Chapter Fourteen

6.1K 225 7
                                    

Valentine's day

Nagulat pa ako nang pumunta sina Ate Shawi at Ate Brenda sa bahay para lagyan ako ng make-up. Si tatay ay walang nagawa kundi panoorin ang pag-transform ng kanyang anak.

Nang matapos akong ayusan nina ate, at nang nakita ni tatay ang pagbaba ko mula sa hagdan, mangiyak-ngiyak si tatay. "Anak..." ang tanging nasabi niya. Niyakap ko si tatay nang mahigpit.

Nagpasalamat naman ako kina Ate Shawi at Ate Brenda sa kanilang ginawa para sa akin.

Nang nagpaalam na ako kay tatay na aalis na ako, nakita kong tumingin siya sa gawi ni nanay at sinabing, "Mahal, dalaga na ang anak natin. Kasing ganda mo talaga ang anak natin!"

Napangiti naman ako at hindi ko maiwasang maging proud.

Sinundo ako ni bestie at sumabay na ako sa sasakyan nila. "Bestie, ikaw ba talaga 'yan?"

Natuwa naman ako sa reaksyon niya. Kung sina tatay at bestie ay ganito ang reaksyon, ano kaya kapag nakita na ako ni Red?

Humarap ako sa may salamin ng sasakyan. Kita ko ang aking sarili—nakalugay lamang ang buhok ko na ngayon ay tuwid na tuwid. Nilagyan ako ng pale pink na make-up na naging bagay naman sa morena kong kulay. Ang totoo, kahit hindi ako maputi, bumagay pa rin sa akin ang puting damit ni Nanay.

Napangiti ako sa salamin. Sana, maging proud sa akin si Nanay.

Nakarating na kami kung saan ang venue ng aming prom. Lumabas na kami ng sasakyan at pumasok sa loob ng building. Nasa isang function hall ang venue ng aming prom, pero pinauna ko na sa loob si Pinkie.

Usapan kasi namin ni Red ay sa labas ng function hall niya ako hihintayin. At malayo pa lang ay tanaw ko na siya malapit sa pinto. Naka tux siya at halos lumuwa ang mata ko sa kaguwapuhan niya. Nakakunot ang noo niya at halatang naiinip. Panay rin ang tingin niya sa wrist watch niya.

Naku, mukhang kanina pa ata siya naghihintay sa akin.

Tumalikod siya at saka ko naman siya nilapitan. Tinapik ko ang kanyang balikat at muli siyang humarap.

Nakakunot-noo pa rin ito. "Bakit?"

Palihim akong natawa. Hindi niya ako nakilala? "Hello Red. Nainip ka ba? Sorry, ha,"

Biglang nagsalubong ang kilay niya na para bang pinipilit niyang isipin kung kilala ba niya ako o hindi. Nagsimula namang bumilog ang mga mata niya. "Kath? Ikaw ba 'yan?"

"Oo naman, ano ka ba. Para kaunting make-up lang, hindi mo na ako nakilala." Pero ang totoo, umabot kami ng ilang oras para i-transform daw ako sabi nina Ate Shawi.

"P-pero... Wow!" At matapos niyon ay wala na siyang ibang masabi pa. Humakbang siya papalapit sa akin at hinaplos ang magkabilang pisngi ko. Parang hindi siya makapaniwala na ako nga ang nakikita niya at ka-date niya ngayong gabi. "Ang ganda mo..."

Kinilig ako! Nangatog ang mga tuhod ko at parang may kumikiliti sa aking tagiliran. First time bukod kay Nanay at Tatay na may nagsabing maganda ako. Actually, siya ang pangatlong nagsabing maganda ako. Hindi naman sa nagbibilang ako, ano. Pero kung tatatlo lang din naman ang nagsabi na maganda ako, hindi mahirap makalimutan ang bilang nila.

Nanatili lang kaming nakatayo. Si Red titig na titig pa rin. Na self-concious tuloy ako. "Uhm, tara Red?"

"Dito na lang muna tayo sa labas."

"Ha? Bakit naman?"

"Para ma-solo kita..."

Kinilig akong muli sa turan niya. Pero bakit ganoon? Bakit si Blue ang naaalala ko no'ng sinabi niyang gusto niya akong ma-solo? Ganoon na ganoon din kasi ang pagkasabi ni Blue no'ng isang araw.

Dyosa ng mga PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon