Chapter Ten

6K 229 17
                                    

"Bestie, mauna ka nang umuwi," pasimple ko pang sabi kay Pinkie. Uwian na kasi, at maya maya pa ay darating na si Red para sunduin ako. Siyempre, gusto kong magka-moment din kami ni future boyfriend. Kaya naman ay pinipilit kong mauna na si Pinkie sa pag-uwi.

Kaso, hindi maka-gets si Pinkie. "Ha? Bakit? Sabay na tayong umuwi."

"Bestie, ano kasi... susunduin ako ni kuya Red mo."

"O, eh, ano'ng problema kung sabay tayong tatlo umuwi?"

Ewan ko ba kung slow itong si bestie o slow lang talaga. Slow, eh. "Bestfriend, wala naman masama kung sasabay ka. Kaso pagbigyan mo naman akong masolo si Red. Chance ko na ito, eh. Ayaw mo bang maging mag-sister-in-law tayo balang araw?"

"Eh, wala akong kasabay umuwi, eh," giit pa nito.

Naubusan na ako ng sasabihin kay Pinkie para makumbinsi itong mauna ng umuwi nang dumating naman si Red. Pumasok siya sa loob ng classroom. "Hi Kath!" Sumunod naman siyang humarap kay Pinkie. "Bunso, puntahan mo na si Blue. Nasa may gate na siya at hinihintay ka."

Mukhang confused si Pinkie sa mga pangyayari. Baka slow nga talaga si bestfriend? "Ha? Ah, eh, papaanong—"

"Pinkie, huwag nang makulit," sabi pa ni Red. "Pumunta ka na sa labas at naiinip na si Blue sa kakahintay sa 'yo."

Kumunot ang noo ni Pinkie at padabog na kinuha ang kanyang bag. Muli siyang humarap sa kuya niya at binantaan si Red ng "huwag mong sasaktan ang bestfriend ko!" bago siya tuluyang umalis ng classroom.

Naguguluhan ako sa naging asal ni Pinkie. Hindi naman kasi ganoon ang pagtrato niya dati sa kapatid niyang si Red. Kay Blue pa oo, kasi may pagkaantipatiko ang isang kambal na iyon. Ngunit nakalimutan ko ang mga iniisip ko nang humarap naman sa akin si Blue at ngumiti. "Tara?" sabi pa niya.

"Okay." Kinuha ko na ang bag at libro ko sa upuan. Bitbit ko sa mga braso ko ang mga libro ngunit biglang inagaw ito sa akin ni Red.

"Akin na," ang sabi pa niya.

Wala na akong nagawa at ipinaubaya na sa kanya ang libro ko. Sadyang gentleman lang talaga si Red. "Salamat."

Nagsimula na kaming maglakad papuntang gate. At tulad ng dati, pinagtitinginan muli kami ng mga ibang estudyante. Nakita ko sa isang sulok si Althea at ang kanya mga alipores. Malungkot ang mukha niya na para bang nasasaktan siya na makita kaming magkasama ni Red. Ang mga minion naman niya ay tinatapunan ako ng mga kutsilyo gamit ang mga mata nila.

"Huwag kang mag-alala Althea, mas maganda ka pa rin!" dinig ko pang sabi ng isa sa mga minion.

Ganoon? So pangit ako? Hindi siguro.

Tahimik lang kaming naglakad ni Red. Sa hitsura nito ay mukhang malalim ang iniisip nito. Pasulyap-sulyap ako sa gawi niya. Mapaseryoso, wacky o smiling face, ang guwapo talaga ni Red. Palihim akong napangiti. Parang ito na ang katuparan ng mga pangarap ko. Hindi ko mapigilan ang matuwa at kiligin, eh. Dati, pinapangarap ko lang ito. Ngayon, andito na siya, oh. Katabi ko na siya, kasama sa pag-uwi at pakiramdam ko, this is it na talaga. This is really is it!

"Uhm, Kath?" biglang salita ni Red.

"Yes?" pa-cute kong tanong.

"Ano... may ka-date ka na ba sa Prom natin?"

Siyempre wala, 'no. Open na open ako, dahil ang totoo ay wala namang nagyayaya sa aking maging ka-date nila sa Prom. "Wala pa akong napili sa mga nag-aya sa akin, eh." Siyempre rin kailangan ma-threatened siya at isipin niyang may kakumpitensya siya. Para naman magselos nang kaunti.

"Ganoon ba? Eh, kung tatanungin kita kung puwedeng ako na lang ang ka-date mo, papayag ka ba?"

"YES!" OMG, na sobrahan ata ang excitement ko. "Ibig kong sabihin, pag-iisipan ko." One second, two seconds, three seconds... Puwede na. "Okay, napag-isipan ko na. Payag na ako."

Dyosa ng mga PangetWhere stories live. Discover now