Chapter 35: Mystery in the Houdin Club

168 16 3
                                    

Felicine

Tambak ngayon ang gawain ko. Puro assignments at performance task ang binigay sa amin ng mga absent na teachers namin kanina. 

According to some rumors that I heard, they went on a trip. I don't know what trip is it though pero 'yung mga kaklase ko, sabi nila ay beach trip daw, sabi ng iba ay hiking, sabi naman ng iba ay something that only couples would do and many more. Panay nga ang reklamo nila dahil hindi daw sila sinama o kahit daw tip na binigay ay wala.

I shook my head and shrugged off the thought. Tumingin ako sa notebooks ko na nakakalat sa lamesa at tinitigan lang ito. Halos lahat ng subjects ay may gagawin at bukas rin ang submission. Dumadagdag pa lalo ang stress ko kapag iniisip na matutulog na naman ako mamaya ng hatinggabi para lang dito.

Minsan iniisip ko kung nagkakampihan ba ang teachers pagdating sa deadlines. I can't help but think that they wanted us to suffer. It couldn't be a coincidence na pare-parehas ang naisip nilang date para sa deadlines, 'di ba?

Ugh! I would like to take some revenge on them but that wouldn't do good. Ayokong madumihan ang pangalan ko dahil lang sa galit pagdating sa sabay-sabay na deadlines.

"Yo!" Someone pulled the chair in front of me and sat on it. I raised my head to see the person who pulled it. He was smiling at me. "Kanina pa kita hinahanap, naandito ka lang pala sa library."

Ah yes! After ng dismissal ngayong hapon ay dito agad ako dumiretso. I needed some peace para may pumasok sa isip ko na pwedeng isagot sa mga binigay na assignments ko.

"Eudayme, why?" I asked him. Itinaas ko ang isa kong kilay sa kanya. 

This is identification friend or foe, Felicine. 

Victor's words suddenly rang inside my head. Naalala ko na naman ang pinag-usapan namin kahapon ni Victor. Dahil sa sinabi niyang iyon, hindi agad ako nakatulog ng maaga kagabi. The thought that someone among us might be a traitor makes my brain fully awake. Nagsisi rin ako sa ginawa kong pagpunta sa SC office. Kung hindi ako pumunta kahapon, e'di sana, hindi ko ngayon iyon iniisip.

"Why am I finding you?" balik na tanong sa akin ni Eudayme at tsaka tumingin sa mga notebooks kong nakakalat sa lamesa. He picked one and read my notes. "I just came to find my crush. Hindi ba iyon sweet?"

I rolled my eyes at him. "You're talking nonsense." sabi ko at kinuha ang notebook ko sa kanya. Kinuha ko ang ballpen ko na nakalagay sa bulsa ng skirt ko at inalis ang cap.

What can you say about the current situation of our country today? I see, so this is about my personal opinion, huh?

I was about to write my answer when Eudyame pulled the notebook and closed it before putting it inside my bag together with the others. I knitted my brows and glared at him. 

"Mamaya na itong lahat. Gusto mo tulungan pa kita eh." sabi niya habang sinasarhan ang bag ko. "We have a mystery to solve." 

Isinabit niya sa kanyang balikat ang bag ko bago tumayo at pumunta sa gilid ko. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay hila sa akin papalabas ng library.

"And where are you taking me?" Tanong ko habang hila-hila niya ako. Alam ko namang hindi na ako makakatakas pa sa lalaking ito kaya naman ay nagpahila na lang ako ng tuluyan.

"To the Houdini Club. A magic mystery is happening in that club since yesterday." He said. "A club member approached me earlier and asked for our help."

I sighed. Anong misteryo kaya ito?

~~~

"What are you doing here?!" Eudayme pointed at the guy in front of us who was currently roaming around the four cornered room with his hands on the back. "I didn't remember inviting you here."

Detective RivalryWhere stories live. Discover now