You're crazy, Micah! You are not supposed to be attracted to that girl! She's way too young for you. How old is she? Eighteen? Nineteen? Inosente pa iyon! Eh, ikaw? Magtu-twenty-six ka na sa susunod na buwan.

If she's just nineteen, seven years lang naman ang gap namin. Kung eighteen pa lang siya, eh di eight years. Walang problema roon. Adult na rin naman ang eighteen.

But then, my superego insisted that she's still way too young! Napakagat-labi na lang ako.

Sumagi pa ulit ang maganda niyang mukha sa isipan ko. Naisip ko lang. Ang daming magagandang babae ang nakasalamuha ko na. Ang iba'y halos ihain na ang mga sarili sa harapan ko. But none of them made me feel this way. Iba ang dating niya sa akin. I wonder what made her so irrisistible. Dahil ba tingin ko'y inosente siya? Walang karanasan? But Lindsey was the same when I first met her. Hindi naman ako naging ganito noon. Is it because of her having a gay boyfriend? Atat lang ba akong ipakita sa kanya kung ano ang magagawa ng isang straight na bf kung sakali?

Whoah, wait! What did you say? BF? Take note. She's still mending a broken heart! Don't take advantage of her vulnerability!

I rolled my eyes. Itong si superego talaga ayaw patalo.

"Hi, Manang," tawag ko sa katulong nang mabungaran ko siya pagkabukas ko ng pinto para lumabas na sana ng silid. Mukhang kagagaling niya lang sa kumedor.

"Yes, ser?" sagot naman niya.

"Iyong bisita natin?"

"Ah. Iyong estudent po, ser? Naku, nasa kumedor pa po. Lumalamon, este naghahapunan."

"Naghahapunan? I thought she said she's full? Busog siya, di ba?"

Ngumisi ang katulong at nagbida na kung gaano siya kagaling magluto. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Pasabi sa kanya her taxi is coming in thirty minutes. Iyon ang maghahatid sa kanya sa kanila."

"Yes, ser!" At nagbiro pa si Manang. Nag-stand at attention ito kunwari at nag-salute pa sa akin. Pero nang makita akong nagdampot ng helmet sa ibabaw ng divider ay sinundan ako sa pintuan palabas. "Ser, iiwan n'yo ang babae rito? Saan kayo pupunta?"

"Gaya nga ng sinabi ko sa inyo, darating ang taxi na maghahatid sa kanya sa kanila. Siguraduhin mo lang na maisulat mo ang plate number. May bibilhin lang ako sa 7-Eleven."

Magpoprotesta pa sana si Manang, pero pumasok na ako ng elevator na magdadala sa akin sa groundfloor. Kumaway ako sa kanya. Sinimangutan niya ako kung kaya napangiti ako. Bago magsara ang elevator door ay nakita ko naman si Shane na lumabas ng pinto ng unit ko. She was shocked to see me going down. I saw her mouth moved. Parang may sinasabi sana sa akin, pero nagsara na ang elevator. Buti na lang. Ayaw kong maulit ang nangyari kanina. I may be attracted to her, but she is off limits. I do not want to have another Lindsey in my life. Kaya ang hirap hiwalayan ng babaeng iyon dahil ako ang nakauna sa kanya. Hindi naman sa hindi ko iyon pinahalagahan. Sobra ko iyong na-appreciate noon dahil siya ang unang babaeng naging akin na ako ang naka-first base. Inisip ko noon na kami na for life. Na espesyal ako sa kanya dahil sa akin niya iyon unang sinuko. Kaso, niloko rin ako at pinsang buo ko pa ang naka-affair. Doon ko na-realize na hindi guarantee ang pagiging birhen ng isang babae para maging faithful ito sa taong una nitong pinagsukuan ng kainosentehan.

Sumagi na naman sa isipan ko ang mukha ni Shane. Her wide, innocent eyes and her beautiful smile. Bigla akong napangiti. Kung anu-ano na ang naalala ko. And for no obvious reason, I began to laugh. Napatingin sa akin ang ibang residents na nadaanan ko sa lobby. They looked at me in a weird way. Pinagkibit-balikat ko na lamang iyon.

**********

Shane Andrea Juarez

"Hi," bati ng pamilyar na tinig. Paglingon ko, nakita ko si Micah. He was smiling at me. Naka-apron pa siya. Parang mukhang kagagaling lang sa kusina ng store nila.

Nahihiya man gawa ng pangyayari noong isang araw, humarap pa rin ako sa kanya at kumaway pa. Then, I pretended I was not that interested to talk to him. Kunwari lang iyon. Pero siya naman talaga ang pakay ko kung bakit ako pumunta sa store nila. Gusto ko lang siyang makita. Gano'n. Saka nais kong malaman kung mayroon siyang interes sa akin na higit pa sa pisikal na atraksiyon. Pero siyempre, kailangan kong maging subtle. Ang sabi ni Eula, kapag masyadong obvious ang babae'y nakakawala raw ng gana. Iyon ay ayon din sa mga boy friends niya tulad nila Drae at Mason, mga basketball players namin.

As I was about to put my milk tea on the table where I left my things, nakita kong dumaan sina Mason, Thijs, at iyong palagi nilang kasa-kasama na basketball player from Uste. Nakaakbay si Thijs sa lalaking taga-Uste. Tapos bigla na lang silang tumigil sa harapan ng Edward's. Nagpaalam si Mason sa dalawa at dumeretso na ito sa direksiyon ng unibersidad namin, pero sina Thijs at ang kaakbayan nito'y pumasok sa Edward's! Dumeretso sila sa counter at mag-oorder na sana nang masulyapan ako ng taga-Uste. Nakita kong bumulong ito kay Thijs. The latter didn't look at me. I thought na aalis sila roon dahil nandoon ako, pero hindi. Naghanap lang ng mesa na malayo sa akin. I wanted to go to them and confront them but I controlled myself. Bakit ko ibababa ang sarili ko? Saka, Thijs had made a decision. Cool off daw muna kami, eh. Di, cool off!

Nagngingitngit ako pero wala akong magawa. Bwisit na bwisit ako sa nakikita ko kada sulyap ko sa kanila. Paano kasi, they seemed so happy together, samantalang nandito ako sa isang sulok. Alone and lonely.

"You always order the same milk tea flavor. Why don't you try something else? Here, dinalhan kita ng sample ng bago naming bestseller. Saka may kasama itong freshly baked cookies. Ako ang nag-bake niyan."

Pagtingala ko, nakita ko ang nakangiting mukha ni Micah. Bago pa ako makasagot ay humugot na siya ng upuan sa harapan ko at umupo roon. Wala na siyang suot na apron. Naka-t-shirt na lang siya ng kulay puti na may naka-hand embroidered na Edward's sa bandang upper right chest.

"Maraming salamat," pakli ko. Sumipsip ako nang kaunti sa dala niyang bagong tea flavor. Not bad. Tinikman ko ang cookies. Super sarap! Napa-hmn ako agad.

Mayamaya pa'y nagkukuwentuhan na kami tungkol sa milk tea and origin ng mga flavors nila. Walang kalatuy-latoy na paksa, pero hearing his voice made me feel good. Kasi kung wala siya roon nagmukha sana akong kawawa. Ako lang ang nandoon na walang kasama. Tapos tanaw ko pa ang table ng ex ko na masaya sa lalaking tingin ko'y higit pa sa kaibigan.

"Minsan, when you are used to something like that milktea flavor you are always buying from our store, iisipin mong iyon na lang ang available choice. But then, if you try to broaden your perspective, mare-realize mong marami ka palang mapagpipilian."

Napanganga ako sa sinabi niya. May ibig ba siyang sabihin? Na-excite ako. Feeling ko may kung ano siyang gustong tumbukin. Napayuko ako saglit habang nagkukunwaring busy sa pagtikim pa ulit sa dala niyang tea at cookies, pero from the corner of my eye, I studied his face. Tingin ko, mayroon siyang lahi. Ang ganda ng hugis ng kanyang ilong. Matangos at tuwid. Saka ang pilik-mata niya'y makapal at nagcu-curl pa. Para nga siyang may mascara. Ang kanyang pangahang mukha ay makinis at flawless. May kaunting tubo ng facial hair na maaaninag sa kanyang pisngi na nagdagdag sa masculine aura niya. Ang kanyang mga labi naman ay hindi kanipisan. In fact, ang lower lip niya ay medyo makapal. Gusto ko rin ang eyebrows niya. Makapal na shapely. Bagay na bagay sa mukha niya. He reminded me so much of Alex Pettyfer in I Am Number Four. Mapanood nga ulit iyon mamaya.

Bago pa ako makasagot, nakahawak na siya sa kamay kong nasa ibabaw ng mesa. Pinisil-pisil niya iyon. Nagulat ako. Napatingin agad ako sa kanya. Gusto kong itanong kung bakit niya iyon ginawa, pero naunahan niya ako.

"Your boyfriend is looking at us. I think he is curious about you and --- me."

Hindi ko alam kung bakit, pero medyo na-disappoint ako sa narinig.

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Where stories live. Discover now