Mr.Scratchy Face

48 7 4
                                    

Ok...You might think that the title is funny pero hahahaha I am so sorry isasama ko lang kayo sa aming kabaliwan.

It was the summer of 2018. Alam ko wala pa ako phone noon eh. Kasi laging kinukuha ni Mama tuwing nag-aaway kami ng aking kapatid o kaya tuwing hindi kami nasunod sa kanilang mga utos.

So as usual lagi kaming naghaharutan ng aking kapatid at lagi kaming naglalaro bago kami matulog.

I remember na every night noong summer na iyo laging may kumakalmot sa sahig ng aming third floor. Iniisip namin na daga lang yung or pusa.

Alam ko na hindi kami dapat matakot dahil nakasara naman mga pintuan namin at kung sino man yun ay hindi makakapasok sa kwarto namin.

Pero wait maiba muna....

Nasa double deck kami na kama noon at ako ang nasa taas. Halos malapit na ako noon sa aming maalikabok na ceiling kaya naisipan ko itong linisan ng basang basahan.

Minsan may mga kahoy na pag nabasa ay sadyang maumuti kaya matapos kong punasan ang kisame nagiba bigla ang kulay nito.

Bago ako matulog napansin ko sa kisame na para bang naka buo ng imahe ang mga napunasan kong bahagi ng kisame.

Isang babaeng nakabigti.Kitang-kita ko ang pagka gulo ng buhok nito pati narin ang linya ng lubid. Siyempre natakot ako pero inisip ko na imahinasyon ko lang iyon.

Kaya naisipan ko na punasan ulit ito. Kada punas ko laging may iba't-ibang hugis na nabubuo.

Lagi akong natatakot hangga't sa nakasanayan at makalimutan ko na iyong mga yun.

Pero yun nga..... back na tayo to Mr.Scratchy face....

Dati normal lang sa amin yung tunog ng mga may kumakalmot sa third floor dahil may mga alaga pa kaming manok noon.

Pero nung 2018 wala na. Sabi ni Papa pusa lang iyon pero sa halos gabi-gabing may kumakalmot sa lapag ng aming third floor wala kaming nakikitang dumi ng kahit anong pusa doon.

At tuwing pinapaakyat namin ang aso sa third floor tuwing gabi ay lagi itong natahol sa dilim at para bang laging may tinataguan.

Dahil sa kalokohan namin ng aking kapatid naisipan naming tawaging Mr.Scratchy face kung sino man ang gumagawa ng ingay sa taas.

Iniisip namin na may matulis itong kuko kaya may mga marka ng kalmot kaming nakikita tuwing umaga sa itaas ng aming bahay.

Lagi namin itong pinapanakot sa isa't-isa.

Maraming mag-iisip na baka aswang.

Siyempre para sa akin iyon din ang aking agad na naiisip. Dahil marami na din ang mga nakwekwentong kababalaghan dito sa aming subdivision.

Isa sa mga kwentong narinig ay sa aking guro noong elementary pa kami.

Nakatira sila sa Los Banos pero dahil sobrang layo pa nun sa aming paaralan naisipan nilang mag rent ng bahay sa subdivision namin.

Ang lugar nila ay mapuno at tanaw na tanaw ko pa yung mga  punong iyon sa aming third floor.

Ang lugar nila ay mapuno at tanaw na tanaw ko pa yung mga  punong iyon sa aming third floor

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

so as you can see yung may arrow sa ibaba nun nandoon yung bahay nila.

Gabi noon and may nakitang malaking itim na pusa yung teacher ko. Nagulat siya dahil pag balik niya naging isang matandang babae agad ang pusa. Bumaba ang teacher ko para sabihin sa boyfriend niya pero agad siya nitong pinatahimik.

"Naririnig mo yun? parang may aswang ata dito ah? hahaha", takot na tinanong sa kanya ng Bf niya. Ngunit tumawa lamang sila para itago ang kanilang kaba.

Hindi sinabi ng Teacher ko sa kaniyang isang babaeng kaibigan na guro din namin ang kaniyang nakita dahil alam niyang matatakot ito.

Sa gabing iyon hinayaan niyang magsampay sa labas ang kaniyang kaibigan at tsaka niya lamang ito kinwento sa kanya noong sumapit na ang kinabukasan.

Scary Stories and Urban LegendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon