Prologue

8.7K 159 22
                                    

Prologue


"Naayos mo na ba? Siniguro mo bang hindi na siya hahabulin ng mga pulis?"

Mabilis na tumango ang kanyang kanang kamay na si Tasu. "Huwag po kayong mag-alala Master, hinding hindi na po magiging wanted si Yuwei." paninigurado nito.

Natitigan niya pang mabuti ang kausap bago tumalikod dito at tumanaw sa labas ng glass window.

"Madaliin niyo na ang paghahanap sa kanya. Ayokong nagsasayang ng oras. Lalo na ang pagpatay sa walang hiyang babaeng yon na naging dahilan kung bakit ako sinuway ni Kei. Isama mo na rin ang Lorie na yun at ang pamilya niya."

"Ginagawa na po namin ang lahat, Master. At ang maganda nga niyan eh, may lead na kung nasaan ngayon sila Young Master Yuwei. Nakaplano na po ang lahat para makuha namin siya."

Hindi niya mapigilang mapangiti. May pananabik siyang nararamdaman sa nalalapit nilang pagkikita ni Yuwei.

"May alam na din po kami kung saan nagtatago si Young Master Kei..."

Wala na siyang pakialam kung hindi na babalik pa si Kei matapos siya nitong takasan. Itinuring na rin kasi niyang kaaway ang itinuring niyang anak ng maraming taon.

Muli niyang nilingon si Tasu. "Hindi ko na siya mapapakinabangan kaya mas mabuting patayin niyo na rin ang isang yon. Ang importante ay si Yuwei. Dalhin niyo siya sa akin ng buhay at ligtas."

Dahil wala siyang hindi gagawin para lang makuha at maibalik ang kanyang pag-aari na minsan nang ninakaw mula sa kanya.


THE ONE That I Will Fight For (BOOK 3)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt