Chapter 25

314 23 0
                                    

                         Date






"PASAMAHIN mo na kase ako," inilingan ko ulit si Kuya Hades. Naglakad ako papunta sa sofa at basta nalang sinalampak ang sarili doon.

Finally.

Nakabalik na kami dito sa bahay ni Chaser, pagkauwi namin sa bahay ng parents ni Chaser nagpaalam na agad kami hindi naman sila nakatanggi dahil si Chaser ang nagpasya.

Liam?

He's on hospital.

Ikaw ba naman mabugbog eh, hindi ko lang talaga inexpect na malakas pala sumuntok si Zoey.

Napangiwi ako. Ang lakas ng bestfriend ko!

"Suzette!"

Napamaang ako nu'ng may tumawag sakin. Natawa ako nu'ng nakitang nakabusangot na si Kuya. Para siyang bata!

"Si Chaser kasi isasama ko Kuya." Nakangiting sabi ko pa

"Ako nalang!" Pagpupumilit niya at tumabi na sakin dito sa sofa

Napanguso ako. "Walang magbabantay kay Louie, si Chaser na Kuya." Mahinahong sabi ko

"Busy siya ngayon, kaya sabing ako na."

Napaharap ako sakanya. "Lah! Paepal ka nanaman eh! Saan naman siya magiging busy ha?" Taas noong tanong ko

Wala naman na silang trabaho eh, paano magiging busy 'yon?

Hindi naman siya nakaimik. Kaya napagpasyahan ko na tumayo na kaso pagkatayo ko hinila nanaman niya ako paupo.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi na kita lulutuan pag hinila mo pa ulit ako! Hindi na talaga kuya!" Binelatan ko pa ito

He groaned. "May inaasikaso nga kasi siya ngayon, may inutos 'yung papa niya sa kanya. Okay naba?"

Si daddy? Bumagsak ang balikat ko. Anong laban ko doon?

I hissed. "Sige na nga! Sino naman magbabantay kay Louie dito? Hindi natin siya pwede isama doon." Sabay baling kay Louie na tulog at yakap ang mahabang unan.

Bumaling ako kay Kuya para naman siyang nataranta nu'ng nagkasalubong kami ng tingin.

Ang weird niya ngayon.

"May problema kaba Kuya?" Nakakunot na noo na tanong ko

Ngumiti ito. "Wala ngang girlfriend eh!"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Kailangan ba may girlfriend para magkaproblema?"

Tumawa ito. "Oo naman! Dami kasing problema ng babae kahit maliit na bagay galit na galit!"

Napakurap ako sa inis. "Huwag ka'ng feeling dyan! Tyaka magbanggit ka ng pangalan isipin ng ibang babae sila sinasabihan mo! Tyaka din pala, huwag ka magaalala hindi kana magkakagirlfriend!" Inirapan ko siya at tumayo na sa sofa

Hindi siya makapaniwalang natawa. "Pag ako nagkagirlfriend--"

I cut him off. "Kung may magkagusto sayo~~~" pakantang asar ko at nanakbo na palabas ng kwarto

Napahalakhak ako nu'ng narinig ko ang pagsigaw niya sa loob.

Naglakad ako papuntang kwarto ni Chaser na nasa dulo pa.

Napansin ko'ng tahimik na ang buong bahay, hindi na katulad ng dati na puro putok ng baril ang naririnig ko.

Pati 'yung mga tauhan nila, wala na din dito. Ang tahimik na tuloy!

Sumilay ang ngiti sa labi ko nu'ng nasa harapan na ako ng kwarto ni Chaser. Mabilisan ko'ng sinuklay ang buhok ko kahit alam ko namang maayos ito.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto at pinihit ang door knob. Tahimik ko'ng binuksan ito at sumilip.

Nakita ko'ng nakaupo ito sa upuan na may sandalan at nakaharap sa lamesa na puro papel ang nakakalat.

Ano ba'ng ginagawa niya? Bago niya ba'ng work?

Inuwang ko na ng malaki ang pinto kaya tumunog ang pinto at doon lang niya inikot ang upuan.

Nanlaki ang mata ko nu'ng nakita ko'ng nakasalamin ito at medyo gulo gulo ang buhok.

Pakiramdam ko uminit ang pisngi ko dahil ngayon ko lang siya nakitang nakasalamin at mas lalo siyang pumogi!

Self kalma, boyfriend mo lang 'yan.

Nagpakawala ako ng tawa at pumaypay gamit ang kamay. "Ang init pala dito sa kwarto mo Chaser" basta sabi ko nalang

Tumitig ito sakin. Bigla nalang nadulas na salamin sa kanyang ilong kaya naman inangat niya ulit 'yon gamit ang daliri.

Napapikit ako. Self kalma sabi!

"There's an aircon in here."

Napahiyang tumawa. "Oo nga 'no? Dahil siguro mainit 'yung panahon ano?" Napahimas pa ako sa braso ko

"Yeah?" Nakataas na kilay na sabi nito

Okay tanga na ako magdahilan!

Naglakad na ako papunta sa pwesto niya at umupo sa hita niya. Iikutin ko sana kaso ang bigat naming dalawa nahalata naman niya 'yon kaya siya na ang nagikot.

"Pwede ko tingnan?" Nakatuon lang ang atensyon ko sa nagkalat na papel sa lamesa

Naramdaman ko ang pagpatong ng ulo niya sa balikat ko. Napalunok ako nu'ng humalik ito sa pisngi ko.

"Yeah..."

Nangunot ang noo ko nu'ng nahimigan ko ang pagod niyang boses.

"Nagpuyat kaba dahil dito?" Pagtatanong ko at nagsimula ng tingnan ang mga papel

"I can't find him.."

Bahagya ko'ng binaling ang ulo ko. "Him? Sino?"

"He's one of them but he doesn't do anything to me." Pinulupot nito ang braso sa bewang ko at inayos pa ang pagkakasubsob ng mukha sa balikat ko

Naguluhan naman ako sa sinabi niya. "Anong gusto mo'ng sabihin? Na pinanuod lang niya..." napagtanto ko na agad. Nagbalik tingin ako sa mga papel at iniisa isa ang mga picture na nasa lamesa at may mga information sa baba no'n.

"Hindi mo ba naalala itsura niya? Or boses? Hindi ba siya nakita ni Zoey? Tara puntahan natin si Zoey.." tumayo ako pero niyakap niya ang bewang ko kaya napaupo ulit ako

"Calm down..."

Mariin akong napapikit at pinakalma ko din ang sarili ko.

"Hindi mo ba naalala itsura niya?" Tanong ko ulit

"Actually I did," nabuhayan ako nu'ng sinabi niya 'yon. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at hindi na niya ako napigilan.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Mapupungay ang asul na mata nito nu'ng nagkasalubong ang mata namin.

"Alam mo ba kung nasaan siya? Pangalan? Tara upakan mo!"

Tinanggal nito ang pagkakahawak ko sa pisngi niya at hinawakan ito. "Let's have a date baby..."

Napamaang ako sa biglang sinabi niya. "D-Date? Niyayaya mo ako?" Kagat labi na tanong ko

Tipid itong ngumiti at tumango. "Yeah, niyayaya kita." Maarteng usal nito

Napalabi ako. "Eh paano 'yung lalaki Chaser?" Balik ko sa topic

Pinisil nito ang pisngi ko. "I don't want to think of it yet. I want to gave my whole time just for you."

Napatawa ako sa kilig. "Sige na nga! Basta may ice cream sa pupuntahan natin ha?"

Tumango lang ito at humalik sa noo ko.


I'm Inlove With A CriminalWhere stories live. Discover now