Chapter 10

423 52 8
                                    

Ice cream



"DAMN! WHERE DID YOU GO?!"

Napanguso ako dahil yun agad ang bungad ni Hades sakin pagkapasok ko ng kwarto.

Inalalayan niya ako umupo sa kama ko, at naghila naman siya ng upuan.

"H-Hades..." usal ko

"Where did you go? You make me worried." Kumalma na ng onti ang boses niya

"Kumain lang naman ako, kasi sarap ng tulog mo kaya hindi na kita ginising." Parang bata na paliwanag ko sa kanya

Napasabunot siya sa buhok niya. "Parang tanga Suzette! Gisingin mo ako pag nagugutom ka! Kita mo'ng may tahi ka eh, baka bumuka yan!"

"Sorry na Hades, dinalhan naman kita ng food eh. Sobra 'yan sa libre ng lalaki sakin, grabe ang bait niya---"

He cut me off. "Anong lalaki? Sinong lalaki Suzette?"

Sasabihin ko na sana, kaso naalala ko ang trabaho nila. Baka kung ano gawin nila kay Liam!

"Ah yung nurse! Kakilala ko kase siya kaya nilibre niya ako!"

Mukha naman nakalusot 'yon, kase kinuha na niya ang caldereta at tumalikod na sakin.

Palihim ako napa 'yes'.

"Kuya Hades!" Tawag pansin ko sa kanya habang kumakain siya

Nagulat ako nung nabilaukan siya. "Hala! Baket?! Wait kuha ako tubig!" Bababa na sana ako sa kama nung sinenyasan niya ako na huwag na

"O-Okay ka lang ba?" Tanong ko

Uminom muna siya ng tubig at namumulang humarap sakin. Anyare dito?

"Nabibingi ba ako? O tinawag mo talaga akong Kuya Hades?" Halos mapunit na ang ngiti niya sa labi

Natawa ako. "Namumula ka dahil tinawag kitang Kuya?"

"Masama ba 'yon? Tyaka wala akong kapatid na babae so masaya ako na meron na kahit hindi kadugo." Nagpatuloy na siya kumain

"Nga pala, nasaan pala si Chaser? May missed call siya sakin."

"Trabaho, dapat kasama niya ako ngayon kaso binabantayan kita."

Trabaho...

Kung iisipin ng iba, trabahong malinis ang ginagawa ng mga 'to.

"Edi sumama ka sa kanya, okay naman na ako eh."

"Huwag ka magalala susweldo pa din naman ako kahit hindi ako sumama sa kanya ngayon." Natawa pa ito

Napangiwi ako. "Magtinda nalang tayo ice cream malapit sa school namin, kaysa 'yan."

"Samahan kita magtinda, pero ganon pa din trabaho namin." Napasinghap ako nung kinurot niya ang pisngi ko

Binalingan ko siya. "Kuya, sino si Wendy?"

Nawala ang ngiti niya. "Kanino mo nalaman si Wendy?"

"Kay Chaser, nag sleep talk kasi siya nung nasa bahay ko siya. Girlfriend niya ba si Wendy?"

Napaiwas tingin siya. "H-Hindi ko alam, pero kung gusto mo, si Chaser tanungin mo"

"Pero baka kase--"

"Hindi ko na kilala yung Wendy, at ayoko na kilalanin pa." Nakangiti siya nung sinabi niya yon pero may kakaiba sa mata niya

Napatango na lang ako.

Sino kaba Wendy? Bakit ganto epekto ng dalawang 'to pagdating sayo?

....

"ZETZET!"

I'm Inlove With A CriminalWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu