Chapter 1

5.9K 166 21
                                    

Why she's here when she is not living for her own but for someone else's sake? Until now she can't get a valid answer to that question. The world she lived is vast and powerful but it doesn't even have the clue she needed of why her existence merits to stay or not.

Pinulot niya ang blade sa ibabaw ng tokador at itinapat ang talas sa kanyang pulso. Kapag hiniwa niya ang sarili, matatapos na ba ang lahat? Matatahimik na ba siya? May makakaalala kaya sa kanya? Matatandaan kaya ng mga tao sa pagilid niya na minsan ay may isang Vanissa na nabubuhay?

Siguradong wala.

Kapag namatay siya, mabubura lahat ng tungkol sa kanya. Hindi titigil sa pag-inog ang mundo. Magpapatuloy sa nakagawian ang mga tao. Walang may pakialam.

May dalawang uri raw ng patay. Katawang  may puso pero hindi humihinga at humihingang katawan pero walang kaluluwa. Nakahanay raw siya sa ikalawang uri. Mas masahol pa kasi kaluluwa at puso ang wala sa kanya.

Tumayo siya. Pumasok ng banyo at itinapon sa basurahan ang blade. Sinasaktan na nga siya ng ibang tao, pati sarili niya mananakit pa sa kanya? At nakakadiri ang dugo. Siguradong hindi siya pupunasan ng mga tao sa bahay ito. Baka nga balutin lang siya ng kumot at itapon sa ilog imbis na ilibing ng maayos. Dapat niyang tandaan na sarili lang niya ang kakampi niya.

Nagbihis siya ng pulang gown. Nag-ayos ng sarili. She applied dark make-up and left her hair hang freely on her open back. Nakapaa lamang siyang lumabas ng silid at bumaba ng drawing room. Dumaan siya ng bar. Binitbit ang bote ng whiskey at tumutungga habang papasok ng kwarto.

"Mabuti at naisip mo nang bumaba. Namumuti na ang mga mata namin sa kahihintay rito."

But she just rolled her eyes. Muli ay dinala sa bibig ang bote. Sabay na gumuhit sa lalamunan niya ang anghang at pait ng alak. Pinunasan niya ang bibig at iniisa-isa ang mga taong matiyagang nakatunganga sa kanya. Naghihintay. Nabubugnot. They're all looking at her with disgust, desdain, and hatred.

Krema and Kiki. Ang dalawang anak ng yumao niyang asawa na si Don Percival Cornejo.

Ylustina Montes. Ang bunsong kapatid ng don.

Atty. Archie Carillo. Ang abogadong may hawak ng last will and testament na babasahin ngayon.

Mag-iisang linggo pa lang mula nang mamatay sa atake sa puso ang asawa niyang matanda. Sa halos isang buwan nila bilang mag-asawa'y wala siyang ginawa kundi iligtas ang sarili sa mala-cinderellang trato ng pamilya nito.

Nagliliwaliw siya sa labas kaya lumala ang masamang reputasyon niya. Pero kung tutuusin hindi siya ang mapilit na pakasalan. Ang matanda ang nagmamakaawa dahil kailangan daw nito ng kasama sa buhay. Bilang isang lagalag na rumaraket sa swimming pool dancing, pagkakataon na iyon para magkaroon siya ng disenteng tahanan.

Pero ano nga iyong kasabihan? Ang bahay ay bato pero ang laman ay mga kwago.

"Babasahin ko na ang huling habilin ni Don Percival," sabi ng abogado at kinalkal ang laman ng attache case.

Kahit ignorante siya sa batas, alam niyang malaking bahagi ng yaman ng matandang don ang mapupunta sa kanya dahil legal ang kasal nila. Pero ang pera ay hindi kayang bumili ng paraiso. Ang gusto niyang buhay, hindi maluho. Kahit sapat lang ang pagkain sa hapag basta't hindi basura.

"Excuse me, attorney," nagsalita siya at nilapag sa mesita ang bote ng whiskey. "Mabait sa akin si Percival. Bilang respeto sa alaala niya, hindi ako makikinabang kahit isang sentimo sa kanyang kayamanan. Ibigay mo lahat sa mga anak niya at sa kapatid niya. Aalis na rin ako sa bahay na ito. Ah, itong damit na ito hihingin ko na. Baka lalo kayong ma-eskandalo kung hubo't hubad akong maglalakad palabas."

NS 10: SECRETLY TAKEN ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon