"Ayos ka na? Gusto mo tawagin ko ang doktor?" Hindi maitago ang pag-aalala sa boses ko. Natatakot na kasi ako. Ayokong mangyari sa kanya ang nangyari kay Pietr. Yung akala mo ayos yun pala hindi.

"Hindi, hindi...ayos lang ako. I just need to... breathe." 

Kanina ko pa nakikitang papikit pikit na ang mga mata nya pero pilit nya itong nilalabanan. Tinulungan kong ikabit ang oxygen, inilayo nya ang mukha nya. 

"Patutulugin lang ako nyan."

"Pero kailangan mo 'to."

"Ayoko." 

"Matulog ka na muna. Higit sa kung ano pa man, kailangan mo ng tulog para gumaling ka agad at nang sa ganun ay makalabas ka na rito." 

He shook his head with defiance. Pamewang ko syang tiningnan.

"Jace, please?"

May kumatok sa pinto. Pumasok si Aziel.

"Serene, kailangan na nating pumunta sa Ellipses headquarters. Tinatawag na tayo ni Niel sa labas."

Pupunta na sana ako sa pinto noong humigpit ang pagkakahawak ni Jace sa kamay ko na kanina pa nya hawak hawak. Kinuha nya ang oxygen na kanina ko pa ibinibigay, isinuot bago humiga. 

Ang mga mata nya ay parang tahimik na sinasabing 'ginagawa ko na ang gusto mo. Hindi mo na kailangang umalis'.

"Jace," 

"No." he shakingly breathe out. 

Nakita ko sa mga mata nya na ang daming naglalaban sa isipan nya. Ilang minuto pa ang lumipas, huminga sya ng malalim. Isang hingang malalim na tila ba nahihirapan sya sa naging desisyon nya. 

Dahan dahan nyang binitawan ang kamay ko. Alam kong mahirap para sa kanya ito. Pero masaya ako na di tulad noon, marunong na syang umintindi ngayon. Dati kasi ito ang palagi naming pinag-aawayan, ang pagseselos nya.

Tinanggal nya ulit ang oxygen na isinuot kanina. 

"Just promise me two things." pakiusap nya.

Tumango ako. 

"Can you stay for few more minutes until I fell asleep? At sa pagdilat ng mga mata, I want the first person to see is you."

Tumingin sya sa mga mata ko. Ngumiti ako at inayos ang buhok mula sa mata nya. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nagkatitigan. Sa mga mata nya ay ang mga emosyon na palagi kong nakikita sa kanya sa mga sitwasyon na tulad nito.

Sa aming dalawa, parang huminto ang oras.. 

Inangat ko ang oxygen na para bang humihinga ng tahimik na permiso. Marahan syang tumango kaya ikinabit ko ito. Ipinikit nya ang mga mata nya at sumandal sa akin. I hum our lullaby and it did not last long before he fell asleep. 

***

Ilang oras na ang nakalipas at halos matatapos ko na ang libro na sinimulan ko kanina pang umaga. May inayos lang kami saglit nina kuya Paul at kuya Niel sa bagong tayong headquarters. Gayunpaman, hindi rin iyon nagtagal dahil nagpahatid na ako agad kay kuya Niel sa ospital. Inutusan ko muna si Aziel na maiwan para may katulong si kuya Paul na ayusin ang mga dapat tapusin. 

Kasalukuyan akong nagbabasa ng panibagong libro noong may narinig akong paggalaw. Gising na Jace. May maliit na ngiti sa labi nya. Pilit nya akong inaabot gamit ang kanan nyang kamay.

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon