"Honeybabe " nilandian nya ang pagsasalita, " I miss you honey babe " nangingiti ang mga naroon sakanya, kaya lalo siyang pinamumulahan.

"Wag mo'kong daanin sa ganyan, anong sasabihin mo? " mas cold pa na sagot nito kaya naman lalo siyang kinabahan.

"ano kasi --- " toot . toot .. toot ..

"Pinatay " namutla siya, patay talaga siya dito kung hindi lang siya nahihiya uuwi na siya talaga at kung wala siya sa sasakyan tatakbo na siya pauwi.

"Are you okay Lyra? " tanong ni Raven na nilingon pa si Lyra sa  backseat.

"Oo President " pilit siyang ngumiti , mamaya tatawagan niya ulit ito pagbaba nila.

**

"Elder Karim "  si Dmitri na nabigla sa pagdating ng pinalitang Maiden ni Rozen , matanda na ito ngunit malaki parin ang ginagampanan nito sa Snow Island.

"Nasaan ang ating Maiden " wika ni Elder Karim na naa likuran ang limang babaeng tagasunod nito.

"Tatawagin ko siya Elder Karim , maghintay nalang muna kayo sa --- " naputol ang sasabihin ni Dmitri ng bumukas ang pintuan kung saan naroon ang labi ni Light,  bakas ang kalungkutan sa mukha ni Rozen sa pagkabigo na magising parin si Light , napalitan ng pagkabigla ang mukha nya ng makita si Elder Karim.

"Totoo nga ang balita na itinatago mo ang labi ng isang Children of Misfortune, " mapaklang wika ni Elder Karim kay Rozen.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Where stories live. Discover now