Chapter Twelve

5.8K 227 3
                                    

2 days before Valentine's day

Kinakabahan ako. Malapit na ang prom. Sabi ng sastrerang kapitbahay namin ay ready na raw ang gown na susuotin ko bukas.

'Yung susuotin ko kasi, dating gown ni Nanay no'ng sumasali siya sa beauty pageant. Isa itong puting long gown na halter. Pina-alter ko lang nang kaunti kay manang sastrera kasi may kahabaan ang gown.

Ano kaya ang magiging hitsura ko sa prom? Wala pa naman akong make-up. Pulbos lang at lipstick. Isa pa wala sa budget namin ni Tatay ang pagpapa make-up sa parlor o kaya ay bumili ng make-up kit. Kaya kung ano na lang ang available ay okay na. Idadaan ko na lang sa gown. At sa partner.

Hindi naman ako nangangarap na ma-nominate bilang prom queen. Bonus na lang kung manalo ako. Pero 'yung maging ka-date ko si Red? Grand prize na 'yon!

Pumasok na rin si bestie sa school kaya naman ay masaya na uli ako. Napagkasunduan namin ni bestie na sabay kami pupunta sa prom at dadaan na lamang siya sa bahay namin.

Sina Blue at Red naman ay sabay na pupunta sa prom. Kaya naman ay sa Prom na kami ni Red magkikita.

Excited ako!

Malawak ang ngiti ko na para bang naglalakad ako sa ulap nang pumasok ako sa loob ng CR ng school. At hindi ko alam ay may crying session pala akong nadistorbo.

"Ay sorry!" sabi ko at sa second floor na CR na lamang sana ako sasagot sa tawag ng kalikasan nang nagsalita ang isa sa mga babae.

"Heto na pala ang puno't dulo ng problema ni Althea, eh!" bulalas ni CR girl number one.

"Ano Althea? Ikulong na natin 'yan dito sa CR hanggang prom night para hindi na maka-attend ng JS 'yang kadilimang nag-anyong tao," dagdag ni CR girl number two.

Tumango-tango naman sina CR girls numbers three at four, at saka ko napansin si Althea sa gitna na mamula-mula ang mga mata.

"Girls, stop it. Please," sabi pa ni Althea. "It's not her fault. Let's just be happy for her."

Hindi ko sila maintindihan. Ano ba ang kinalaman ko sa problema ni Althea?

Sumimangot si CR girl number one. "Eh, kung hindi sa malanding nognog na ito, na kasing kapal ng kilay ang balat niya sa mukha, ikaw sana ang ide-date ni Red sa prom!"

Ah. 'Yon pala ang problema. Umiyak si Althea nang nalaman niyang ako pala ang ka-date ni Red sa prom. "Labas na ako riyan, 'no. Hindi ko naman pinilit si Red na yayain ako. At saka, akala ko ba kayo ni Blue ang partner?"

Mukhang susugurin ako ni number three at four nang pumagitna si Althea. "I understand. But Blue never asked me out. Anyway, it's just a prom."

Hindi si Althea ang date ni Blue sa prom?

Ang hirap talagang kamuhian ang ganitong kabait na tao. "Uhm, hindi pa naman kami mag-on ni Red. So, may chance ka pa." Pampalubag loob lang kaya sinabi ko 'yon. Pero siyempre hindi ko naman ipapaubaya si Red ng basta-basta, 'no. "May the best dyosa win na lang."

Nagulat kami nang biglang humalakhak si Althea. "You're so funny!"

Really? Ginawa niya akong clown.

"But seriously, I'm glad Red is going out with you," dagdag pa nito. "He's a nice person and I know you're close to his family. I'm just glad it is you he chose."

Teka, dumugo ata ang ilong ko at biglang nag-buffer utak ko sa sunud-sunod niyang Ingles.

Kaya naman isa lang ang nagawa ko. Ngumiti ako at tumango, saka um-exit sa CR.

Grabe, hindi ko keri ang Ingles ni Althea. Siguro nga pang Mt. Olympus siya at hanggang Mt. Apo lang ako.

Nang dumating na ang dismissal ay nakisabay sa pag-uwi sa amin si Blue. Busy raw si Red bilang member ng committee na nag-aayos para sa JS prom. Kaya naman ay nagpa-iwan ito.

Kaso, may kasamang lalaki si Blue, si Luke De Vera. Isa rin itong third year tulad namin ni Pinkie na minion ni Blue.

Pansin ko lang din, masyadong dumidikit itong Luke sa bestie ko. Hanggang sa tuluyan na silang naglakad sa harapan namin.

"Pinopormahan ba ni Luke ang bestie ko?" bigla kong natanong si Blue.

"Ah, hindi." Bigla itong humagikgik. Parang tanga lang. "Ano kasi, kinontrata ko si Luke."

"Kinontratang ano?"

"Kinausap ko siya kung puwede niyang samahan ang kapatid ko... yayaing maging ka-date sa prom... Ang totoo, kailangan ko pa siyang bayaran para ilabas ang kapatid ko at gawing date sa prom."

"ANO?"

Tinakpan nito ang tenga niya na parang nabingi sa sinabi ko. "Kung maka ano ka, daig mo pa ang naka mega phone."

"Eh, ikaw naman kasi! Niloko mo pa ang kapatid mo! Nagbayad ka pa talaga ng tao para may partner si Pinkie! Paano na lang kung malaman niya ito?"

"Eh, gusto ko lang naman na maging maganda ang first experience ni Pinkie sa prom. Hindi man niya sabihin pero alam ko na nalulungkot siya dahil walang nag-aaya sa kanya na maging date sa prom. Sabi ko sa kanya ako na lang ang magiging date niya kaso tumanggi. Ang sabi pa niya, wala ka rin naman ka-date kaya okay lang. Kaso no'ng nalaman niyang may ka-date ka pala, eh, biglang na-depress. Kaya gumawa ako ng paraan."

Hindi ko napigilan ang humanga kay Blue. Na-touch naman ako sa ginawa niya. Mabait pala siya na kuya. Kaso alam ko kapag nalaman ito ni Pinkie, tiyak kong magagalit iyon.

"At saka..." biglang sabi ni Blue.

"At saka ano?"

"Gusto ko kasi masolo ang best friend ko ngayon."

Hayun na naman ang kuryente na dumaloy sa aking mga ugat. Sobra-sobra na ata ang kuryente ko sa katawan, baka masingil pa ako ng Meralco sa kunsumo ng kuryente. Pero, grabe, kinikilig ako sa sinabi niya. Hindi ko mapigilan!

Bakit ganoon? Bakit kahit asar na asar ako kay Blue kung minsan, pero may mga bagay na kapag ginawa niya o sinabi niya, lumalambot agad ang puso ko sa kanya.

"Best friends uli tayo?" pabiro kong tanong.

"Hindi naman nawala ang pagiging best friends natin, eh. Ikaw lang itong lumayo..."

Napayuko ako sa turan niya. Tama siya. Ako ang unang lumayo sa kanya. Kinailangan kong gawin iyon simula no'ng...

"Andito na pala tayo," narinig kong sabi niya.

"Oo nga pala." Binuksan ko ang gate at pumasok. Niyaya ko muli siyang pumasok para mag meryenda ngunit tumanggi na naman ito.

"Sandali!" sabi ko bago siya tumalikod. "Hindi pala si Althea ang ka-date mo sa prom. Sino ba talaga?"

"Ang pinakamaganda sa eskwelahan natin ang ka-date ko."

"Weh, 'di nga?" Nag-snort pa ako. Tumawa lang si Blue.

Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Blue. "Kath, 'yung pangako mo, ha..."

Hindi ko nga kasi matandaan. "Ha? Oo, sure ba!" Bahala na nga.

Ngunit malungkot itong umalis. At napagtanto kong alam na niya na nakalimot ako sa pangako namin para sa isa't isa.

#DyosaNgMgaPanget

Dyosa ng mga PangetOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz