Conversation 08

449 21 1
                                    

Kinabukasan.....

Naghihintay nalang kami na dumating si ma'am. Pinaglalaruan ko muna ang ballpen ko. Maingay ang mga kaklase ko at mas lalo namang umingay ng dumating si Kookie.

Kunwari ay hindi ko siya nakita. Kinuha ko ang cp ko at tinignan kung meron ba akong pwedeng makausap.

Baekhyun • active now

Babe( ˘ ³˘)♥︎
Magkatabi tayo ng
room. ᕕ( ᐛ )ᕗ

Babe( ˘ ³˘)♥︎
Yie, destiny.

Babe♡´・ᴗ・'♡
Gagz, walang ibig sabihin
yun. -.-

Babe( ˘ ³˘)♥︎
Sayo, pero sakin meron.

Babe( ˘ ³˘)♥︎
Kelan kaya magiging tayo?

Babe♡´・ᴗ・'♡
Kapag niligawan mo na ako.

Biglang may kumalabog. Tinignan ko iyon, nahulog ang metal pencil case na hawak ni Kookie. Tumingin ito sakin, naka ismir. "Sorry, tuloy niyo lang yan."

Nagtaka naman ako sa inakto niya pero ipinagsawalang bahala ko nalang iyon.


Babe( ˘ ³˘)♥︎
Liligawan kita. ( ˘ ³˘)♥︎

"Ehem. Ehem." Napatingin uli ako kay Kookie na umuubo at hawak ang dibdib niya. "Okay ka lang ba?" Tanong ko sakanya pero hindi siya sumagot. May lumapit sakanyang dalawang girl na inabutan siya ng panyo. Ngumiti naman si Kookie at nilagay sa bag niya ang dalawang panyo.

Yie, kilig na kilig. Edi wao, di naman ako nagseselos.

Babe♡´・ᴗ・'♡
Bahala ka. Kung trip mo,
edi go.

Babe( ˘ ³˘)♥︎
Pwede ako manligaw!? ಠ_ಠ

Babe♡´・ᴗ・'♡
Siyempre joke lg.😉


"Good morning, class!" Bigla namang dumating si ma'am kaya mabilis kong itinago ang phone ko sa bag.


****

Natapos na ang dalawang subject namin at lunch break na. Nauna na si Kookie lumabas. Parang wala siya sa mood makipag-usap sakin o baka pupuntahan niya yung liligawan niya.

Pagkalabas ko palang ay sumulpot na si Jackson sa harapan ko. "Tata, hintayin naten asawa mo dun." Nakangiti niyang sabi sakin na may halong pang-aasar.

After few minutes ay lumabas na angga estudyante, kasama si Baekhyun.

Tahimik kaming dalawa ni Baekhyun na naglalakad habang si Jackson ay parang bombo radyong naglalakad. Walang preno ang bibig.

Ba't ang ingay niya sa chat tapos antahimik sa personal?

Binasag ko ang katahimikan sa'ming dalawa ni Baekhyun.

"Kamusta first day ng panliligaw?" Natatawang sabi ko.

"S-sabi mo joke lang." Nahihiyang sagot niya kaya napatigil si Jackson sa paglalakad.

"Sandali, parang ako lang ata dito ang walang think. Ano pinag sasabi niyong dalawa?" Takang tanong naman ni Jackson kaya napatawa nalang kaming dalawa ni Baekhyun.

-

Habang kumakain kami, parang gusto kong pumunta sa comfort room.

"Excuse me lg. Punta lg ako sa cr." Pagpapaalam ko sakanilang dalawa at dumiretso papunta sa cr.

-

Habang tahimik akong naglalakad pakatapos pumunta sa cr, nahagip ng mata ko si Kookie. May hawak siyang                       bouquet of white roses at nakangiting kausap ang isang babae. Maybe, siya na nga yung sinasabi niyang liligawan niya. Maganda siya. Ideal type nga naman.

May mapait na ngiti akong umalis sa pinangyarihan, gusto ko munang mapag-isa.

Shyly Inlove with Mr. Jeon || TAEKOOK ✓जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें