"Ako dapat ang magsorry! Hindi ko na dapat inalam pa kung ano yung naririnig ko!"

"Ako dapat ang magsorry! Hindi dapat kami gumawa ng milagro ni Christine kanina! "

Sabay ulit na paghingi namin ng sorry. Natigil kaming dalawa saglit tapos bigla kaming bumulalas ng tawa. Bumalik ako sa pag-upo, naupo rin si Carlo sa may tabi ko habang patuloy pa rin kami sa pagtawa. Natigil kami sa pagtawa tapos nang tumingin kami sa isa't isa ay natawa na naman kami. Tawang-tawa ako sa sinabi niyang gunawa sila ni Christine ng milagro sa cr. HAHAHA!

Mayamaya lang ay tumigil na kami sa pagtawa. Inakbayan ako ni Carlo tapos binigyan niya ako ng ngiti.

"Sorry talaga, a. Nasira ko pa tuloy ang pagkainosente mo," sabi ni Carlo sabay tawa ng mahina.

"Hindi naman ako ganon kainosente, ano!" Pangangatwiran ko.

"Sus! Ikaw na nga lang ata ang kilala kong taong hindi pa nakakaranas ng sex, e. "

Bigla akong natigil sa sinabi ni Carlo. Umulit sa utak ko yung sinabi niyang ako na lang ata ang kilala niyang taong hindi pa nakakaranas ng sex. Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot. Pakiramdam ko napagiwanan na talaga ako ng panahon.

"Uyy! Bakit natahimik ka?"

Seryosong tumingin ako kay Carlo. "Gusto kong makaranas ng sex." Seryosong sabi ko.

Nagulat si Carlo. Tumingin siya sa akin na parang tinatanong niya ako kung seryoso ba ako sa sinabi ko.

"Seryoso ka?" Tanong niya sa akin.

Determinadong tumango ako. "Hmm!"

"Bakit?" Tanong niya ulit.

Napaiwas ako ng tingin. "Wala lang. Gusto ko lang maranasan."

"Okay, " inalis ni Carlo yung nakaakbay niyang kamay sa akin." May mga kilala ako. Ano bang gusto mo? Yung gwapo?"

" K-kahit sino."

" Hmm. O sige, si ano na lang. Gwapo yun at magaling. Tapos malinis, may pagkamahal nga lang." Pagbibigay-alam ni Carlo.

Napasimangot ako. Nge! Kailangan pa palang may bayad. Wala na nga akong pangkain, e.

"Wala kang pera?" Aniya ni Carlo ng mapansin niya siguro ang pagsimangot ko." Pautangin kita, gusto mo?" Alok niya sa akin.

"Hindi na kailangan. Hindi naman ako nagmamadali. Tsaka na lang," pagtanggi ko sa alok niya.

" Babayaran mo naman ako, e. Atsaka ayaw mo 'yun? Magkakasex experience ka na!"

Tumingin ako kay Carlo at pinaningkitan ko siya ng mata. " Talagang pinupursige mo pa yung plano ko, ano?"

"Naman! Para naman mawala na 'yang pagkainosente mo!" Mapang-asar na sabi niya sa akin tapos tinawanan niya ako.

Hahampasin ko sana siya kaso nagtatakbo na ang loko. Tapos na akong kumain at malapit na ring matapos ang break ko kaya naisip kong bumalik na sa bar. Kaso napatigil ako sa paglalakad ng bigla akong kilabutan. Nakaramdam ako ng pares ng mata na nakamasid aa akin. Pamilyar sa akin ang tingin na iyon. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid pero wala akong nakita.

Nagkibit-balikat na lang ako tapos tinuloy na ang paglalakad papasok sa bar.


"Uy, alam niyo ba ang balita?"

Salubong sa amin ni Jonas—kapwa ko waiter— pagkapasok namin ni Carlo sa loob ng bar. Binigyan namin siya ng naguguluhang tingin.

"Dadating daw yung Boss natin ngayon," sabi niya.

The Guy Who Likes Me(ON-GOING)Where stories live. Discover now