Manika

37 6 5
                                    


Aaminin ko na simula noong bata pa ako takot na talaga ako sa mga manika. Siyempre sino ba naman ang batang hindi matrauma matapos panoorin ng Bride of Chucky o kaya naman annabelle at kung ano-ano pang mga nakakatakot na pelikula na tungkol sa manikang nabubuhay.

Nandidiri din ako sa mga manika. Hindi ko alam kung bakit pero tuwing nakakakita ako ng manika nag i-iba bigla ang aking pana=lasa at parang nasusuka din ako. Lalo na tuwing nakain ako ng mga tinapay o cake.

Halos lahat ng manikang binibigay sa amin ay lagi kong tinatago o kaya tinatakpan ng kung ano mang tela para lang hindi ko sila makita.

Ngunit sa lahat ng mga naranasan ko sa buhay isa lang ang hindi ko makakalimutang pangyayari na may kinalaman sa mga manika.

Bata pa ako noon mga 4 or 5 years old nang pumunta kami sa Nueva Ecija dahil doon nakatira ang aking Lolo at Lola. Tuwang-tuwa ako noon nung makita ko ang aking mga pinsan. Kaya hindi ko mapigilang makipaglaro sa kanila.

Dahil sa sobrang laki ng lupain nila lola halos mapagod na kami ng todo-todo kakahabol sa bawat isa. Pagabi na noon kaya pinauwi na kaming lahat dahil masyadong delikado baka daw masagasaan kami o kaya ay manuno.

Naligo ako at agad na kaming natulog sa aming kwarto.

Katabi ko pa noon ang aking tatay kaya hindi ako masyado natatakot at dahil sa sobrang pagod nakatulog na agad ako.

Tumitilaok na agad ang mga manok  habang pasikat pa lamang ang araw kaya't bigla akong nagising.Ngunit napansin ko na umalis na pala ang aking Ama. Naisip ko na maaring pumunta lang sila sa bukid o kaya naman sa bahay ng aking tiyuhin.

Natulog na lang ulit ako dahil sobrang sakit pa rin ng aking katawan dahil sa kakalaro.

Makalipas ang ilang oras nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa loob ng cabinet ni Lola.

Bubuksan ko sana iyon ngunit may nakita akong manika na nakatayo sa aming pintuan.

Patuloy na kumakaway sa akin ang manika na para bang inaaya niya akong sumama sa kanya. 

Agad kong sinabi na ayaw ko sa kanyang sumama ngunit ayaw tumigil ng manika sa kaka-kaway ng kamay nito sa asobrang takot ko natulog na lang ulit ako.

Hapon na noon nung nagising ako at naglibot ako sa buong bahay upang hanapin ang manika.

Tinanong ko din ang aking mga pinsan kung inuuto lang nila ako.

Syempre sasabihin nilang hindi. Kaya hindi ako naniwala sa kanila at patuloy ko pang hinanap ang manika.

Tinanong ako ng ate Aya ko kung ano ang problema ko at kung may hinahanap daw ba ako.

Sinabi ko naman sa kanya na may hinahanap akong manika na brown ang buhok at may suot na pulang damit. "Medyo malaki siya  kaso hindi ko na makita ih". litong-lito kong sinabi sa aking pinsan.

"Uy manika ata yun ni Irene ah! saan mo nakita?"Tanong ni Ate Aya.

"Doon po sa kwarto namin kaninang umaga nakita ko nagala....",naputol ang aking pagsasalita noong biglang nakisingit si Ate Irene.

"Matagal na naming hinahanap iyon....nawala kasi yun sa kabilang bahay pa ata? huwag mo muna sabihin kay Irene ha.....galing kasi yun sa namatay na niyang kaibigan dahil sa Dengue noong isang taon pa....."


Scary Stories and Urban LegendsWhere stories live. Discover now