Chapter 13

382 49 7
                                    

Sezette Louie


"BOSS, anong gagawin ko dito?"

Nanatili ang atensyon ko kay Suzey na mahimbing na ang tulog sa kama niya.

"I found that in her pocket, i think that's the address of that man's kid."

Nawala ang atensyon ko kay Suzey nu'ng humarang sa harap ko si Hades. Bakas sa mukha niya ang pagtataka at pagalala.

"B-Boss, wala ka naman siguro gagawin sa bata? I-I mean--"

I cut him off. "Find the kid."

"But--"

"Find the fucking kid." Mariin na utos ko sa kanya at tinabig ang balikat niya

I heard him sigh. "Y-Yes boss..."

Pagkasarado niya ng pinto. Umupo ako sa gilid ng kama ni Suzey at napatitig sa mukha niya sa hindi malaman na dahilan.

I sighed. "Why are you so softhearted? I don't like it."

"You're always smiling, it's annoying." Dagdag ko pa

...

NAPABALIKWAS AKO sa kama nung nakarinig ako ng iyak ng bata.

What is that? May multo naba dito sa bahay namin?!

Lalong lumakas ang iyak ng bata, kaya nanakbo na ako pababa kahit mukha akong tanga sa itsura ko.

"Don't cry baby, daddy is not here. Kaya ako muna daddy mo ha?" Narinig ko'ng boses ni Kuya Hades

Nung tuluyan na ako nakababa, doon ko lang nakita na may karga karga si Kuya Hades na bata na lalaki.

Napatitig ako sa bata na hindi pa din tumitigil sa kakaiyak, namumula na 'to sa kakaiyak.

"Buti naman nagising kana."

Hindi ko nagawang tumingin kay Kuya dahil hindi ko maalis ang tingin ko sa bata na hawak niya.

"K-Kuya siya ba...." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nung naiyak nanaman ako

Malungkot siyang tumango. "Kanina niya pa hinahanap papa niya, hindi ko n-naman alam sasabihin."

Napahikbi ako at tuluyan ng nakalapit sa kanila. Binalingan ako ng bata, tumigil siya sa pagiyak.

Nagkatinginan kami ni Kuya Hades, inabot niya sakin ang bata. Napakagat labi ako at tinanggap ito.

Patuloy pa din tumutulo ang luha ko lalo na nu'ng hinawakan niya ang pisngi ko.

"Pa...pa! Gu..gus..to si pa...pa!" Nahihirapan na usal niya

"Hahanapin ko papa mo baby, pangako ko sayo 'yan." Nakangiting sabi ko sakanya kasabay ng pagpunas ng luha sa pisngi niya

"Huwag mo paasahin ang bata Suzette..." narinig ko'ng bulong ni Kuya

Tanging ngiti ang sinagot ko kay Kuya at hinele ang bata. Napailing siya at iniwan muna kami dito sa may salas.

Seji...

Napapikit ako nung naisip ko nanaman siya.

Bakit naman ganto? Sana pala pinatay mo na ako, edi sana may tatay pa 'tong anak mo.

Natigil ako sa pagiisip nu'ng may kumalabit sakin, si Kuya Hades.

"I know you're in pain now but Chaser want you to stay in our home." Mariin niyang sinabi ang home

Home...

"It's all my fault."

"Suzette no..."

Umiling ako. "It's all my fault Kuya, k-kung hindi ko lang sinabi sa kanya na huwag patayin yung kaibigan ko edi sana hindi mauuwi sa g-ganto.." nahirapan nanaman ako huminga dahil naiyak nanaman ako

He pinched my left cheek. "It's not your fault, okay? Don't blame yourself. I'll help you pack your things, his things are packed naman na kaya sayo na lang." Pagtukoy niya sa bata

Hinipo ko ang likuran ng bata at dinama ang pagkarga ko sa kanya. Nakatulog na siya sa balikat ko. "I'm sorry baby..."

....

"WE'RE HERE,"

Inayos ko ang pagkakarga sa bata. "Nandito ba siya?" Pagtukoy ko kay Chaser

"Oo, pinahanda niya ang magiging kwarto niyo." Nakangiting sambit niya

Lumabas na siya sa kotse at agad akong pinagbuksan ng pinto. Kinarga niya muna si baby at nung nakalabas na ako, kinuha ko ulit sa kanya.

Ang tagal na din ng huling punta ko dito, ang unang pagkikita namin ni Chaser. Napangiti ako nu'ng naisip ko 'yon.

Pagpasok namin sa malaking mansyon, bumungad na sa amin ang sigawan at tunog ng mga baril. Eto din ang mga narinig ko dati, inakala ko pa na umaacting sila. Ibang klase!

Naramdaman ko ang pagalaw ng bata sa balikat ko, kaya agad ko hinipo ang uluhan niya.

"Ganto ba sila palagi Kuya? Masama to sa bata eh, balik nalang tayo sa bahay namin."

Natigil sa paglalakad si kuya at tiningnan niya ako na hindi talaga pwede. Napabuntong hininga nalang ako.

Sorry baby...

Umakyat kami sa ikalawang palapag at nanguna na si Kuya at binuksan ang kahoy na pintuan. .

Napauwang ang labi ko sa mangha ng loob ng kwarto. Kwarto ba talaga to? Parang bahay na to eh!

"K-Kuya seryoso ba siya? Kasing laki na to ng bahay namin eh." Maingat ko'ng hiniga sa kama si baby

He laughed. "Ganyan din kalaki kwarto ko, magkatabing kwarto lang tayo. Masasanay ka din sa laki neto, tyaka tama lang 'to para makapaglaro laro siya." Tukoy niya sa bata at lumapit siya sa kama para sulyapan ang bata

Hinawakan ko ang kamay niya at nagangat tingin sa kanya. "Kuya," nangunot ang noo nito. "Baka kasi buhay pa si S-Seji...kawawa naman kasi baby niya.."

Bumakas sa mata niya ang awa. Hinaplos niya ang pisngi ko. "Ayoko sana sabihin sayo 'to kase alam kong iiyak ka nanaman," hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at pinisil ito. "Bumalik ako doon kasama ang iba naming tauhan, nakita namin siyang nakahandusay sa sahig at may tama ng baril sa dibdib."

Namalayan ko na lang nakayakap ako kay Kuya Hades at umiiyak ng walang tunog dahil baka magising ang bata.

"Sorry Seji...kasalanan ko...sorry seji..." paulit ulit na usal ko habang umiiyak

"Kuya...hindi ako marunong magalaga ng bata, nagaaral pa din ako. Sa tingin mo tama ba'ng tumigil na lang ako?" Humiwalay ako sa yakap

Napabusangot ako nu'ng binatukan niya ako. "Gago kaba? Hindi ka titigil, tutulong naman kami sa pagaalaga sa kanya."

"Ang bad mo nanaman saken, pero gago kaden!"

Nagkatingnan kami at sabay na natawa ng mahina.

Umupo siya sa gilid ng kama. "Sinaktan kaba nila?"

"Sinikmuraan ako ni Seji, pero hindi ko na inisip yon kasi naawa ako sa kanya nung nabanggit niyang namatay yung girlfriend niya nung pinanganak siya."

"Tapos inofferan ko pa siya na maging business partner basta para lang itigil na niya trabaho niya kaso..." napahikbi nanaman ako

Ginulo gulo niya ang buhok ko. "Pati ba naman siya inofferan mo? Tumigil kana nga kakaiyak, dinaig mo pa yung bata oh" sabay nguso niya sa bata na masarap ang tulog

Binalingan ko yung bata na masarap pa din ang tulog. "Kuya, ano ipapangalan natin sa kanya?" Sabay balik tingin sa kanya

"Pangalan? Sezette!"

Umawang labi ko sa tuwa. "Hala kuya ang ganda ng name! Sige Sezette Louie name niya!" Nakangiting tumango naman siya sa pagsangayon sa naisip ko'ng second name niya

"Sezette Louie... a handsome name."

I'm Inlove With A CriminalOnde histórias criam vida. Descubra agora