Kabanata6 (No.Hindi.Never)

Magsimula sa umpisa

"Hindi natin pag-iisipan ang sinabi ni Dhin. Ikaw at si Gianna lang ang pamilya ko." Pinunasan niya agad ang luhang nagsisimula ng maglandas sa magandang mukha ng kanyang asawa.

"Si Gianna lang ang ituturing na prinsesa ng pamilya natin." Tinabihan niya na ang misis at tsaka niyakap ng mahigpit.

Flashback

"Hi." Agad na napalingon ang mag-asawa ng marinig ang pagbati. Pero halos sabay naman na nawala sa mga mukha nila ang ngiti ng mapagtanto kung sino ang taong iyon.

Si Dhin. Si Gino ang unang nakarecover sa pagkagulat

"Hi. Kumusta?" Hindi niya alam kung bakit. Pero bigla na lamang niyang hinapit sa bewang ang misis. Dahil alam niya kung anong issue ang napagdaanan nila nang dahil sa babaeng ito.

"I'm ok. It's nice to see you both." Napansin agad ni Andrea ang kapaitan sa tono ng kausap. Hindi naman siya ganun katanga. May mali,at ramdam niya ito. Agad na hinanap ng mata niya si Gianna na kasama ngayon ng lolo nito.

"If you don't mind Andrea. Can I talk to Gino for a minute?"

"Hindi naman siguro ganoon kaimportante ang sasabihin mo para kailangan pang umalis ang asawa ko. At paniguradong malalaman niya kung ano man ito dahil paguusapan at paguusapan din namin ito mamaya."

"Ok. Unang-una sa lahat humihingi ako ng tawad sa lahat ng ginawa kong kasalanan noon. Masyado lang siguro akong nabulag sa pagmamahal ko sayo." Ramdam ni Andrea ang paghigpit ng yakap sa kanyang bewang ng asawa.

"Pero.. mayroon akong gustong hilingin sa inyong mag-asawa" agad na nagkatinginan ang magasawa sa sinabi niya .


"What??! Are you out of your mind Dhin?" Hindi mapigilan nI Gino ang pagtaas ng kanyang boses sa narinig sa kausap.

"Please. Nakikiusap ako. Hindi ko naman akalain na darating ang pagkakataong ito."

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Gusto mong ipaako sa akin ang anak mo? Mukhang malala ka na" nabakas agad sa mukha ng kausap ang sakit sa mga sinabi niya.

"Hindi ko naman ipapaako Gino. Ang alam niya kasi ikaw ang tatay niya. Nakita niya ang isa sa mga pictures natin ng magkasama at ang inakala na niya ay ikaw ang Daddy niya. Hindi mo naman ako masisi kung hindi ko nagawang itama pa ang maling akala niya kung makikita mo lang ang kasiyahan sa mga mata niya. Please. Nakikiusap ako. Andrea please." Ngayon ay halata na ang desperasyon sa boses nito.

"I'm sorry Dhin. Pero imposible yang gusto mong mangyari. Ano na lang ang mararamdaman ng anak namin pag nalaman niyang naging unfaithful kuno ako sa mommy niya."

"Andrea. Please. Nanay ka rin. Alam mo ang pakiramdam kapag alam mong may kulang sa anak mo na alam mong hindi mo kailanman mapupunan." Napailing siya sa sinabi ng kausap. Hindi ba naisip ng babaeng ito na maaring mas lumalala ang sitwasyon kapag nagsinungaling pa siya.

"Tama ka Dhin. Nanay din ako." Nakitaan niya agad ng pag-asa ang mukha nito dahil sa sinabi niya.

"At dahil nanay din ako I will never compromise the feelings of my daughter. I will never let anyone to hurt her. My daughter admire her father a lot at ano na lang kaya ang mararamdaman ng anak ko pag nalaman niyang may anak pang iba ang Daddy niya sa iba. Hindi. No.Never. 'Yan ang sagot ko sa pakiusap mo." Tumalikod na siya at handa ng unalis ng magsalita ulit ang babae.

"Kung tutuusin ay kasalanan mo lahat ito Andrea. Dahil kung hindi ka pa nagpakita ulit ay sana kami ang pamilya ni Gino. Ang anak ko sana ang masaya ngayon. Ang anak ko sana ang may buong pamilya." Ngayon ay puno ng galit ang tono niyo. Ang plastik naman talaga. Nakuyom niya ang mga kamao sa narinig sa babae bago ito harapin ulit.

Our Own Love Story (Axel and Gianna)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!