Sundo

28 6 0
                                    

Maraming mga Pilipino ang naniniwala sa mga sundo. Sabi nila makikita mo lang sila tuwing malapit ka ng mawalan ng hininga o kaya naman kung may mawawalang mahal sa buhay mo.

Ang istoryang ito ay naganap pa noong Grade 2 pa ako.

May lung cancer ang lolo ko noon kaya naman pumunta sila dito sa aming probinsya mula sa Tagaytay dahil alam naming maalagaan sila dito ng aking ina at marami din kasi ditong mga hospital.

Aaminin ko na spoiled brat at isa pa akong dugyuting bata noon. Kaya lagi kaming nag-aaway ni lolo. Sobrang sama at disrespectful ko noon kaya hindi kami masyadong naging close noon.

Ngunit dumating ang araw na nanghihina na si lolo at lumalala na ang kanyang cancer.

Mga isang linggo bago siya pumanaw pinapasara niya ang aming mga bintana at pintuan namin sa aking lola. Tinanong siya ng aking lola kung bakit niya gustong ipasara.

Sabi ni Lolo marami daw taong nakatayo sa labas ng aming bahay. Wala naman silang ginagawa pero baka makapasok sila kaya isara mo na yung pinto.

Sianara naman ni Lola yung pinto pero kahit isang bata o matanda wala naman siyang nakita sa labas ng aming tahanan.

Kinagabihan noon bumaba ako sa aming sala at nakita ko pa noong nanonood ng lotto si lola kaya nakinuod muna ako sa kanya pero nagtaka ako kung bakit wala si lolo kasi madalas siya ang tumataya at nanonood ng lotto dahil lagi siyang humihiling na manalo man lang siya para yumaman.

Kaso sa sobrang antok ko noon umakyat na agad ako sa papunta sa aming kwarto.

Pag kagising ko noong kinabukasan naglalakad pa-akyat baba sa hagdan si Mama.

Sa aking pagtataka bumaba din ako at nakita ko na wala ng buhay ang aking lolo.

Hanggang ngayong pinagsisishan ko ang pagiging pasaway at masama kong tao sa kanya.

Makalipas ang ilang taon habang nagu-usap kami ng lola ko naikwento niya ulit ang nangyari noong gabi bago mawala si lolo.

Sinabi niya na hinahanao niya ang kanyang bunsong anak at pinapapunta sa aming bahay dahil gusto niya itong makita at makausap.

Siyempre dahil sila ay nakatira sa maynila sinabi ni lola na hindi siya makakapunta dahil malayo pa ang bahay nila.

Matapos ang ilang oras ng katahimikan. Nagsalita si lolo. Hindi mo ba alam na may katabi akong babae.

Nagtaka si lola kasi sila lang naman ang nasa kwarto.

Ngunit bago pa siya magsalita biglang tumirik ang mga mata ni lolo at nawalan na siya ng hininga.


Sabi ng iba nakakakita din daw ng spirits ang mga aso.Kaya bago pa man din mamatay ang aming aso tahol ito ng tahol habang nakatingin sa madilim na parte ng aming bahay at umiiyak ng tuloy-tuloy ng mga halos kalahating oras bago pa man ito mamatay.

Scary Stories and Urban LegendsWhere stories live. Discover now