Conversation 29

327 16 0
                                    

Third's Point of View

Pumasok ang isang lalaki na may dalang wheel chair sa kuwarto nina Taehyung, nakadamit pang nurse. Ikinuha ang isang injection at itinusok iyon sa lalaking mahimbing na natutulog. Mas humimbing ang tulog ni Taehyung dahil sa pampatulog na inilagay ng lalaki.

Binuhat ng lalaki pang bridal style si Taehyung at inilagay sa wheel chair, kumuha siya ng mask sa bulsa niya at inilagay sa mukha ni Taehyung upang hindi makilala. Inilagay niya ring cap sa ulo ni Taehyung. Papalabas na sana sila ng biglang may doctor na pumasok. Magsasalita sana ito ng lapitan siya ng lalaki at sinuntok ito. Napahiga sa sahig ang doctor. Isinara niya ang pinto at nakangising lumabas ng hospital.

Yiren's Point of View

Pabalik na kaming tatlo nina Jackson galing sa bahay para kunin ang mga damit ni Taehyung pero hindi namin inaasahan ang makikita namin pagkabukas ng pinto. Nakahandusay sa sahig ang isang doctor habang wala sa higaan si Taehyung. Naalarma kaming tatlo. Tumawag kami ng security.

"Jungkook." Naiiyak na sabi ko ng sagutin niya ang tawag. "What? I'm bus-."

"Si Taehyung." Tuluyan na nga akong umiyak. "What happened to him!?" Rinig kong sigaw niya.

"Nawawala siya. May kumuha kay Taehyung." Pagkatapos kong sabihin iyon ay ibinaba niya ang tawag.

Kinakabahan ako, at hindi mapakali. Asan ka na, Taehyung?


---------
Hanla, madali na siyang matapos😫. Mamimiss ko sela, lalo yung ano... hehe yung matitigok.👀

Shyly Inlove with Mr. Jeon || TAEKOOKWhere stories live. Discover now