Freaking handcuffs.

"Hindi ka nila kasama sa guild, hindi ba?"

"Well, I haven't seen you before."

"And if I ever did, I already took you home with me."

Napaismid ako sa narinig. That's it! He touched a nerve!

I opened my right eye. Just before I was about to use my gift, I suddenly heard someone calling me.

"Erks! Erks!"

Narinig ko ang boses ni Lucien sa isipan ko.

"Nasaan ka?!"

Tinapunan ko muna ng tingin ang lalaking kaharap ko na papalapit na sa akin bago sumagot.

"I'm on my way to get Iris-"

"Go back! Go back! We're retreating!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Mabilis kong iniharang ang makakapal na sanga ng puno sa harapan ko nang makita kong ilang metro na lang ang pagitan namin ng sadistang lalaki.

"W-Why?! Malapit na ako kay Iris-"

"We're fucked up! The Solar academy is here! The Sins are here! They've got Red and Iris!"

Hindi kaagad ako nakasagot. Natauhan ako nang marinig ko ang pagkasira ng mga kahoy na nasa harapan ko.

"Woi, kitten. Bakit ayaw mong sumagot?"

"Shut up, sadist. I'll fucking kill you."

Mabilis kong hinanda ang sarili ko sa pag-atake.

"3rd com-"

"Erks! Umalis ka na sabi!"

Napaismid ako nang muling marinig ang boses ni Lucien sa isipan ko.

"Imposible 'yang sinasabi mo! Pupuntahan ko sila!"

Ayokong isipin ang sinabi niya sa akin na nakuha sina Red.

That's too freaking impossible! Kahit hindi ko pa nakikita ang gift ni Red ay sigurado akong hindi ako mananalo sa laban namin ng hindi napuputulan ng isang kamay o paa.

Kaya. . . imposible ang sinasabi ni Lucien.

"Don't worry! I'll beat them! I can beat the sins-"

"ERKS! GO BACK. NOW."

Mariin akong napakagat sa ibabang labi.

"C-Copy."

"Woi, what's the matter, kitten?"

Walang ekspresyon kong tinapunan ng tingin ang lalaking kaharap ko. Walang kaemo-emosyon ko siyang tinignan.

"The next time we meet. . ."

"I'll fucking kill you."

Hindi ko na siya hinintay pang makasagot nang mabilis akong tumalikod at tumakbo. Nagsilakihan ang mga sanga ng mga puno at naging sapat na ito para takpan ang napakalaking pasilyo.

Akala ko ay magagawa kong makaalis ng walang problema. Pero natigilan ako nang makaramdam ng paghawak sa tiyan ko mula sa likod.

"Aw. . . but I want you. . ."

"Now."

Namilog ang mga mata ko nang makita ang lalaki sa likuran ko. Pero ang pinakakinabigla ko ay ang ginawa niya para masundan ako kaagad.

He's flying. . .

And his wings are made of his blood.

"So, anong masasabi mo?"

"Mind coming home with me, kitten?"

Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo mula sa labi ko dahil sa sobrang diin ng pagkakakagat ko.

"Y-You sadist-"

"Erks!"

Parehong naagaw ang atensyon namin nang may malaking palakol ang hinagis papunta sa lalaking kaharap ko. Kapwa kaming lumayo sa isa't isa upang iwasan ito. Agad akong napatingin sa dalawang pamilyar na mukha na papalapit sa direksyon namin. Varis is running towards us with Sadie sitting in his right shoulder.

Rinig ko ang pag-ismid ng lalaking kaharap ko nang makita ang mga kasama kong paparating.

"Tsk, the arachnids are here."

Mabilis na nakarating ang mga kasama ko sa pwesto namin. Nagkaharap-harap sila ng sadistang lalaking kasama ko.

"Woi. . . I only have one handcuffs," natatawa aniya.

Ni walang bakas ng takot o kaba sa mukha niya kahit tatlo na kaming kaharap niya.

"Anong gagawin natin sa kaniya, Erks?" tanong ni Varis.

Walang kaemo-emosyon akong napatingin sa lalaki.

"Let's take him to our guild."

Pare-pareho silang natigilan sa sinabi ko. Pero hindi nagtagal ay kumurba ang labi ni Sadie sa isang ngisi.

Her eyes changed. It turned. . ..

Into a queen of spades card.

At the same time, a music box appeared. Trapping the sadist guy. Hindi ito nakakilos sa bilis ng pangyayari.

"I can trap anyone who's in a 100 meter radius from my location. Inside, they can't use their gifts," nakangising sambit ng babaeng kasama ko.

Tinapunan namin ng tingin ang music box na umaandar kung saan nasa loob ang sadistang lalaki.

"P-Pero para saan pa at dadalhin natin siya sa guild? Bakit hindi na lang natin siya tapusin dito?" nagtatakang tanong ni Varis.

I remained expresionless. Pinunsan ko ang dugo sa labi ko.

"They took something from us. . ."

"We're also taking something in return."


Solar Academy: School for the TamersWhere stories live. Discover now