I want you too
PAGKATAPOS ng ferris wheel na gusto niya nagaya siya sa parang laruan sa perya pero mas sosyal lang talaga sa EK at malalaking stuff toy ang premyo.
Doon kami sa babarilin yung mga latang magkakapatong.
Nu'ng natapos na 'yung lalaki sumunod na si Chaser. Tinitingnan niya yung baril na laruan na para ba'ng totoo ito. Nataranta ako nu'ng ilalabas niya sana 'yung baril niya kaya agad ko siyang nilapitan.
Nginitian habang pinanlalakihan siya ng mata. "Gusto mo sa kulungan tayo umuwi mamaya?" Natatawang bulong ko
May pagtataka sa mata niya nu'ng binalingan niya ako. "I just want to check if we have the same." Inosenteng sagot pa niya
Napatitig ako sa kanya. Seryoso ba siya? Napabuga ako ng hangin. "Huwag mo na i-check, magkaiba 'yon. Sige na play kana!"
Marahan itong napatango at nagbalik tingin na sa harap. "What stuff toy do you want?" Tanong niya pero nakafocus siya sa baril parang tinitingnan niya kung paano niya mapapatumba yung mga lata sa isang baril lang
Nagangat tingin naman ako sa mga nakasabit na stuff toy. May nakita akong spiderman na parang kasing tangkad ko na. I beamed. "Yung spiderman! Para kay Louie!" Napalakpak pa ako dahil naeexcite ako
"I'll get that for sure but i'm asking what do you want. I want to spoil you too." He said in serious tone at bumaril na siya
Umuwang ang labi ko sa mangha nu'ng napatumba niya ang patong pato na lata. Napayakap ako sa tuwa. "Galing mo talaga!" Bilib na sabi ko
Kumuha ng panungkit ang lalaking nasa loob at sinungkit ang stuff toy na teddy bear.
"That's not what I want." Matigas na sabi ni Chaser
Napahiyang ngumiti naman ang lalaki. "I'm sorry sir but we're the one who will decide what stuff toy you will get."
"Is that so? Then i'll decide for you death then." Nanlaki ang mata ko nu'ng huhugutin nanaman niya yung baril niya agad ko namang to'ng pinigilan
Nakangiting humarap sa lalaki na namumutla na sa dahil sa sinabi ni Chaser. "N-Nagbibiro lang siya kuya! Pasensya na! Kukunin namin 'yan.." nakangiting tinanggap ang malaking teddy bear
Kahit hirap sa laki neto, hinawakan ko pa din ang braso ni Chaser at hinila paalis doon.
May nakita akong bench na walang nakaupo kaya doon ko siya hinila at umupo. Buti nalang mahaba yung upuan kaya pinaupo ko sa gilid yung teddy bear.
"Chaser don't do that again.." pangunguna ko
Hindi niya ako nilingon pero bakas pa din sa mukha niya ang pagkainis. "I want that spiderman for Louie but he gave me that teddy bear." Dismayado pa din
Napangiti ako dahil inaalala niya talaga si Louie. "Magugustuhan naman 'to ni Louie eh, hindi naman mapili 'yon."
Lumingon na din siya sa wakas, kalmado na ang ekspresyon niya. "Really?" Paniniguro niya at hinuli ang kamay ko at pinisil ito.
Nakangiting tumango. "Oo naman! Pagod kanaba? Gusto mo naba umuwi?" Bahagya akong lumapit sa kanya at inayos ang buhok niya
Hindi ito umimik kaya tinignan ko siya pagkatapos ayusin 'yung buhok niya. Nakatitig ito sakin na para ba'ng sinusuri ang parte ng mukha ko.
"I'm not tired." He simple said
Napatango ako. "Gusto mo pa sumakay sa rides?" Malambing na usal ko
ESTÁS LEYENDO
I'm Inlove With A Criminal
De Todo[UNDER REVISION] Have you ever experience been kidnapped but you're not the one who will kidnapped? 'Yung ba'ng pinagkamalan ka lang ng kidnapper na ikaw ang pakay nila? Yes or No? The "Inoccent Girl" and "Positive as always" named Suzette Pellayo...