Nabingi ako bigla, hindi sa sinabi niya kundi sa hiyawan ng mga kasama ko. At nagpalakpakan pa.

Tsk, bunch of psychos.

"Binata na ang baby boy namin." puno ng pagmamalaki na sabi ni Ice na tinapik pa sa balikat si Flame.

"Naks, tuli ka na ba totoy?." tanong ni Earth na nagpasimangot kay Flame.

"Maganda ba naman?. Wag sanang sobrang ganda para maglevel naman kayo. Ang Ordinaryo ng mukha mo ehh, di katulad ko gwapo." dagdag pang aasar pa nito.

"Woman equals beer." Aero said, na sya namang pinakamadaling malasing samin.Galing na pala ito ng kusina at may bitbit na ngang anim na beer in can na nakapatong sa tray.

"So, who is this girl?Is she pretty? Where and when did you met her? ". sunod sunod na tanong ni Light na kasunod na ni Aero, bitbit naman ang dalawang bowl ng strawberries.

"I dont know her, not even her name." nahihiyang sagot ni Flame na pulang pula na ang mukha.

Napabuga ako ng hangin, kaya pala 911.

"Naka.. mahina pala to. Tsk, wala sa lahi natin ang mahina sa babae, Flame." palatak ni Ice.

Kunot noo kong tiningnan ang stolen shot ng babae sa cellphone na inabot ni Flame,halatang hindi maganda ang posisyon ng camera dahil bahagyang nakaslant ang litrato. Nakatagilid kya kita ang halos kalahati ng mukha, may simpleng ngiti sa mga labi habang nakatingin sa harapan.

Tumingin pa ako ng ibang litrato. Lahat ay stolen shots, may naglalakad, may nakaupo lang sa bench, may nakayuko, nakatalikod at marami pa sa ibat ibang anggulo.

"Kelan ka pa naging stalker, hah baby boy?." sita ko kunwari.

"Oo nga, kelan pa?" segunda ni Earth.

"Pwede naman magpakilala di ba?"

"At kunin ang number niya."

"At itext, tawagan yayain ng date at syotain agad."

Lord, sana may himala at tumino na ang mga psychos nato. Have mercy on me, Lord.

And Lord did have mercy on me dahil ng samaan ko ng tingin ang apat ay kanya kanya na itong baling sa kung saan na parang may sariling mundo.

" Oh, look.. over there, is that a shark?" akbay ni Ice kay Light na tumuturo sa kung saan.

"No, its a plane." sagot naman ng tinanong na sinisipat din kunwari ang itinurong direksyon.

"Mga bopols, omar yan."

Tig-isang sapok galing kay Aero ang nagpatigil sa mga ito.

Yun ang akala ko.

Pagkatapos masapok ay nagkatinginan ang dalawa at sabay na tumingin kay Aero,at nagyakap silang tatlo!!!

"—Ayoko pa mag end of the world."

"–—Gusto ko pa mag asawa, magkaanak at magkaapo."

"—Tapos aasawahin ng anak ko yung anak mo."

Si Aero naman ang sabay na nasapok ng dalawa.

"Tarantado. Incest yun." sabay nilang sabi.

Natawa na lang ako sa bangayan nila at nagpasalamat kay Earth nang abutan niya ako ng beer at inilapit saken ang isang bowl ng strawberry.

Binaling ko na lang kay Flame ang atensyon ko.

"Ganito mo sya kagusto?" tanong ko sa kanya, pareho kaming dedma sa paligid dahil napaliligiran kami ng mga baliw. Siguradong walang matinong usapan na matatapos.

Alanganin syang tumango, kumunot ang noo ko. "Your'e not sure yet?"

"I am sure, baka lang kasi.."

"Baka?" gagad ko.

"Baka magalit ka saken. You know i dont want you to be mad at me."

"Baket naman ako magagalit sayo kung may magugustuhan ka?." takang taka kong tanong.

"I did promise you na bukod kay Nanay at sayo ay wala na akong titingnang ibang babae."

"Baby boy, iba naman yun. Kami ni Nanay, iba kami sa magugustuhan mo. Iba yung love mo kay Nanay at iba saken ." paliwanag ko. "I am not mad, im actually happy for you. And im willing to help you." sabay kindat ko.

Nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko. Nasiyahan ako sa nakita kong saya sa mukha niya. Ang kasiyahan ng limang lalaking ito sa harap ko ay kasiyahan ko rin, even they are psychos to the highest level.

" Mag umpisa tayo bukas kung san tayo mag sisimula."

Tapos ay inambaan ko sya ng 'cheers at nakangiting inabutan ng strawberry.

Yes, call it weird but we all love beer with strawberry.

Ash of FireTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang