Napapitlag ako sa malakas na tawanan mula sa kabilang lamesa kung nasaan ang ilang estudyanteng babae.

"Uy Abby, ang lakas ng tawa mo!" saway ng isang estudyante sa katabi niya na pinakamalakas tumawa sa kanila.

"Ay sorry. Ikaw naman kasi! Grabe 'yang joke mo!" natatawang sagot naman ni Abby na umayos na rin ng upo nang maramdaman na nakatingin na sa kanila ang ibang tao dito sa loob ng café.

Lumibot ang paningin ko sa paligid. Muli akong napalunok ng laway nang makita ko si Lola Harlie na nasa may counter at nakaupo. Wala siyang ibang ginagawa kung hindi nakaupo lang, nakangiti at nakatitig sa estudyanteng narinig ko na tinawag na Abby. Bumaling ang tingin ko kay Abby at bumalik kay Lola Harlie. Hindi ako pwedeng magkamali. Nakatingin si Lola Harlie sa mga kamay ni Abby.

"Best friend, okay ka lang?"

Muli akong napapitlag ng tapikin akoi ni Abby. Bakit ba masyado akong nagiging magugulatin? "O-oo naman, siyempre."

"Oh 'di ba ang gandang istorya nung shinare ko sa 'yo. Pwedeng-pwede mo nang gawin na book." Tumaas-taas pa ang kilay ni Yana.

"Pero totoo ba 'yung kwento mo?" Lihim akong nananalangin na sana hindi... Sana gawa-gawa lang ni Yana ang lahat ng 'yon. At kung hindi nga 'yun totoo, pwede na ring maging writer 'tong si Yana.

"Hindi ko rin alam eh. Pwedeng oo, pwede ring hindi kasi wala naman talaga sa balita o sa website 'yung tungkol do'n sa nangyari. Pwede kasing sinasadya lang din nilang paingayin ang mga kalapit na lugar para sila naman ang puntahan ng mga turista. Kunwari pa sila na ayaw nilang matakot ang mga tao pero baka sila-sila alng din ang gumagawa ng gano'ng istorya. Pero alam mo, feeling ko talaga may serial killer na gumagala ngayon dito eh." Muli ay para siyang bumubulong habang nakikipag-usap sa akin.

"Paano mo naman nasabi 'yun?"tanong ko.

"Mula kasi ng dumating ako dito parang ang daming mga kakaibang nangyayari. Ang daming nawawalang tao tapos hindi nila sine-seryoso ang paghahanap. Kaya pakiramdam ko, nandito lang sa paligid natin kung sino man 'yung may alam sa mga nangyayari na 'yon. Pinapakiramdaman niya tayong lahat... Pinapakinggan. Pinanpanood. Naisip ko pa na kaya siguro hindi nakikita 'yung mga nawawalang tao kasi wala nang natira sa kanila. Walang nang natira sa katawan nila. Narinig mo naman na siguro 'yung tunkol sa mga tao na kumakain ng karne ng kapwa tao. Ang sabi-sabi, ginagawa raw nila 'yon para humaba pa lalo ang buhay nila... At lumakas sila hanggang sa pagtanda nila."

Wala sa loob na napatingin ulit ako kay Lola Harlie. Nando'n pa rin siya sa kinauupuan niya. Nakangiting pinagmamasdan si Abby. Nang bumalik ang tingin ko kay Yana ay gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi niya.

"Pwede na ba akong writer?" aniya bago tumawa ng malakas.

So mukhang gawa-gawa niya lang talaga ang lahat. Medyo nakahinga ako ng maluwag at natatawang napailing na lang din. "Pwedeng-pwede na."

"Lodi kita eh. Kaya gusto ko na ring maging kagaya mo," sabi pa niya. "Bestfriend, favor naman. Kuha mo naman akong water please? Natapilok kasi ako kanina kaya medyo masakit 'tong paa ko."

Kumunot ang noo ko pero pinagbigyan ko na siya sa gusto niya. Nag-effort din naman siya na gumawa ng kwento para lang ma-entertain ako. Tumayo na ako at naglakad patungo sa counter. Nadaanan ko ulit ng tingin si Lola Harlie na para bang hindi kumukurap sa pagkakatitig niya kay Abby. Hindi rin ito kumukilos sa pagkakaupo na tila ba enjoy na enjoy sa kanyang pinapanood.

Nang iabot na sa akin ni Myra ang baso ng tubig ay bumalik na rin ako sa lamesa ko. Kumunot ang noo ko nang makita kong nakaharap na kay Yana ang laptop ko. "Anong ginagawa mo sa laptop ko?"

Kaagad niyang binalik ang laptop ko sa pwesto nito bago siya ngumiti sa akin. "Ah ano... W-wala, tiningnan ko lang ang sinusulat mo."

Ibinigay ko na sa kanya ang baso ng tubig na kaagad niyang ininom kasunod ang pagtayo mula sa kinauupuan niya.. "I have to go na rin. May nakita kasi akong magandang spot para sa vlog ko. Bye bestfriend."

Hindi na ako nakasagot pa dahil naglakad na siya palabas. Walang bakas na nahihirapan siyang maglakad o natapilok siya. Chineck ko ang laptop ko at mukha namang wala siyang ginalaw na kahit na ano. Nakakapagtaka lang dahil wala rin naman siyang mababasa dito dahil puro draft pa lang ang naisusulat ko. Pero nakakairita na talaga ang ugali niya habang tumatagal.

"Junica..."

Muling kumunot ang noo ko sa biglang pagsulpot ni Ivan sa harapan ko na nakaupo na sa may pwesto ni Yana kanina. "Ivan? Kanina ka pa ba d'yan?"

"Kakadating ko lang pero paalis din ako kaagad," sagot niya. Bakit ba parang lahat ng tao ngayon sa paligid ko ay busy? "Junica, hindi ka pa ba aalis sa lugar na 'to?"

"Ha?" saad ko. Mahina ang boses ni Ivan pero malinaw kong narinig ang sinabi niya.

"Marami nang hindi magandang nangyayari dito. May bangkay na namang natagpuan malapit dito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakikilala."

Napalunok ako. Ibig sabihin totoo ang lahat ng sinabi ni Yana kanina.

"Junica, h'wag ka nang magtagal sa lugar na 'to. Umalis ka na dito habang maaga pa."

"Teka Ivan... Sandali lang. Saan ka pupunta?" noon ko lang nagawang muling magsalita. Nang tumayo si Ivan mula sa kinauupuan niya,.

"Maykailangan lang akong hanapin. Basta Junica... Please... Habang nandito ka sa lugarna 'to. Mag-iingat ka. Mag-iingat kang mabuti."

RecursionWhere stories live. Discover now