"ANO?!"

"Ha?" naguguluhan kong tanong sa kanya. "Ano'ng ano?"

"Sinabi mong may gusto ako sa 'yo."

Nasabi ko ba iyon ng malakas? "O, eh, wala naman masama kung may gusto ka sa akin. Kaso lang, taken na ako. Kaya, sorry. Better luck next time na lang."

"Sira! Masyado kang..."

"Masyadong ano?"

"Wala!"

Bad mood nga. Baka naman na-basted na ni Althea? "Problema?"

Nagbuga ito ng hangin mula sa bibig. "Wala. Bad trip lang."

"Kanino? Kay Althea ba?"

"Althea?"

"Oo. 'Di ba sabi mo matagal mo na siyang gustong ligawan? O, eh, sasama na nga siya sa 'yo sa prom, ah. Ano pa ang pino-problema mo riyan?" Si Althea kaya ang pinag-aawayan nina Red at Blue? Pero wala naman dapat problemahin pa si Blue, ah. Kasi nasa akin na ang atensyon ni Red.

Effective naman ang plano namin kaya puwede na niyang ligawan si Althea.

"Medyo nagkaproblema lang sa ka-date ko. Pero okay na 'yun. Hindi naman 'yon ang dahilan kung bakit ako bad trip, eh."

"Eh, ano'ng dahilan? Baka matulungan kita."

Nakita kong nag-isip pa ng malalim si Blue na para bang pinag-iisipan pa niya ng mabuti kung sasagutin ba ako o hindi. "Kath... Naaalala mo pa ba 'yung pangako natin sa isa't isa?"

Pangako? May pangako kami sa isa't isa? Ano nga ba 'yon? Hindi ko matandaan, eh. "Uhm, hindi ako sure. Parang..."

"Ano'ng parang?" medyo galit niyang tanong.

Bigla naman akong napaatras. Grabe pala ito kung magalit, eh. "Joke lang! Oo tanda ko pa, 'no. Ikaw talaga." Hindi ko pa rin matandaan, pero bahala na. Susubukan ko na lang aalahanin kung ano iyon pagkauwi ko sa bahay.

"Malapit na 'yon. Ilang araw na lang..."

Hindi ko talaga siya ma-gets pero tumango na lang ako. Baka magalit pa uli, eh.

"Buti naman at hindi mo pala nakalimutan," dugtong pa nito. "Akala ko kasi nakalimutan mo na..."

Patay! Ano ba kasi 'yon? Ba't hindi ko maalala? "Ako pa! Matalas memory ko, 'no!" Ano na ang gagawin ko?

Nakita ko ang unti-unting pagliwanag ng mukha ni Blue na para bang nabawasan ang problemang pasan nito sa balikat.

Nakarating na kami sa bahay. Nagpaalam na uli ito at sinabing uuwi na siya. Kumaway naman ako sa kanya bago pumasok na sa loob.

Habang papaakyat ako sa kuwarto ko, pilit kong inaalala kung ano ba 'yung pangako namin ni Blue sa isa't isa. Wala talaga akong maalala. Bakit ganoon? Hindi naman ata nagkulang sina nanay at tatay sa pagbigay ng vitamins sa akin. Gatas naman ang pinainom sa akin no'ng sanggol pa ako at hindi am. Bakit parang nagka-memory gap ako at hindi ko talaga maalala?

Sa sobrang kakaisip ko tungkol sa pangakong hindi ko maalala, napanaginipan ko si Blue nang gabing iyon...

Eleven years old ako, Twelve naman siya. Nakahiga ako sa damuhan. Siya naman ay nakaupo sa tabi ko.

"Kath, binata na ako," proud na sabi ni Blue.

"Hahaha! Binata? Totoy na totoy ka nga, eh."

"Ano ka? Binata na ako."

"Ba't mo naman nasabi 'yan?"

"Kasi nakapasa na ako sa initiation ng mga lalaki."

"Initi—ano? Ano 'yon?" Ibinulong sa akin ni Blue ang nangyari sa kanila ni Red no'ng nakaraang linggo. "Ha? Ngayon lang kayo tuli ni Red?!"

Bigla naman ako nilagyan ni Blue ng damo sa mukha kaya napaupo akong bigla. "Sige, isigaw mo pa. Hindi ka pa naririnig sa kabilang baranggay, o."

Tumawa lamang ako.

"Puwede na nga ako manligaw, eh," dagdag pa niya.

"Ngek! Bata ka pa, 'no. Ano naman ang alam mo sa panliligaw?"

"Marami! Gusto mo patunayan ko sa 'yo? Ligawan pa kita ngayon, eh."

"Oy, hindi pa ako puwedeng magpaligaw, 'no! Hindi pa puwede sabi ni Nanay."

Nagkamot pa si Blue ng ulo. "Eh, kailan ka puwedeng ligawan?"

Napaisip ako. Kailan nga ba? Wala naman sinabi si Nanay kung kailan ako puwedeng magpaligaw. "Ewan ko. Siguro kapag nasa high school na ako. Ewan."

"High school..." Natahimik naman ito. "Kung ganoon, Kath, mangako tayo sa isa't isa..."

Andoon na, eh. Maalala ko na dahil sa panaginip ko. Kaso biglang tumunog ang alarm clock at napabalikwas ako ng bangon.

Nakakainis naman!

#DyosaNgMgaPanget

Dyosa ng mga PangetWhere stories live. Discover now