"IS she my real mom, Tita Beatriz?" dinig kong sambit ng isang munting tinig.

"Yes, she is. But for now. Hindi muna kayo magkikita."

"Why po." Inosenting tanong nito sa kausap.

"Surprise natin siya. Once dumating si Daddy mo. Sa ngayon sa condo muna kita. Kiss her na. Aalis na tayo!" I felt her lips in my cheeks. She kiss me.

"Bye, mom! See you. Sasama muna ako kay tita. But soon. Magkikita din tayo at magkakasama!" bulong nito sa akin. Dahil siguro sa antok ay nakatulog ako pabalik.

Nagising ako dahil sa isang ingay. "Wag kang maingay Ken. Magigising si nanay!" bulong ng isang munting tinig.

"Excited ako nichole, kata wag kang magulo. Alam mo namang namiss ko si nanay." seryosong sabi ni Ken. Ang isa sa kambal ko.

Pinakinggan ko lang silang dalawa. "Mabuti nga at pinasundo tayo sa bahay natin, para makasama natin si nanay!"

Bakit nga ba nandito ang kambal ko? Sino ang sumundo sa kanila.

Umunat ako. "Ayan tuloy. Nagising si nanay. Ang sabi pa naman ni tita Beatriz. Hayaan nating matulog si nanay." Mahinang utas ng aking si Nichole.

"Hhmmmmppp!" inirapan ni Ken ang kakambal nito. Alam kung nakairap na ang isa sa kanila ngayon.

Iminulat ko ang aking mga mata. Unang nakita ko ay si Kenzo Gray ang aking panganay. Nasa ulunan ko kasi siya.

"Hi, nay!" nakangiting bati ng aking si Deciree Nichole ang aking bunso. Nginitian ko sila.

Bumangon ako. "Ano ang ginagawa nyo dito? Sino ang kasama nyo dito!" sunod-sunod kong tanong sa kanila.

"Hep, hep. 'Nay, isa isa lang ang tanong. Mahina ang kalaban!" pigil sa aking ni Nichole. "Una nay sinundo kami doon ni Tita Beatriz. Pangalawa, kami lang. Pinasundo nga kami diba!" paliwanag ng anak kong babae.

"Ganun ba." ngiti ko sa kanila. "Halina nga kayo. Payakap kay nanay." lambing ko sa kanila.

Agad naman silang lumapit sa akin at niyakap ako sabay halik sa aking pisngi.

Kahit na may paka masungit si Kenzo ay malambing naman ito sa aming dalawa ni Nichole.



Beatriz POV

"PINASUNDO ko na ang mga bata." Balita ko kay Terrence. Nanatili ang tingin nito sa harap ng salamin dito sa opisina niya.

"Good." tanging nasabi nito sa akin.

"Hanggang kailan mo titiisin si Ayiesha?" tanong ko dito.

"Hanggang sa makakaya ko, Beatriz. Sa ngayon, 'di muna kami magsasama. Titiisin ko muna ang pangungulila ko sa kanya." malungkot nitong sambit. 

Alam kong sobra na nitong namimiss si Ayiesha. Tanging mga nakaw lang na sulyap mula sa malayo ang nagagawa nito.

Hanggang sa di pa nahuhuli ang tunay na salarin ay mananatili silang ganito. Naawa na ako sa kapatid ko.

Napa kuyom na lang ang kamao ko. "Nahanap mo na si Earl?" tanong ko dito.

"Yes, matagal na. Nasa poder ko siya."

Nilingon niya ako. Lumakad ito papunta sa swivel chair nito at umupo. "Anong update?"

"Ayaw magsalita. Yon lang ang sinabi niya. Na nasa kanya nga si Ayiesha. Si Adelaine ang nag utos sa kanya na itago si Ayiesha."

"Di niya kilala ang kasama ni Adelaine sa pagpaplano ng lahat ng ito?" tanong nito.

"Hindi." Maikli kong saad. Tumango-tango ito.

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez (COMPLETED)Where stories live. Discover now