(TAGALOG)SPECIAL CHILD,SPECIAL EYES

13 5 0
                                    

Ang istoryang ito ay nagmula sa aking pinsan sa Victoria Laguna.


Lima kaming magkakapatid at ako ang pang-apat na anak.Ang panganay namin ay isang special child.

Hindi siya marunong magsalita dahil nagkaroon daw ito ng sakit noong bata pa ito.

Noong bata pa kami lagi kaming malalapit sa isa't-isa ngunit habang tumatagal nawawala ang pagtatawanan at pagkakalapit naming lahat sa bawat isa.

Madalas kawawa ang panganay namin dahil lagi itong napagiinitan ng ulo.

"Wala kang kwenta,Pahirap ka lang, Dagdag alagain kalang"

Yan ang madalas na salitang laging nabibitawan sa kaniya.

Lagi siyang napapagalitan at wala siyang magawa kung hindi maluha na lang.

Natrauma siya at madalas tuwing dumadating ang akingkapatid tumatakbo ito kwarto para magtago dahil natatakot siyang saktan nito.

Ako lang halos ang sinusunod niya dahil naging mabait ako sa kaniya.

Alam ko kung ano nararamdaman ng bawat tao at marunong akong maging mapagpasensya at umunawa.

Dumating ang araw na bigla na lang nasigaw ang kapatid ko at natutulala siya ng biglaan.

Madalas ngumingiti habang nakatingin sa pader at hindi nakibo.

Akala namin noon na ayos lang siya at hindi nalang namin masyadong pinagpapansin iyon.


Isang araw habang pinapaliguan siya ng aking kapatid.

Sinisigawan niya ito sa sobrang galit dahil hindi ito nasunod sa kanyang utos.

"Mag-shampoo ka na Huy!", utos ng aking kapatid.

Ngunit hindi parin nagalaw ang special child naming kapatid.

Tinawag ako ng kapatid ko para tulungan siya.


Agad naman akong pumunta pero kahit anong gawin namin hindi parin siya nakibo.

Nakatitig lang siya sa pader malapit sa gripo.


Sa sobrang inis ko sinipa ko ng unti yung pader.

Parang sinipa ko na rin kung sino man o ano man yung tinititigan niya doon.


Biglang naalis ang pagkatulala ng aking kapatid at agad na itong naligo.

"weird", bulong ko sa aking sarili.


Kinabukasan nagulat ako noong hindi ko magalaw ang aking mga paa at tila ba na nagkaroon

ako ng isang malaking pasa sa aking paa na para bang mayroong sumipa sa akin.


Kagahapon lamang noong bumisita kami sa kaniya.

Nagdala ako ng ilaw dahil nasigaw siya sa kaniyang kwarto.

Nagulat ako noong may nakita ako na para bang lalaking nakasilip sa bintana.

Agad itong tumakbo papunta sa sulok ng kwarto noong tumapat dito ang ilaw.


Hindi na ako naglakas loob na pumasok sa kwarto sa sobrang takot ko.

Scary Stories and Urban LegendsWhere stories live. Discover now