"Salamat," pagpapasalamat sa akin nung lalaki pa rin kanina pagkalapag ko ng mga order nila. Busy sa pagkukwentuhan yung dalawa pa niyang kasama habang yung isa pa ay busy sa cellphone.

"Walang anuman po. Alis na po ako," pagpapaalam ko ulit.

Mabilis na lumipas ang oras at natapos na rin ang shift ko. Nasa may apartment na ako. Antok na antok na ako, gusto ko na lang na humilata sa kama at matulog.

Kaso ng ipipikit ko na ang aking mga mata ay bigla naman akong nakarinig ng malakas na pagkalampag mula sa labas ng pinto. Napabangon ako at agad na tinahak yung pinto. Pagbukas ko niyon ay nagulat ako ng makita ko si Kalyx.

Anong ginagawa niya dito?

Mukhang lasing siya. Nakayuko siya at nang siguro ay maramdaman niya ako ay nag-angat siya ng tingin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot bagkus tumitig lang siya sa akin na ikinailang ko. Ngumisi siya tapos naglakad siya palapit sa akin. Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.

Sinunggaban niya ang labi ko! Sa gulat ay hindi agad ako nakapagreact. Nang maproseso ng utak ko ang pangyayari ay buong lakas ko siyang itinulak papalayo.

"Kalyx, ano ba!" Sigaw ko sa kanya.

Pinunasan niya ang gilid ng kanyang labi. "You didn't like it?"

"Malamang! Hindi! Bakit mo 'yun ginawa?" Inis na sabi ko.

"Because I want to," lasing na sabi niya tapos lumapit na naman siya sa akin at akmang gagawin na naman ang nagawa niya kanina pero naharangan ko siya gamit ang dalawa kong palad.

"Kalyx, umuwi ka na. Alam kong lasing ka pero hindi mo dapat 'to ginagawa." Saway ko sa kanya.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko bagkus hinawakan niya lang ang dalawa kong kamay at ibinaba ang mga iyon para hindi ko siya mapigilan sa paglapit sa akin. Sa lakas niya ay hindi ko siya mapigilan.

"Kalyx, ano ba! Tumigil ka na!" Sabi ko habang iginigilid ko ang mukha ko dahil pilit na gusto niyang halikan ang labi ko.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Dahil ba lasing siya kaya siya nagkakaganito? Bakit niya ba ito ginagawa?

Gamit ang isa niyang kamay ay nagawa niyang mapaharap ang mukha ko sa kanya at dahil doon agad niyang sinunggaban ng halik ang aking labi. Hindi ko na siya maitulak dahil hawak-hawak ng isa niyang kamay yung dalawa kong kamay. Hindi ko naman maigalaw yung ulo ko dahil hawak-hawak naman ng isa niya pang kamay yung baba ko.

Nakapikit lang ako at pilit gumagawa ng paraan para patigilin siya ng biglang manlambot ang mga tuhod ko. Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Nahinto ako sa pagpiglas at sa hindi ko alam na dahilan ay tumugon ako sa halik ni Kalyx. Para bang nahipnotismo ako ng kanyang labi at nagawa ako nitong patugunin.

Tumagal ang halikan namin ng lagpas isang minuto. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Hindi ako makatingin kay Kalyx.

"I thought you didn't like it?" Mapang-asar na aniya.

" A-ayaw ko nga..." Aniya ko sabay tingin sa kanya. "Bakit mo ba 'to ginagawa, Kalyx? "

"I said because I want to," sagot niya.

" Hindi kita maintindihan," naguguluhang sabi ko.

" I don't understand me either, " sabi niya tapos bigla na naman niya akong siniil ng halik. Sa pagkakataong ito hindi ko na tinanggihan ang labi niya, tumugon na agad ako.

Ang lambot ng kanyang labi. At...at ang sarap niyang humalik. Bigla tuloy akong nahiya. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko. Ito ang unang beses kong makipaghalikan kaya hindi ko alam ang mga dapat kong gawin. Ginagaya ko na lang ang mga ginagawa ni Kalyx.

The Guy Who Likes Me(ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon