Chapter 80: Allied

Start from the beginning
                                    

"Alam mo ba ang reason kung bakit siya sumapi sa Skulls?"



"He didn't say anything. Siya lang mag-isa ang sumali sa Skulls. Walang sumali mula sa Alpha."



Nakakapansakit naman ng ulo itong si Pogs. Ano ba kasi ang reason niya at sumali siya sa Skulls? Dahil kahit hindi man kami magka-intindihan mgayon ay alam kong hindi niya ito magagawa. I know he's protecting someone. Kasama ko na siya since first yeat high school kaya kilalang-kilala ko na siya.



Pero sana hindi ako nagka-mali sa iniisip kong may pino-protektahan siya.



"Alam mo ba kung nasaan si Edwin?", tanong ko.



"Si Edwin? Haven't heard anything from him. Ang alam ko lang ay nasa Laguna siya ngayon."



"Pero anong ginagawa niya doon?",  kunot-noo kong tanong. Namg pumunta kasi kami doon ay wala siya.



"Hindi ko din alam. Pero alam kong alam niya na nagsisimula na ang gang war sa pagitan ng mabuti at masama."



Gosh... Where the heel on earth are you Edwin.



I need you now.



"Si kuya Red nga pala? Kamusta?", tanong naman ni James.



"Umo-okay na siya."



"Tell him na pagaling siya." Ngumiti na lang ako bilang tugon.



Si kuya Red kasi ay kilala ng buong gang. Well, kanang-kamay lang naman siya ni Tito Kobe. They've been friends for almost a two decades. Since birth, sila na ang magkasama.



"Here's Julienne, leader of white society." At nakita ko ang isang maputing babae at ang baby face niya. Akala mo ay nahulog galing langit.



Shit. Mas maganda pa siya sa akin. Kaka-inggit.



Nginitian ko siya at nagtanguan kami.



"Here's Edmar, leader of Dark Hell." At tiningnan ko siya. Mukha siyang bakla, pero ang guwapo niya.



Bakit ganoon?



Tinanguan ko na lang din siya. At tumango na din siya.



"Adelyn, leader of Black Royalty." Tinanguan ko lang siya.



"Jordan, leader of the Yellow Tiger." Tinanguan ko ulit siya.



"Carlos, the member of Red Phoenix." At kunot-noo akong tiningnan ko siya.



"Ka-gang mo si Kuya Red?", tanong ko.



"Yes Brina, isa ako sa mga groomsmen. At alam kong skulls ang gumawa niyon kay Master. Mortal ng skulls ang phoenix."



"Are you sure of that?"



"I am sure of that."



So tama nga ako, sumapi na si Pogs sa Skulls? Pero bakit? Paano?



"And lastly, Ivan, the new leader of Alpha." Ngumiti lang ako sa kaniya.



"Guys, thank you for doing this. I know mahirap sa inyo ito. Dahil hindi lang ito basta underground battle. It is the matter of life and death. Kung ayaw niyo namang lumaban, puwede pa kayong mag-back out." Sabi ko pero ni isa ay wala akong narinig na sumagot.



"If the day comes, tatagan niyo ang loob niyo. Wala kayong pagga-gamitan ng puso, dahil magiging mahina kayo. I trust you guys." At ngumiti sila sa akin.



"At sinisigurado kong, pagkatapos ng gang awar na ito, ay magiging malaya na tayo lahat." Sabi ko.



"Anong ibig mong sabihin?",  tanong ni Andrea.



"Bubuwagin ko na ang gang. At alam kong bubuwagin na din ng mga leaders ang mga gang nila. To start a new life, a peaceful life. Alam kong napasok lamang tayo dito, dahil curiois tayo, pero hindi natin alam kung paano tayo aalis dito. At para na din hindi na tayo mapapahamak pa."



"And I know everyone of us ay magfo-focus sa mga sarili nila. At pagtutuunan ng pansin ang ibang bagay."



"Tama si Brina. Bubuwagin na lahat ng gang after this gang war, dahil kung hindi, magpapatuloy lamang ang mga gang war." Tumango lang ako sa sinabi ni kuya Carlos.



"We will support your decision Brina." At ngumiti silang lahat sa akin.



Sinisigurado kong after this gang war ay tapos na ang lahat.



Pero hindi ko masisigurado na mabubuhay ang lahat.



But I will protect them...


Even David.


New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now