Conversation 27

331 17 0
                                    

"Hello?"

"You need to see this."

Pagkatapos nun ay may isinend siya saking picture.... ni Jungkook habang may kaakbay na... babae. Sobrang saya nilang dalawa at parang pinagpupunit-punit ang puso ko.

"It was just an edit."

"Why would I edit that for nothing? I'm warning you. Tigilan m-

"Tama naaaaa!!!!" Halos umabot sa buong mansion ang boses ko. In-end ko ang call at itinapon ang phone ko.

"Ahhhhh!!!!" Sigaw ko, inilalabas ang buong galit at sakit na nararamdaman ko. Inilock ko ang pinto. Narinig ko ang ilang footsteps na paparating dito sa kuwarto.

"Nak? Anong nangyayari?" Tanong ni Mrs. Jeon.

"Mom let me talk to him. Taehyung buksan mo yung pinto." Mas lalo akong nainis sa boses niya.

Kinuha ko ang maliit na picture frame na may picture naming dalawa ni Jungkook. Agad ko iyong binasag at narinig ko ang pagkataranta nila sa labas.

Kumuha ako ng isang piraso ng basag na salamin ng pic. frame. Itinutok ko iyon sa may pulsuhan ko. Nagsimula kong higpitan ang pagkahawak. "Ahhh!" Napadaing ako dahil sa sakit na naramdman. Nagsimulang dumugo ang kamay ko. Itutusok ko na sana ang basag na salamin sa pulso ko ng biglang pumasok sila Jungkook. Bakas ang gulat sa mga mukha niya. Napadapo ang tingin ni Jungkook sa kamay ko.

"O my god!" Napatakip ng bibig si Mrs. Jeon habang si Mr. Jeon naman ay nakikiusap na itigil ko iyon.

Sinubukang niyang lumapit sakin pero binalaan ko siya. "Huwag na huwag mo akong lalapitang manloloko ka!" Sigaw ko.

He raised his eyebrows, acting like he didn't know what he do.

"Ahhh!!" Dumaing ako dahil napahigpit pa lalo ang paghawak ko sa basag na salamin ng maalala ang pagmumukha ng babaeng kaakbay ni Jungkook.

"TAEHYUNG!" Agad niya akong niyakap at dahan-dahang inalis ang basag na salamin sa kamay ko. Nanghina ako ng makita ang dugo. Hindi at parang bumabaliktad ang sikmura ko kapag nakakakita ng dugo. Rinig kong tumawang ng ambulansya si Mr. Jeon. Agad na bumigat ang talukip ng mga mata ko. Pumikit ako pero hinawakan ni Jungkook ang pisngi ko. "I'm sorry. Please, wag mo akong iwanan. Hindi ko kaya, Taehyung. I love you." Iyon nalang ang huling narinig ko bago pumikit.

Shyly Inlove with Mr. Jeon || TAEKOOK ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon