy when it comes to her friends but expect for Jaysie.

Para silang aso't pusa.

Nu'ng time na namatay si mama, si Zoey ang nandyan para sakin. Nagkatrauma ako after that happened, so i have no choice na tumira sa bahay nila pansamantala.

Her mother is one of the best Psychiatrist in our town, the one who gave hope to me, to loose this trauma.

"Zetzet natulala kana dyan."

Natauhan nalang ako nung may kumurot ng pisngi. Namalayan ko na lang na nakaupo na pala kami sa bench.

"Zet, hindi naman kayo nagaaway ni Chaser?" Biglang tanong ni Zoey

Napaisip naman ako.

Hindi naman, suplado lang talaga siya.

Umiling ako. "Hindi, love na love niya kasi ako."

I'm Inlove With A CriminalWhere stories live. Discover now