Tinig sa dilim

42 7 5
                                    

Ang istoryang ito ay magpapaalala sa atin na hindi lahat ng naririning at nakikita natin ay laging may katotohanan.

Bata pa lang kami noon at sadyang mahilig kaming magtakutan nila mama at papa.

Tanda ko pa noon na halos takutin nila kami ng sobra-sobra hangga't sa mapaihi kami at hindi na makatulog. Halos hindi ko na nga maiunat ang aking mga paa sa higaan dahil lagi ko pang naiisip na may taong hi-higit sa akin pag nakalabas ang aking paa sa aking kumot.

Pero hindi ko parin maisip na tuwang-tuwa at lagi akong nae-excite tuwing magkw-kwento ang aking mga magulang at lalo na ang aking mga lola ng nakakatakot na istorya.

Ngunit habang lumalaki ako napapansin ko na laging naiwas ang aking tatay sa panonood o pagkw-kwento ng mga nakakatakot na palabas o istorya.

Kaya dumating ang isang araw na pinilit namin siya ng todo-todo habang nag-uusap kami nila Mama sa third floor ng aming bahay.

"Pa..dali na magkwento ka naman ng nakakatakot!", paulit-ulit ko na pangungulit sa aking tatay.

"Ano ba tumahimik ka nga", galit na sinabi ni Papa.

"Dad dali na!!!", sigaw ko.

"sige sabi mo yan ha! sige magkwekwento ako pero sa sofa ka matutulog ngayong gabi", biro ni Papa.

Noong mga 25 years old pa ako nagtatrabaho ako bilang security guard sa Nueva Ecija.

Tanda ko pa noon na padilim na noong nakauwi ako. Pero nakita ko yung mga tito ko.

Agad nila akong inaya para makipaginuman sa kanila sa bahay kubo.

Nagtatawanan pa kami noon hanggang sa may marinig kaming parang huni ng uwak pero parang may kakaiba. Malakas ang tinig nito pero napansin ko na napatigil sa kakatawa ang aking mga Tito.

"Uy yung kapit bahay natin aalis na ata.",pabirong sinabi ng kanyang mga tito.

"Alam mo ba na yung kapit bahay natin si Aling Tesa naglalaway kanina noong nakita niyang malaki na ang tiyan ni Tiya Isabel", sabi ni Tiyo Allen.

"Pansin ko nga ayaw nun lumabas tuwing nakasikat ang araw..sabi nila aswang daw yun.", pabirong sinabi ni Papa.

Makalipas ang ilang minuto narinig muli nila ang huni na para bang galing sa kakaibang ibon o hayop ngunit mahina na ito at hindi na malakas.

Tumahimik sila Papa at agad nilabas ng Kanyang Tiyo ang malaki nitong itak at agad silang nagtakbuhan pauwi.


Biglang sumigaw si Papa at agad kaming naghiyawan ni Mama.

"AHHHH! Pa naman ih!", sigaw namin ni Mama.

"Pero bakit naman kayo tumakbo eh akala ko ba mahina na yung tinig nung aswang?", aking tanong kay Papa.

"Alam niyo ba na ang aswang daw ay malakas ang huni tuwing malayo ito pero mahina naman ang kanilang huni pagkamalapit sila sa iyo?", panakot ni Papa sa amin habang nakangiti siya.

Agad na kaming nagsibabaan at natulog na agad. Tanda ko pa noon na hirap na hirap talaga akong matulog dahil sa mga bangungot na inabot ko.


Makalipas ang Ilang taon nalimutan ko din ang kanyang istorya.

May CAT kami kinabukasan kaya naghanap na agad ako ng puting damit para may maisuot ako.

Pero nakita ko na wala na pala akong damit. Kaya naisipan kong maglaba.Aaminin ko na gusto kong umabsent ngunit papagalitan ako ng aming Platoon Leader.

Kaya napilitan akong maglaba ng aking mga damit. 

Matapos ang ilang oras ng paghihintay agad na tumigil ang washing machine at agad akong umakyat sa aming third floor para magsampay.

Pero parang may nararamdaman akong kakaiba kaya nagdadalawang isip pa ba ako kung tu-tuloy pa ba ako o hindi na.

Kaso wala akong choice.

Umakyat ako sa taas habang pumapadyak para mawala ang aking kaba.

Nilapag ko yung basket sa sahig at ingat ko ang bubong para i-ipit ang phone ko para may flashlight ako kasi hindi masyado malina ang ilaw namin sa third floor.

and incase na nagtataka kayo paano ko na-angat yung bubong. Hindi kasi mataas yung bubong tapos medyo pangit yung pagkakagawa kaya may space na pwede kong singitan ng phone ko.

I opened my phone para makinig sa songs ni lady gaga at Ariana Grande.

Pero bago ako makapgsimula may napansin ako sa bubong ng aming kapit-bahay.

Parang may taong nakayuko at nagtatago sa likod ng bubong.

Naglakad ako papalapit at sinubukan ko itong tanglawan ng ilaw pero hindi umabot ang ilaw dito ang tanging napansin ko lang ay para bang naiba ang position nito.

Nanginginig ako sa sobrang takot kaso no choice eh. Need ko magsampay or else wala ako masusuot.

Kanta-kanta na lang ako pero deep inside halos magshut down na ako sa sobrang takot.

Tahimik ang paligid nun. Siyempre kami lang halos may third floor sa eskenita namin.

Hanggang sa may paniking lumipad papunta sa tass ng aming bubong.

*Boom

May kumalabog.Tumigil ang puso ko dahil para bang may mabigat na taong biglang nasa bubong namin.

Naluha ako noong nakita ko na ang bawat lubid na nakasabit sa pundasyon ng aming bubong ay nagalaw.

Hindi ako na-nanaginip dahil dinig na dinig ko ang pagkalabog sa bubong at alam ko na hindi na yun paniki.

Hinampas ko ng hinampas ang yero pero dahil paulit-ulit ko nang naiiangat ang aming bubong agad akong naluha dahil bumigat ang aming bubong.

Alam ko na kung sino man ang nasa bubong pwedeng sumilip sa kahit anumang direksyon.

Masyado akong natakot para tumakbo sa hagdanan dahil malapit iyon sa dulo ng bubong baka mamamaya may dumungaw o humatak sa akin.

Tumigil ang aking paghihiyaw noong biglang gumaan ang bubong namin at may lumipad na paniki palayo sa aming bubong.

Binilisan ko ang aking pagsasampay at agad akong bumaba.

Binuksan ko ang aking cellphone at nag video call sa aking mga kaklase.


Habang nanginginig ako sa sobrang takot. Kinwento ko sa aking dalawang kaibigan ang nangyari.

Pero agad akong napahinto noong narinig ko na may biglang bumababa sa aming hagdanan mula sa third floor.


Scary Stories and Urban LegendsWhere stories live. Discover now