Conversation 31

432 16 0
                                    

Tumigil ang lalaking nasa harapan ko. Inilawan niya ang nag-iisang ilaw na nagbibigay liwanag sa buong kuwarto. Pumalakpak ang lalaking nagtatago sa dilim at dahan dahang nagpakita sa ilaw.

Tama nga ang hinala ko, si Bogum ang kumuha kay Taehyung.

"Well, Taehyung. Andito na ang Prince Charming mo." Natatawa niyang sabi habang nakatingin sa gilid. Umilaw naman ang isang ilaw doon at nakita ko ang nakaupong si Taehyung habang nakatali ang buong katawan niya sa upuan. Naka topless siya at... puro sugat. Nakaramdam ako ng galit. Akmang susugudin ko si Bogum ng hinarangan ako ng lalaki at saka ako sinuntok. Hindi ko siya inatrasan. Sinuntok ko din siya. "Tangina, sandali!!" Napatingin kaming dalawa kay Bogum.

"Hahaha! Kawawa naman ang prinsesa ng prinsipe ni Mr. And Mrs Jeon. Nakakaawa. Hay."

"Nababaliw ka na!" Sigaw ko sakanya at binitawan ang lalaki. Hinawakan ko ang bibig ko at inialis ang dugong namuo roon.

"Talaga? Ha? Pano kung ikaw ang sumunod?" Nakangiti niyang sabi.

"Ahhhh!" Napatingin ako sa gilid. Napaigtad si Taehyung. Nilapitan ko siya pero pilit akong tinataboy ng lalaki. "J-jungkook." Mahina niyang sabi, sapat para marinig ko.

"Baby? I'm here. Your safe now. Please dont close your eyes." Mangiyak ngiyak kong sabi. Hindi ko pa din maialis ang tingin sakanya. Umiiyak na siya at hindi ko nakakayang makita siyang nasasaktan.

"Ahhh!" Daing niya pa dahilan para sa biglaang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko. Pilit ko siyang nilalapitan pero hinaharangan ako ng lalaki.

"Gusto mo bang maligtas ang pinakamamahal mo, Jeon Jungkook?" Napatingin naman ako kay Bogum na ngayon ay nakangising nakatingin sa'kin.

Dahan dahan akong tumango. "Simple, buhay mo kapalit ng buhay ng kasintahan mo."

"Jungkoo-Ahhh. P-please huwag k-kang papaya-Ahhh. Please. U-umalis ka nalang." Napatingin uli ako kay Taehyung na ngayon ay namimilipit sa sakit habang sinusubukang magsalita.

"Shhh baby. Listen, hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Baby, nakayanan mong wala ako ng 9 years. Tata, siguro ay..."

"Tama na ang drama. Palayain niyo yang si Taehyung." Napapikit ako habang pinipigilan ang iyak ko.

"Itigil yan! Pulis to!" Naagaw ang atensiyon ng mga lalaki sa mga pulis na ngayon ay nakatutok na ang mga baril sa kanila.

Agad akong nakahanap ng tiyempo, Pumunta agad ako kay Taehyung. Nakapikit padin siya habang iniinda ang sakit na nararamdam.

"I'm here now baby. Please be strong. I love you." Hinawakan ko ang mukha niya. Nanghihina parin siya. "I love you too Jungkook. Hindi ko kakayaning mawala ka." Walang boses at parang bulong na sabi niya.

"Tangina! Ampangit niyong tignan!" Sigaw ni Bogum at agad na inagaw ang baril sa isang pulis.

Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid. At kasabay noon ang mga dugong dumaloy sa sahig.

Shyly Inlove with Mr. Jeon || TAEKOOK ✓Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin