Chapter 14

343 49 5
                                    

Ice cream



"ZETZET!"

Natigil ako sa pagtakbo palabas ng campus nung narinig ko ang sigaw sakin ni Zoey.

Humarap ako sa kanila at nginitian.

"Bakit nagmamadali ka nalang palagi pag uwian? Ayaw mo ba kami kasama?" Nagtatampong tanong ni Zoey

Mabilis akong umiling. "Hindi! May pupuntahan kasi ako, ah ano...kasama ko si Chaser!" Pagdadahilan ko

Nawala ang pagtatampo niya at napalitan ng kinikilig. Bilis talaga magiba mood neto.

Inaalog alog niya ako. "Magdadate kayo? Halaaa kwentuhan mo ako ha?" She beamed

Pasimple kong sinulyapan si Jaysie. Hindi na ako nagulat na masama ang tingin niya sa akin. Binelatan ko lang siya at tinawanan.

"Oo magkukwento ako, sige baka kanina pa ako inaantay no'n eh. Ingat kayo!" Nanakbo na ulit at kumaway kaway

Maingat kong tinanggal sa pagkalock ng bike na nakaparada. Binili sakin 'to ni Kuya Hades dahil ayoko din naman daw sumabay sa kotse nila tyaka abala ako sa trabaho nila.

Sakto lang ang pagpipidal ko ng bike dahil maraming kotse at motor ako na nakakasabayan.

It's been month since Louie came to us and it's been month ng namatay si Seji.

Hinanap namin kung saan nakalibing ang girlfriend niya at doon naman siya tinabi sa libingin ng girlfriend niya.

Sana masaya kana dyan Seji...

Natigil ako sa pagbibike nung may nakita akong nagbebenta ng lobo na may design na spiderman.

Favourite ni Louie 'yon!

Tumigil ako sa harapan ng nagbebenta ng lobo. "Magkano po sa lobo?"

"50 pesos po mam!" Magiliw na sagot nu'ng nagtitinda

"Grabe kuya ang mahal naman ng lobo niyo, hindi pwedeng 30?" Tawad ko

Kumamot ito ng batok. "Pasensya kana mam, may sakit din kasi ang anak ko ngayon kaya tinubuan ko ng onti." Nahihiyang sabi niya

Ngumiti ako at kinuha ang 100 na natira sakin. "Kuya yung spiderman na lobo bilhin ko."

Inabot naman niya sakin 'yon kasabay no'n ang pagabot ko ng pera. Dudukot na sana siya ng panukli kaso pinigilan ko siya.

"Huwag na po, sana po gumaling na anak niyo!" Nakangiting sabi ko

Para naman siyang maiiyak sa tuwa. "Salamat mam!"

Tanging ngiti lang ang sinagot ko sa kanya at pagkatapos ko itali sa braso ko ang lobo, nagpidal na ako paalis.

Matutuwa neto si Louie!

....

Marahas kong binuksan ang pinto sa kwarto nila Suzey at Louie.

"Suzey--"

I stilled when no Suzey in their room.

Nasaan na 'yon? Kanina pa uwian no'n ha.

"Mama!" Narinig ko'ng tawag ni Louie na nasa sahig

Bagot ko siyang tiningnan. "I'm not your mom kid. Where's Suzey?"

"Mama!" Paguulit niya pero parang iiyak na siya ngayon

I groaned. "I'm a man kiddo! Don't call me mama!"

Napatitig siya sakin at ilang saglit lang nagsimula na siyang umiyak.

Napahilamos ako sa sobrang inis, nakakairita yung iyak niya!

Tumayo ito sa pagkakahiga sa sahig at nanakbo sakin. Nagbaba tingin ako sa kanya na nakayakap na sa binti ko.

"La...Laro!"

Bumuga ako ng hangin kasabay no'n ang pagupo ko para magkapantay kami.

"When I was in your age, i'm not playing." Tumitig naman siya sakin na para ba'ng alam sinasabi ko. "Instead of playing, i'm in self training."

"Kar...karga" sabi niya at binuka na ang dalawang braso niya

I groaned in annoyance. "Just once okay?" Tumango naman ito na parang naiintindihan ang sinabi ko

Tumalon ito papunta sakin agad ko naman siyang nayakap at tumayo na ako.

Lagot ka sakin Suzey.

...

Halos mapunit ang labi ko sa sobrang ngiti.

Mabait naman pala sa bata ang isang 'to.

Karga karga niya si Louie, para siyang estatwa dahil hindi siya gumagalaw sa pwesto niya. Pero kahit hindi siya gumagalaw akalaing mong nakatulog si Louie sa balikat niya.

Maingat kong nilabas ang phone ko at pumunta sa camera, sinigurado ko na walang flash 'yon. Pagkatapos ng ilang kuha ko ng picture sa kanila binulsa ko na ang phone ko.

Naglakad na ako papasok ng kwarto at doon lang niya ako napansin. Masamang tingin na agad ang binungad niya sakin pero sinuklian ko pa din siya ng matamis na ngiti.

"Sorry natagalan, binilhan ko kasi siya ng balloon. Favorite niya ang spiderman." Bulong ko habang pinapakita sa kanya ang balloon.

"I don't care. I have lot of killing today." Muntik na ako matumba nung basta niya nalang sakin pinasa si Louie dahil doon nagising siya

Hinipo ko ang uluhan ni Louie. "Tulog kana ulit baby, magtatrabaho pa ang daddy mo."

Pinanlakihan niya ako ng mata. "What the fuck are you saying?!"

"Pinapatulog ko ulit siya kasi may work kapa. Daddy pasalubong ha?" Pangaasar ko pa

Pinigilan ko tumawa nung nakita ko ng namula ang tenga niya sa inis sakin. Padabog itong tumalikod at sasara na sana niya ang pinto pero sinigawan ko siya.

"Chaser ice cream!" Paalala ko

Nilingon niya lang ako at padabog na sinarado ang pinto.

Napakasuplado talaga!

...

"ALL CLEAR BOSS,"

Tipid na tango lang sinagot ko sa kanila at nagsialisan na sila sa harap ko.

"Boss," bumaling ako sa gilid ko at nakita ang kakarating lang na si Hades. "Eto naba ang last natin?" Pagtatanong niya habang abala sa pagtatanggal ng dugo sa braso niya

Tumango ako. "Is there any ice cream shop near at our home?"

Natigil siya sa ginagawa niya. "Ice cream shop? Hindi ka naman mahilig sa ice cream boss." Takang sabi niya

Nagiwas tingin ako at kinuha ang phone ko. "I'm craving for ice cream." Magsasalita sana siya pero tinutukan ko siya ng baril. "Stop asking you're annoying." Sabi ko at nanguna na pumunta sa kotse

WE'RE HERE AT ICE CREAM SHOP.

"Anong flavor gusto mo boss?" Tanong ni Hades

"What's Suzey favourite flavor of ice cream?" Nabigla ako nung natanong ko yon

Bumakas ang mapangasar na ngiti ni Hades. Fuck this!

"I-I'm just asking because i don't know any flavor of this!" Duro ko sa mga ice cream

Marahan siyang tumango at hindi pa din maalis ang mapangasar niyang ngiti. "Ah, favourite niya ang rocky road at coffee crumble boss."

"Then buy that two flavor." Tinalikuran ko na siya at naunang sumakay sa kotse

Marahas kong sinara ang pinto at napahilamos sa sobrang inis.

I won't buy you anymore! I'm the boss of our organization not a maid of yours Suzey!

Not again! Not fucking again!

I'm Inlove With A CriminalWhere stories live. Discover now